Climax

5 0 0
                                    

At eto na. Papunta na ko sa venue wearing my blue long gown. Tangina ang fierce naman ng datingan ko dito. Royal blue eh hahahaha!

Shit malapit na ata kami. And eto na pala!!!! Ang daming tao sa labas naka cocktail dress sila. Blue and black ah. Kaya pala may touch of black tong gown ko. Hahahaha!

Pumasok na ko sa loob and guess what. Biglang nagkantahan ng happy birthday while I'm walking in the aisle. Ang baduy ha? Ang awkward!!! Pero naappreciate ko yung venue super ganda ang aesthetic nga eh. Ang vintage ng datingan. Cool all in all.

Nagkaron ng program. Then nagkainan muna. Lahat ng bisita ko ini-entertain ko including barkada ko ng HS and College nandito din sila. Relatives ko sila Arnold ofcourse. My mom and dad pati only brother ko si CK si Calvin Klark Ylo. After ata ng kainan yung cotillion. Tsaka yung mga 18 candles / shots / bill / treasure. And whatsoever. Tangina nakukulangan pa din ako :( May mga nag intermission number muna. Commercials chuchu

Grabe ang saya pala. Super thankful ako sa mga nag organize nito. Sa parents ko syempre. The best talaga!!!

Nagstart na muna ang 18 message. Starting with my HS and College Friends pati na din other relatives.

Followed by 18 treasure halos lahat naman ng tao dito may regalo sakin eh. Tiba tiba na naman ako. Tapos ung 18 shots, pinangunahan ng barkada ko hahaha nakakatuwa sila. Grabe mga drunkenstein!!

Last but not the least. And 18 roses. Tangina kinakabahan ako! Nakakabakla nman this!!!

Nauna syempre highschool friends ko sila Ken, Jack, Knoxx, Lander pati yung ex kong si Ethan. Kinausap pa nga ako eh.

"Atheenex, you look so damn good tonight." Bola pa more tols

"Ulol. Wala ka ng maloloko dito boy hahahaha. Salamat na lang."  Akala mo ha hahahaha

"But anyway, happiest birthday gorgeous lady. Enjoy your night! Its all yours!"

"Thanks Ethan!" Nag beso beso kami kasi tapos na din kami magsayaw sinundan pa ng iba kong kamag anak. Mga tito ko tsaka pinsan.

Si Arnold din isinayaw ako pang-16 siya sa nagsayaw sakin.

"Naks naman si Budaday!! Ganda! Dalaga ka na tanga. Wag ka ng patanga tanga. Kaya di ka magugustuhan ni Choy eh." Aba teka

"Hoy! Kapal ng mukha mo. Edi okay lang kung di niya ko magustuhan basta gusto ko pa din siya. Hahaha!" Singit ko naman para syempre dedefend ko sarili ko.

"Whatever AC, just enjoy the night. I'm sure super memorable sa'yo nito." Wow bakit naman? Normal debut lang naman to ah?

Natapos na kami mag sayaw and then si daddy ang sumunod. Hala naiiyak ako.

Wait for me to come homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon