GRADESCHOOL

48 2 0
                                    

Eto nga, baka nagtataka kayo, paano nga ba kami nagkakilala ni Arkin. :)

Same school ko sya nung elementary. Until highscool. Up to college. Ayos ba? :)))

Grade 3 palang ako crush ko na siya. (Landeh ko ren eno? :))) Nalaman niya yun nung grade 4 kami. Paano pinagsigawan ba naman nung kaibigan ko sa lobby ng school namin na crush ko rin siya. -_-

Arkin: Ano nga? Crush mo ba ako?

Veniece: oo nga! PATI SI M CRUSH KA RIN!!!

Ganyan!! Tandang tanda ko pa yang mga linyang yan na nagpabingi sa tenga ko. Simula nun, di ko na alam gagawin ko. Haha! Di ko pa nga siya naging close, lumayo na agad siya sakin. Bwseeeet. :))

I remember a lot of moments with him. Memories na binabalikbalikan ko nalang ngayon. :( :)

Grade 3, siya yung kaexchange gift ko! Hihi. Tapos regalo ko sa kanya... Frame na kulay yellow tapos may flower flower... =)))))))) ang cute kaya!

Eto pa... Natatandaan ko grade four, FEBRUARY 14. Merong Valentines' Partyna inihanda yung teacher namin. Kailangan daw magdala ng kahit anong ibibigay sa makakabunot na partner. Ganito ang mechanics ng game: merong hearts na ginupit into two. Kailangan hanapin niyo yung may kaparehong shape ng cut. Gets? :)) Madami nang nakahanap ng partners nila, ako wala pa rin! Nakatayo ako banda sa may teacher's table, napansin ko wala pa rin siyang partner! Nagsimula na akong kabahan!!! Yung puso ko matatanggal na sa ribs kooo! At papalapit na siyaaa! Oh no! Andyan na si Crush!! :))) at lakas loob ko siyang tinanong. Pinagtapat ko ang puso naming dalawa... And tada! PERFECT MATCH. Hindi talaga ako makapaniwala noong una eh. Talagang inulit ko pa yun. At totoo nga.. Siya yung valentine's partner ko. Hanggang ngayon nga nasa akin pa rin yung kalahati eh. Nakapreserved xD at anong binigay niya sakin? RED ROSE. na tanim daw ng mommy niya. And yung petals ng rose na yun, inipit ko sa makapal na dictionary. Old school ang peg. Meron pang isang petal na natira, and I took a picture of it. :) Napakaspecial ng rose na yun... Ng date na yun.. Kahit once lang, naging valentines' partner ko yung crush ko. (Pero syempre, mas maganda kung more than di ba? ;)

Grade 5... Wala naman masyadong nagyari. Ah, eto yung first time na naging magkatabi kami. At dahil sa madrama akong tao, nagdrama ako sa kanya. And all he did was stare at me. I get no response!! Parang yung tingin niya "Ah, K. -_-" Nakakaasar.

Grade 6, eto bulgar bulgaran na sa buong batch. May event kasi kami. Buwan ng Wika ata yun. Tapos song interpretation. Sa Sarungbanggi, kailangan ng couple na mag-aact. Yung boy liligawan niya yung girl. May part dun na sisipol siya para gisingin yung girl tapos maghahawak kamay sila. Eh, etong adviser namin, nagpadala sa mga kantiyaw ng mga kaklase ko, kami yung ginawang couple. -_- Naalala ko pa nun, yung kamay niya... Nanginginig sa sobrang kaba. Haha! Mahiyain kasi yun ee. Pero ang soft ng kamay niya ha!

Nakakatawa alalahanin yang memories na yan. Kung kailan mga bata pa kami. Parang ang bilis nga ng panahon eh. Tapos highschool na. Dito. Dito talaga umusbong ang nararamdaman ko sa kanya. :)

Crush Kita, Kaibigan mo lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon