To Infinity and Beyond

33 0 0
                                    


MIKAEL's POV

Ako si Mikael. Tall, dark and handsome. Isa akong basketball player at hindi sa pagmamayabang, ako ang laging Athlete of the Year sa 21st Century Academy. Isa ako sa mga lalaking malaki ang respeto sa mga babae pero NGSB (No Girlfriend Since Birth) kasi I promised myself na mag-fofocus ako sa pag-aaral ko kaya hindi muna ako mag-ggirlfriend. Pero kinain ko yung promise ko when I met this girl. Nakilala ko siya nung may event sa school (United Nations). Siya si Michelle, nung una ko siyang nakita, hindi ko akalaing mahuhulog ang loob ko sa kanya. Maganda siya, mahinhin at mabait.

"Tara tol? Sali tayo sa sayaw", sabi ng kaklase kong si Jozef na niyayayang sumali yung kaibigan ko para sa United Nations.

"Ayoko. Hindi ako sasali kapag hindi sumali si Mikael." sagot ng kaibigan kong si Jorex habang nakatingin at nakangiti sa akin.

"Hala ayoko. Hindi ako sasali dyan." sagot ko kasi ayaw ko talagang sumali, nakakatamad kaya.

"Edi ayaw din namin." tumatawang sinabi ng dalawa

"Hala Kuya, sama ka na para sumama na rin sila. Kulang kasi ng dancers eh." singit ng babaeng nagtatanong kung sinong pwedeng sumali sa sayaw na nasa may pinto ng classroom namin.

"O'sige na nga. Saan ba?" tanong ko, kahit sobrang tinatamad ako at mas gugustuhin ko pang matulog kesa sumali dyan sa sayaw na yan.

"Diretso na lang po kayo sa Auditorium." nakangiting sabi nung babae sabay alis agad nito. Hay nako, kainis naman. Parang mga bakla. Hindi sumasali kapag hindi ako kasali. Bakit kasi ako pa. Eh ang dami-daming lalaki sa room, natural kasi all boys kami sa classroom. Bawal daw kasi i-mix ang boys and girls, conservative daw kasi si Principal. Arte no?

MICHELLE'S POV

Ako si Michelle. Maganda daw ako sabi ng nanay at tatay ko, mga kaibigan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pero ako, hindi ako naniniwala. Syempre, pa-humble muna. Ha ha. And then I met this one guy na naging dahilan kung bakit sinimulan ko nang paniwalaang maganda nga talaga ako. Nakilala ko siya sa 21st Century Academy. May event kasi sa school at dun kami nagkakilala.

"Uy sino ba marunong sumayaw dyan?" bungad ng kaklase kong si Ched pagpasok niya ng classroom.

"Bakit? Anong meron?" tanong ng mga kaklase kong babae, syempre puro babae lang naman kami sa classroom, conservative daw kasi si Principal. Ha ha. Ang arte!

"Para kasi sa United Nations, simple presentation lang naman kaya sali na kayo." sagot ni Ched kaya naman nagsi-salihan na ang mga babaeng to.

"Michelle!!! Tara sali tayo!" sigaw ng bestfriend kong si Jane na ang ganda ng ngiti sakin.

"Ha? Sige tara. Ano bang sasayawin?" tanong ko na nagdadalawang isip pa kasi hindi ko pa alam kung anong sayaw ba ang gagawin.

"Sway." sagot sakin ni Ched. Sumama na rin ako kasi wala naman akong ginagawa at nabobored ako sa classroom.

*

"Line up! Girls, sa right kayo and boys sa left. From cutest to tallest, line up!" sigaw ng teacher na magbabantay samin habang nag Cchoreo yung magtuturo samin.

Nagulat ako ng bigla akong hinigit ni Ched papunta sa pinaka dulo.

"Well? Excuse me? Ganun ba 'ko katangkad? O sadyang maliit lang sila? Maawa ka naman sakin, ayoko sa likod." sabi ko sa kanya na medyo naiinis kasi dapat hindi na lang ako sumali kung sa likod lang din naman ako. Sorry pero may pagka-maarte lang talaga ako. Ha ha!

"Oo Mich, chill ka lang. Hinahanapan kasi kita ng partner by height kasi eh. Wait lang." seryoso na medyo natatawang sagot niya sakin.

"Jane! Buti ka pa nasa gitna. Liit mo kasi eh!" sigaw ko sa bestfriend kong may partner na samantalang ako nganga sa pwesto ko. Binelatan niya lang ako sabay harap na ulit sa partner niya.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon