Chapter 17:
"Sabi ko sa inyo eh. Friends lang talaga si Ate Khatelyn at Fafa JM" Cyrene
"Friends?.. Eh para ngang may something yung mga yakap nila sa isat-isa" sabi naman ni Niña
"Si Ate Khatelyn na nga yung nag clear sa media di ba?" sagot ni Cyrene
"Malay mo tinatago lang nila" depensa ni Niña
Naku, kung alam nyo lang.
"Bakit namam nila itatago?" tanong ni Cyrene
"Kasi, timer si Ate Khatelyn" sagot ni Niña
Hindi naman siguro. Pero, parang ganun na nga. Hays! Di ako makapaniwala na ikakasal na si ate khatelyn.
"Eh ikaw Cha? Anong masasabi mo?" baling naman ni Niña kay Cha
"Aba, malay ko. Sa pagkakaalam ko kasi.. Wala pang naipapakilalang boyfriend yon." sagot ni Cha.
So, pwedeng si Joseph lang ang kaisa-isahang lalaki na nakipagrelasyon sya?
"Weh?" Teka maiba tayo. Joice nakita ka raw kahapon ni Carmina sa comfort room na umiiyak" sabi ni Niña
"Huh?" para naman akong walang alam sa tinatanong nya.
"Dont deny! Tsaka di ka na naman pumasok kaninang umaga. Bakit na naman? Buti na lang hindi. Pwedeng idrop mo na yung subject na yun, best?" tuloy tuloy na sabi ni Niña
"Iniisip ko kasi na baka ang ginagayon nyong bagong prof natin ay si.. Ralph" mahirap pa talaga sakin sabihin ang pangalan nya, nasa stage ako ng moving on noh!
Nakita ko naman nabigla ang reaksyon nilang tatlo. Di namay pa nila si Cha na walang kaalam alam samin. Nitong second year lang kasi namin sya naging kaibigan.
"Wag kayong magtaka. Nagkita na kami kahapon" sabi ko sa kanila
"Joice, okay ka lang ba? Siguro, kaya ka nakita ni Carmina kahapon na umiiyak no?" sabi ni Cyrene
"Naku.. Sinasabi ko sayo Joice. Tigilan mo na yan" sabi naman ni Niña
Nginitian ko naman sila
"Ayoko na. Pagod na ko. Nakakasawa rin pala maging martyr. Kahit nandon pa yung love, di pa rin mabawi yung sakit" sabi ko sa kanila
Nakita ko naman silang nagtayuan na tatlo at nagpalakpakan
"Huy!" sita ko sa kanila at sabay sabay silang umupo.
Pano mga sira. Nagtinginan tuloy yung mga estudyante sa cafeteria
"Congrats Joice!" sabi naman ng parang sirang si Niña
Ewan ko ba kung bakit nabilang ako sa mga gantong kaibigan. Siguro ganto rin ako.
Natapos na ang vacant namin at pumunta na sa classroom namin. Hindi namin nakasabay si Carmina dahil busy sa boyfie. Ganun ba talaga? Eh ba't ako dati? Sabagay, iba-iba ugali ng tao.
Nang nasa room na kami ay nahagip ng mata ko si Joseph sa isang sulok na nakatingin na naman sa may bintana. Naalala ko tuloy ang mga nangyari kahapon.
-Flashback-
"Kung pagbibigyan mo ang sarili mong magmahal ulit. Pwede bang.. Ako na lang?"
Hindi ako makahinga non ng marinig ang mga sinabi nyang yun.
Umupo ako mula sa pagkakabagsak namin kanina.
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove To Mr. Arrogant
Humor[Editing story] Nagsimula ang lahat sa hindi magandang tagpuan. Sa anong paraan maglalapit ang bawat isa sa kanila, kung sa simula pa lang ay iba na ang trato nila sa isa't isa.