#2. zclub

86 13 20
                                    

Kinagabihan ay katext ni Diana ang mahal na nobyo- si Ramsey.
D: kinakabahan ako Ramsey.
R: y?
D: para bukas.
R: wag ka nang mag-isip ng kong ano pa dyan matulog ka na para di ka mukhang zoombie bukas "
D: kinakabahan ako, paano kong may masamang mangayari sa akin doon sa club "
R: ano ka ba! Kasama mo ako bukas ako manager mo remember? Saan ka andoon ako .okay !matulog ka na please wag ka na mag isip pa.
D: okay
R: love you Diana😘😘😘😘

Ilang minuto ang lumipas at wala nang text mula kay Ramsey kaya naisip niyang tulog na ang kasintahan.

Kinabukasan ay maagang nagnilaynilay si Diana, di rin naman siya halos nakatulog sa magdamag. Iniisip niya kong tama bang magpatiayon siya sa gusto ni Ramsey.pero kailangan niya ng malaking pera, pero natatakot naman siyang baka mapahamak.
Ang daming PERO kong iisipin at nakakapagod lang.
Isa pang kinakatakotan niya ay wala naman siyang pormal na ensayo sa pagkanta, sa school lang siya noon na discover at ilang taon na ring di sumasali sa mga singing contest.

Napatingin siya sa wall clock
Mag alas singko na, nag umaga na at lahat yun pa rin ang laman ng isip niya.

Narinig pa niya ang pagtilaok ni COSME ang alagang manok ng tatay niya.
Napatingin siya sa bintanang gawa sa kahoy nagdidilim ang langit mukhang uulan pa yata, paniguradong kakalat na naman ang kaldero sa paligid ligid.
Hay na lang nasabi niya sa sarili.

Napasukan niya ang kaniyang nanay sa kusina nagkakape, katapat naman nito ang kaniyang ama na kumakain,.

Napatingin siya sa mukha ng kaniyang Ina, edad 47 years old lamang ito pero dahil sa kahirapan ay mukha na itong 50 years old. bata pa lang siya noon pangarap na niyang madala sa parlor ang mama niya-kabayaran sa sakripisyo sa kanila pero hangang ngayon pangarap lang.
Pamper bilang pasasalamat yun sana gusto niyang gawin pero mukhang pangmayaman lang ang salitang PAMPER.

Mas uunahin nilang mag anak ang pagbili ng bigas, ulam, pambayad sa ilaw at kuryente kaysa ang mag-pa- parlor o kumain sa restauran. Napailing na lamang siya.grabe napakahirap pala talaga nila.

"Oh!Diana, maaga ka yatang nagising, ?
Salita ng Inay ni Diana
-
-
-
Diana is busy-- -- buffering

Patuloy na dumadaloy sa isipan niya ang kahirapang nararanasan ng pamilya, at anong paraan maari niyang gawin para makaahon silang lahat.

"Sinabi ko na nga ba, Juan, tingnan mo si Diana, isuko mo na yan kay Pres. Duterte, ayan mukhang bangngag " iiling-iling na wika ng kaniyang Inay.

Narinig niyang tumawa ang kaniyang ama pero di niya maintindihan ano ang pinagtatawanan nito.

"Diana anak," kumawaykaway pa ang kaniyang Tatay.

Tulala si Anak

tumayo ang kaniyang ama malapit sa kaniya at pinitik nito ang ang kaniyang noo,

"Aray ko, Tay! bakit po"? naguguluhan niyang tanong, hinimas-himas pa niya ang nasaktang noo.

"mukhang naka'y Ramsey parin ang diwa mo ah"!. Sagot naman ng ama niya habang sumusubo ulit ng kanin.

"Di naman po, Nay, Tay, may iniisip lang ako"paliwanag pa niya sa magulang

"Ano naman iniisip mo? Kow, mahal ka noon" sagot naman ng kaniyang Ama.

Napailing naman siya sa sinabi ng kaniyang ama. 'Alam ko naman na mahal ako ni Ramsey, Tay. Pero di siya ang iniisip ko ngayon. " mahinahon niyang paliwanag

Wish Upon A star (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon