Madami ang nagulat pagpasok ni Sophia ng school. As expected, pinag - usapan siya ng mga estudyante kaya dumaan siya sa hallway kung saan ay kakaunti lang ang estudyanteng napaparito. Nahihiya rin siya sa ayos niya ngayon, hindi siya sanay sa suot niya at hindi siya sanay mag-ayos ng mukha.
Pag pasok niya ng room, lahat ay napatingin sa kanya pwera na lang kay Jerron. Naupo si Sophia kung saan siya naka-assign maupo. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang Professor nilang si Peter. Nagdiscuss ito ng tungkol sa Research paper na kailangang ipasa sa loob ng 3 months.
"Find your partners" atas ng Prof. nilang si Peter. As usual, ayaw maghanap ni Sophia ng partner. Para sa kanya ay pabigat lang ang pagkakaroon ng partner, para sa kanya, mas magandang gumawa ng ano mang gawain sa school ng mag-isa. Habang si Jerron naman, maraming nagyayayang maging partner siya, karamihan dito ay mga babaeng may gusto sa kanya. Playboy man kung tawagin si Jerron, matino naman siya pagdating sa paggawa ng group reports, research papers at kung ano ano pa.
Tinanggihan ni Jerron ang mga nagyayaya sa kanya at tumabi ito sa kay Sophia. Gulat siyang tinignan ni Sophia.
"Si Babe ang partner ko" pag-aanunsyo ni Jerron.
"Ano ka ba?" bulong ni Sophia.
"Hindi ako mang-aasar. Gusto ko lang ng maayos na kapartner" sabi ni Jerron.
"Tss. Kaya kong mag-isa" Sophia.
"Alam ko. Pero ako, di ko kaya ng wala ka" Jerron.
Namula bigla ang buong mukha ni Sophia, ramdam niya ang init ng mukha niya.
Pinalo niya ng libro si Jerron.
"Tigilan mo nga ako!" galit na sagot ni Sophia, yumuko siya para itago ang pamumula ng mukha niya, nagkunwari itong nagbabasa.
Pagkatapos ng klase ay lumabas si Sophia ng room kung saan ay sinundan siya ni Jerron, hinayaan na lamang ito ni Sophia na sumunod sa kanya dahil baka pag nagsalita pa siya ay kung ano-ano na naman ang isagot ni Jerron. Nagpunta si Sophia sa locker niya para iwan sana ang ilan sa mga gamit na kaniyang dala pero nagulat siya nang madatnan niya kung ano ang nasa locker niya.
Panget! Stupid! Ilan sa mga nakasulat sa pinto ng locker ni Sophia. May ilan ring nagdikit ng bubble gum dito. Isa isa namang inis tinanggal ni Sophia ang mga ito.
"Araw-araw bang nangyayari sa'yo 'to?" tanong ni Jerron.
"Wala kang pakialam" sagot ni Sophia.
Hinawakan ni Jerron ang kamay ni Sophia para pigilan ito sa ginagawa niya, si Jerron ang nagpatuloy sa pag-alis ng mga nakasukat at nakadikit sa locker ni Sophia.
"Inuulit ko, kaya kong mag-isa at tigilan mo na ang pang-aasar mo sakin dahil hindi na nakakatuwa" imbis na magpasalamat ay iniwan ni Sophia si Jerron habang nagtatanggal ito ng mga mga nakadikit sa locker niya. Naiwan si Jerron sa locker habang pinapanood niyang umalis si Sophia na umiiyak. Biglang naiba ang mood ni Jerron ng makita niyang umiyak si Sophia, pakiramdam niya ay gusto niyang yakapin ito. Biglang sumama ang tingin niya sa sarili niya, dahil alam niyang isa siya sa mga taong nang-aasar kay Sophia.
Pinili ni Sophia na magpalipas oras sa garden at doon mag - aral, nakaheadset siya para hindi niya mapansin ang mga taong nasa paligid niya. Habang nag- aaral, hindi niya inakalang makikita niya si Jerron sa garden, nainis siya bigla kasi akala niya ay sinundan na naman siya nito pero nang makita niyang may kasama itong ibang babae ay bigla siyang nadismaya, hindi niya alam kung bakit pakirandam niya ay ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Inalis niya ang tingin niya kay Jerron at ibinalik ang atensyon sa kaniyang binabasa.
BINABASA MO ANG
Bakit Nasasaktan lahat ng Nagmamahal?
Teen FictionPara sa ibang tao, ang magmahal ang pinakamasarap na pakiramdam na mararamdaman mo sa buong buhay mo Pero pag dating kay Jerron, ang pag-ibig ay parang droga; Nakakaadik, Nakakabaliw, Mahirap pigilan, At nakamamatay...