Part I

1.7K 31 2
                                    



Si Maria Sophia Vigor ay kilala sa school bilang... Ay teka, mali. Di nga pala siya kilala sa school dahil di siya mahilig makipag-usap. Masyado siyang seryoso sa buhay. Katulad ngayon, nakaupo lang siya habang nakikinig ng music. Wala siyang pakialam sa mga kasama niya sa classroom. Except sa lalaking sobra niyang kinaiinisan.

"HAHAHA! G*go pare, tinawag ba naman akong paasa. Ni di ko nga siya niligawan" sabi ni Jerron sa mga kaibigan niya.

Nilandi mo kasi kaya umasa! Inis na sabi ni Sophia sa utak niya. Dahil nga sa asar si Sophia kapag naririnig niya ang boses ni Jerron ay nilakasan pa niya ang volume ng headset niya hanggang sa di niya na marinig ang boses ni Jerron at ang mga kaibigan nito. Sa sobrang lakas ng volume ay di niya napansing dumating ang professor nila. Nagtaka si Sophia kung bakit halos lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya hanggang sa maramdaman niyang may nagtanggal ng headset sa tenga niya.

"Oy, andiyan na si Sir ate" bulong sa kanya ni Jerron.

"Lumayo ka nga sakin" sabi ni Sophia kay Jerron dahil masyadong malapit ang mga labi nito sa tenga niya at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya. Bahagyang itinulak niya ito. Bumalik naman din agad si Jerron sa upuan niya.

"You're welcome" sabi ni Jerron kay Sophia na nakatingin sa kanya, ngumisi siya. Samantala, ginantihan ito ni Sophia ng isang pekeng ngiti at isang irap.

"What ever" sagot ni Sophia kay Jerron. Mahinhin mang tignan si Sophia, lumalabas naman ang katarayan nito kapag naiinis siya sa isang tao.

Pagkatapos ng lessons nila Sophia, umuwi na siya agad para makapagpahinga.

"Ma" kumatok siya sa pinto habang tinatawag ang Nanay niya pero nagulat siya sa babaeng nakita niyang nagbukas ng pinto.

"Siiiiis!" sinalubong ni Nathalie si Sophia ng isang mahigpit na yakap, niyakap niya rin ito pabalik.

Masaya silang dalawa na magkitang muli dahil mula bata ay sila na ang magkaibigan at sila na ang laging magkasama, kinailangan lamang nilang maghiwalay noong high school sila dahil nadestino ang Tatay niya sa Manila.

"Grabe! Namiss kita!" Pinakawalan nila ang isa't isa sa kani-kaniyang yakap at pumasok sila ng bahay habang nag-uusap. Bakas sa mga mukha nila ang saya na nagkita silang muli.

"Namiss rin kita. Teka, ba't ka andito?" Sophia.

"Dito muna ako sa inyo, makikibakasyon haha" sagot ni Nathalie.

"Baliw! Bakit? Di ka ba nag- enrol?" tanong ni Sophia.

"Nagdrop ako dahil ayoko na sa course ko kaya nagalit sa akin si papa, kaya dito na muna ako pansamantala" Nathalie.

"Anak, Nathalie. Pumasok na kayo at kumain, dito na kayo sa loob magkwentuhan"sinunod nila an utos ng kaniyang Nanay, sabay- sabay silang kumaing tatlo.

"Si papa?" tanong ni Sophia.

"Bumyahe na kanina. May seminar sila sa Batangas simula bukas, limang araw daw 'yon e" sagot ng Nanay ni Sophia. Nakagawian na sa pamilyang ito na habang kumakain sila ay nagkikwentuhan ng kung ano-ano at nagkakamustahan.

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na si Sophia at ang pinsan niyang si Nathalie sa kwarto. Pagpasok na pagpasok nila ng kwarto ay chineck ni Sophia ang facebook niya.

"Siiiiis! Tignan mo 'to" masayan tinawag ni Sophia si Nathalie haban nakatingin siya sa screen ng computer niya.

Lumapit agad si Nathalie kay Sophia at tinignan ang screen ng computer.

"Oh my God!" reaksyon ni Nathalie nang makita niya yung nakasulat sa notification ni Sophia. Nagtatalon silang dalawa dahil sa saya.

"Sa wakas inaccept na ni Terrence ang friend request ko" Sophia.

Terrence, siya lang naman ang crush ni Sophia simula pa nang high school sila. Hindi ko alam kung crush pa nga bang matatawag ito dahil hanggang sa ngayon ay gusto niya na 'to. Pinuntahan agad ni Sophia ang wall ni Terrence at tinignan ang mga posts nito ngunit wala siyang ibang makita kundi pictures ni Terrence kasama ang girlfriend niya.napawi ang saya niya ng dahil rito.

"Sila parin?" Nathalie.

"Oo" malungkot na saot ni Sophia na hanggang sa ngayon ay umaasa paring mapansin ni Terrence.

"Magbibreak din yan"Nathalie.

"Buang(baliw)" sagot ni Sophia.

Bakit Nasasaktan lahat ng Nagmamahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon