1

11 0 0
                                    

"Hayyy..." I heaved a deep sigh as I reach the front gate of my new school.

Nakatayo lang ako ngayon sa tapat ng gate at nag-aalinlangan pang pumasok. Hindi ko kasi alam ang susunod na mangyayari 'pag pumasok na ako. I am new to this kind of feeling since ngayon lang naman ako magtatransfer ng school. Simula kasi prep ay sa iisang school na ako pumasok.

"Hindi mo malalaman ang mangyayari hangga't hindi ka papasok."

Agad akong napalingon sa likod ko para tignan ang nagsalita. Isang matangkad na lalaking naka-straight face na may salamin ang bumungad sa akin. Matangkad kasi maliit ako. Alam kong studyante rin siya dito dahil naka-uniform ito.

"Ako ba ang kausap mo?" nagawa kong itanong sa kanya.

Nagkibit-balikat lang ito at nilagpasan na ako para pumasok na sa gate.

'Ako ba kausap nun?' napakamot na lang ako sa ulo at pumasok na sa gate ng bago kong school.

This is it. There's no turning back.

Lumakad pa ako ng kaunti nang makalimutan ko kung anong room nga ba ang first subject ko ngayong araw kaya tumigil muna ako sa may front face ng unang building ng school- hindi ko pa kasi alam tawag dun e - kung saan may mga lamesa at upuan para halungkatin sa bag ko ang schedule ko. Kapag ganito kasing kinakabahan e hindi ko na alam kung saan ko nailalagay ang gamit ko.

Nang makita ko na ay tinignan ko muna ang relo ko. 8:40 pa lang at 9am pa ang klase ko. Hindi naman siguro ako aabutin ng 20mins sa paglalakad.

Dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa room ko. Iniisip ko na ngayon pa lang kung saan banda ako uupo. Ayoko sa unahan dahil doon kadalasan ang unang tinatawag kapag magpapakilala. Ayoko rin sa likod kasi may mga prof din na doon nagpapasimula. Kaya kung maaari e sa gitna ako uupo. Ayoko rin na lalaki ang makakatabi ko kasi naiilang ako. Ayoko rin ng tahimik na katabi kasi ayoko na ako ang unang mag-aapproach dahil ako, inaamin ko na mahiyain ako. Pero ayoko rin naman ng sobrang daldal dahil baka mainis ako at layasan ko siya. Pero syempre joke lang 'yun. So as much as possible, 'yung katamtaman lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may tumapik sa balikat ko.

"Oy Omi, hatid ka na namin sa classroom." sabay hatak sa braso ko ng dalawang makulit na nilalang na bigla-biglang sumusulpot.

"Teka, teka. Dahan-dahan naman, makahila kayo e." awat ko sa kanila.

"Excited na kaming makapasok ka e." ngiting-ngiting sabi ni Joy habang hawak pa rin ako sa braso. Mabuti na lang at dahan-dahan na kaming naglalakad ngayon. "Saan ba room mo?"

"Sa 201A."

"Ah. Malapit lang pala. E ba't ang bagal mo kasing maglakad?" tanong naman ni Miles.

"Kinakabahan kasi ako."

"Sus. E wala namang magbabago kung binilisan mo."

"Saka, come on Omi. Pare-pareho kayong first year sa room mo. Transferee rin ang mga 'yun. Wala pang magkaka-kilala."

"E sa kinakabahan ako e. Kayo rin naman nung mga first year pa lang kayo, for sure gan'to rin kayo." ani ko at matalim na tumingin sa dalawa. Tumawa lang sila bilang sagot. Speechless. Sinasabi sa hula.

"Oo na, pumasok ka na nga lang sa loob." nakangiti pa ring utos ni Joy. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng room ko.

"Samahan niyo ako." parang batang sabi ko naman sa kanila.

"Ano ka? Nursery? Go na, kaya mo na 'yan." may pagtulak pang nalalaman itong si Miles. "O gusto mong pagbuksan pa kita ng pinto?" as soon as sabihin niya iyon ay binuksan nga niya ang pinto. Napatingin naman ako sa loob at nakita ko ang mga new classmates ko na nakatingin sa'min.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First TimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon