Diana

42 8 12
                                    

Gypsy or traveller
a Gypsy goes beyond the flow anywhere their journey take them.

I hope like a gypsy my reader can still appreciate the life even at it's lowest.

To God be the glory.

Kaagad dumiretso si Diana sa club pagkagaling ng hospital ne wala siyang pakialam kong kahapon pa ang suot niya at nangangati na ang katawan niya sa alikabok.
Lobat na rin ang mobile niya kakadial kay Ramsey pero unattended pa rin ito.
Komg kilan kaylangan niya saka wala.
Napahilot siya sa kaniyang sentido- di siya makapaniwala sa mga nangyayari. Naitanong niya tuloy sa sarili kong kabayaran na ba ito sa ginawa niya?ang bilis naman kong sakali.
Kaagad siyang umibis sa tricycle pagkarating sa zclub.
Itinulak niya ang pinto para makapasok, kaagad namang tumunog ang door chime na lumikha ng ingay para mapaangat ng tingin si Bebsie na usually ay nakaupo sa counter ng bar. Kaharap ng pinto.

"Oh!Diana ," nasa boses nito ang pagkagulat at pagtataka" ang aga mo ata? Naka tshirt na white ito at slacks na pantalon."mamaya pa pasok mo ah " boses iyun ni Bebsie.

"Bebs" tawag niya sa manager ng makalapit sa kinauupuan.

"Alos-dos palang ng hapon ah! Bakit ka napapunta ng maaga"?
"Bebs" tanging nasambit niya sa kaibigan
Sa maikling panahon kasi ng pagtatrabaho niya sa club kay Bebsie siya naging malapit. May mga kaibigan siyang babae katulad na lang ni Angel a.k.a Queen , pero mas malapit ang puso niya kay Bebsie. Bakla ito oo, pero di katulad ng ibang bakla si Bebsie ay di nagsusuot ng mga binabae na kasuotan, masaya itong kausap at napakatulongin iyun siguro isa sa rason kong bakit malapit siya kay Bebsie.

"Anong nangyari sayo Diana"?he can sense something wrong at Diana kaya agad niya itong nilapitan , Tiningnan mula ulo hangang paa" bakit laki ng eyebags mo bes, kaloka ka". He's trying to lighten Diana' s sorrowful aura.

"Bebsie".. maluha-luha niyang sambit

"Halika doon tayo sa office ko" pag pasok nilang dalawang sa office ay tumabi sa kaniya si Bebsie ng upuan.

"Ngayon mag salita ka ano nangayri sayo Diana"?

"Nasa ospital ngayon ang tatay ko Bebsie, kailangan ko ng malaking halaga".
Naluluha na naman siya sa tuwing naalala ang nangyari kaninang umaga lang.

Nabigla naman siya sa balita ni Diana "napano siya?

"Hinimatay siya kanina Bebsie sa sob-sobrang galit sa akin" . Umiiyak niyang wika
(Note: Umiiyak na talaga siya di ko magawang lagyan ng huhuhu -)

"Bakit nagalit si Amang Hari sayo"? Pang uusisa pa ni Bebsie.

Gusto sanang esekrito ni Diana ang pangayayari pero ano pa ba ililihim niya sa kaibigan?kaya nga magkaibigan walang lihiman at walang traydoran.
"Kasi -
"Ano Diana?
"Di ako nakauwi kagabi, magkasama kami ni Ramsey". Naibulalas niya sa pagitan ng hikbi at uhog.

Di naman makaimik si Bebsie sa narinig.
Matatawa ba siya ?o magsasabi ng congratulations.? Gusto niyang kulitin ito, tanongin kong ano ginawa nila ni Ramsey sa magdamag, pero nalungkot siyang isipin na ang memorable day nito ay naging worst day ever. Dahil sa kalagayan ng ama.

Humagolhol naman si Diana matapos maramdaman ang pananahimik ng kaibigan, labis-labis na pagkapahiya ang nararamdaman niya sa oras na yun . tinakpan pa niya ang mukha upang itago ang kahihiyan.
Naramdaman niya ang pagyakap ng kaibigan.
Kaibigan-handang dumamay, walang panghuhusga,yun ang naramdaman ni Diana ng yakapin siya ni Bebsie , ramdam niyang di siya nag iisa sa laban, sa katauhan ni Bebsie nagkaroon siya ng bagong lakas. Si Ramsey dapat ito pero missing ang magaling niyang boyfriend, kahif pinipigilan niyang wag mag tampo sa sitwasyon niya ngayon halo- halo na na parang ice cream nararamdaman niya.

Wish Upon A star (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon