Affected man sa status ni Terrence, mas pinili parin ni Sophia na magfocus sa pag-aaral, lalo na't may presentation siya ngayon sa isa niyang subject. Pero kahit anong pilit niyang magfocus ay di niya magawa dahil kay Jerron.
Habang nagpi-present kasi si Sophia, si Jerron naman ay busy na naman sa pakikipag-usap sa barkada niya.
"*clears throat* Kuya, pwede bang pakibasa?" inagaw ni Sophia ang atensyon ni Jerron, ipinabasa niya yung isang bullet sa presentation niya para magkaroon naman ng kabuluhan ang mga lumalabas sa bibig ni Jerron.
"So, anong naintindihan mo? Pakishare naman samin" mahinahon ang pagsasalita ni Sophia pero halata sa boses niya ang inis niya kay Jerron.
"Ah, share ko nalang sa facebook. Tag kita" sagot ni Jerron kay Sophia na pinagtawanan naman ng buong klase kay lalong nainis si Sophia.
"Naku! Kung pwede lang kitang batuhin ng eraser! "Sabi ni Sophia sa sarili niya habang kinokontrol niya ang inis niya.
Pagkatapos ng klase ay nagpasya si Sophia na magpunta muna ng canteen para kumain para mawala ang stress niya pero nang pababa na siya sa hagdan ay nasalubong niya si Jerron at ang mga kaibigan nito. Hinarang ni Jerron si Sophia. Pinilit na umiwas ni Sophia pero di siya pinapadaan nila Jerron.
"Anong problema mo?" pagtataray ni Sophia.
"Ang ganda pala ng boses mo, you should talk more" sabi ni Jerron.
"Walang kabuluhan ang mga pinagsasasabi mo, ang daldal mo. You should talk less" palaban na sagot ni Sophia. "Tumabi ka nga"
Umuusok na ang ilong ni Sophia sa inis pero pinagtawanan lamang siya ni Jerron.
"Nga pala, na-tag na kita" sabi ni Jerron, nginitian niya si Sophia pagkatapos ay iniwan niya itong nag-iisip kung totoo bang ipinost niya ang answer sa facebook at itinag siya nito. Kaya imbis na pumunta ng canteen si Sophia ay dumiretso na lamang siya sa bahay nila.
Chineck niya agad ang fb niya pag dating na pagdating niya sa bahay nila at ito ang sumalubong sa kanya.
"Sweet dreams baby ko 😘"
Ang post ni Jerron na may kasama pang picture niya na natutulog sa library. Wala pang dalawang oras ay di na mabilang ang mga comments rito, at karamihan rito ay pang-iinsulto at negative comments tungkol kay Sophia.
Ikwinento ito ni Sophia kay Nathalie na kinabukasan, imbis na makisimpatya ay pinagtawanan lamang siya nito.
"Hay naku, papasok na nga lang ako" Sophia.
"Ops! Teka" hinila pabalik ni Nathalie si Sophia. "Halika nga rito, tignan mo yang itsura mo. Ang gulooooo ng buhok mo at ang putla-putla mo. Aayusan muna kita" Nathalie.
"Ano? Malilate na ako e" sagot ni Sophia. Tatayo sana siya pero pinaupo lang siya ulit ni Nathalie.
"Naku! Ipakita natin diyan sa mga nagbabash sayo kung sino ang tinatawag nilang pangit! Diyan ka lang, antayin mo ako" Nathalie.
date":r#!;
BINABASA MO ANG
Bakit Nasasaktan lahat ng Nagmamahal?
JugendliteraturPara sa ibang tao, ang magmahal ang pinakamasarap na pakiramdam na mararamdaman mo sa buong buhay mo Pero pag dating kay Jerron, ang pag-ibig ay parang droga; Nakakaadik, Nakakabaliw, Mahirap pigilan, At nakamamatay...