Never Fall In Love To Mr. Arrogant
By: NYANS
Prologue:
Nagkita kami ng hindi inaasahan,
Nagkakilala sa hindi maayos na paraan.
Nasa Hate list ko nga sya at sya ang number one.
Lahat na lang ata ng kinaiinisan ko ay nasa kanya na at mapapakanta na ko ng "Nasa'yo na ang lahat ni Daniel Padilla" Siya nga ata ang hari ng kayabangan.
Lagi na lang sya tinitilian ng mga kababaihan, na mala laglag panty raw ang kanyang kagwapuhan.
Sya na ang magaling! Perfect sa lahat ng bagay! Quizzes at Exams. Sama mo pa ang mga recitations!
At Dahil lang ba naging cover sya ng isang sikat na magazine, ang hot na nya? Dahil may abs sya?! Hmp. Oo na!
Ang yabang! Siya na.
Pero sinasabi ko lang, hindi ako magkakagusto o maiinlove sa isang lalaking katulad nya na kahit ano pa ang gawin niya.
NEVER!
Until..
One day,
Nagawa nyang baguhin ang lahat
Bawat makita ko sa paligid ko ay mukha nya ang nakikita ko.
Ang mga mata nya nakakahypnotismo sa t'wing mapapatingin ako.
Isang banggit lang ng pangalan nya ang marinig ko, ang lakas na kaagad ng tibok ng puso ko.
Ang mga kilos nya, lagi ko pinagmamasdan, na halos makabisado ko na.
At sa paraan kung paano sya magsalita ay parang isang maganda awitin na sumasabay sa bawat tibok ng puso ko.
I think I'm falling..
Teka,
it just...
Aaaarrrrggghhhhh!!!!
Duh!'
I'll Never Fall In Love To Mr. Arrogant!!
- Joice deLeon
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove To Mr. Arrogant
Humor[Editing story] Nagsimula ang lahat sa hindi magandang tagpuan. Sa anong paraan maglalapit ang bawat isa sa kanila, kung sa simula pa lang ay iba na ang trato nila sa isa't isa.