My Everything

2 0 0
                                    

MICHELLE's POV

Wow! Imagine this! Ang tagal na pala namin. At pakiramdam ko, siya na talaga yung para sakin. Siya na yung mapapangasawa ko. Siya na talagaaa! If you're going to ask me why, I'm telling you! For me, he's perfect! Siya yung lalaking laging nanjan para sakin thru ups and downs. Kahit kailan hindi niya ako iniwan. The best tong lalaking to. Hindi ko na papakawalan to. :)

MIKAEL's POV

Wow grabe! Ang tagal na namin ni Michelle. Para sakin siya na talaga. Gusto ko siya yung babaeng papakasalan ko. Promise pagbubutihin ko pag-aaral ko, at maghahanap ako ng magandang trabaho para maganda ang buhay namin sa future ni Michelle. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko at hinding-hindi ko siya iiwan o ipagpapalit. Siya na talaga. Blessed and thankful ako dahil binigay siya sakin God. :)

*

Sobrang dami na naming pinagsamahan, 1st month, 2nd month, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th.

Oo 9 months na kami.

MICHELLE's POV

Sa Pinas ako magcecelebrate ng ika-9 months namin. At dahil hindi kami magkasama, malayo ako, natatakot siyang baka palitan ko na siya sa Pinas.

"Babe malapit na uwi mo" bakas na bakas sa mukha niya yung lungkot.

"Babe naman. Wag ka na sad. Bakasyon lang naman diba. Babalik naman ako diba." Sabi ko sa kanya para hindi siya masyadong malungkot.

"Kahit na babe. Wag mo kong ipagpapalit dun ha." Pag-aalala niya

"Oo naman babe. Ano ka ba. Wag mo ngang isipin yan. Hinding-hindi kita ipagpapalit tandaan mo yan babe. Mahal na mahal kaya kita." Sagot ko para mabawas-bawasan naman pag-aalala niya.

"Mahal na mahal din kita babe. Mag-iingat ka dun ha" pagpapa-alala niya sakin.

Napaka-swerte ko sa boyfriend ko diba? ;)

*

Makalipas ang isang buwan, naraos na din ang panandaliang ldr namin. Hahaha! Oha diba kinaya namin. Haha galing no.

*

Hays! Pasukan na naman! Pero ok lang at least araw-araw na naman kami magkasama kahit magkaiba kami ng section. Kasi section A ako at section B naman si Mikael. Ldr? Sad life? Hahahahaha no! :) Why? Kasi every recess, lunch break, dismissal hanggang 8-10pm magkasama kami EVERY SINGLE DAY. Kaya naman sobrang kumportable na kami sa isa't isa. Lahat ng secrets alam na ng bawat isa. Memorya na din ang mga nunal sa katawan. Mga paboritong pagkain, libangan at lahat-lahat na. Hindi ko lang boyfriend si Mikael, bestfriend at dad ko din siya. Siya yung laging nandyan to protect me lalo na pag may nang-aaway sakin sa school. At siya din yung nagbibigay sakin ng advices lalo na sa family problems. Siya yung kasa-kasama ko magreview pag malapit na ang examination week. Siya yung kasama ko laging mang trip sa malls. Siya din lagi kong kasama mapa-foodtrip, laughtrip, soundtrip at marami pa. Hay. I can say that he's my everything. Kaya natatakot akong mawala siya. I can't imagine my life without him. Parang hindi ko kakayanin.

Naalala ko nga nung first day of classes...

*flashback*

"Mich! May new student na girl sa section ni Mikael!" Sigaw ng kaklase kong gusto atang makipag-away ako.

"Ah. So? Hayaan mo. Haha ano naman?" Sagot ko wala naman talaga akong pakialam.

"Wala lang. Lagot ka baka landiin bf mo." Sabi sakin ng kaklase ko. Medyo kinabahan din ako ah! Haha pero may tiwala ako kay Mikael. :)

*

Bago mag end ang classes, may nababalita na akong nilalandi daw nung new student si Mikael. So kinakabahan na ako. Pero hindi ako naniwala sa kanila until kay Mikael mismo manggagaling. Then poof! When I asked Mikael, hindi naman daw pero parang ganun nga daw. Edi ganun din yun! Grabe. Nanggigil talaga ako ng sobra dun sa girl that's why the next day, sinugod ko siya ng bongga sa classroom nila. Hahaha!

"Hi nasan si new student?!" Tanong ko sa isang student na nasa labas ng classroom nila.

"Tel may naghahanap sayo" sigaw nung student na kinausap ko sabay pasok na sa classroom.

Lumabas na si newby.

"Ano po yon?" Yung new student.

"Ah so ikaw pala yun. Hi ate. Totoo bang nilalandi mo boyfriend ko?!" Napataray ata yung pagkakasabi ko, mukha pa naman akong maldita. Halata tuloy sa mukha niyang natatakot siya.

"Ha? Ate. Hindi po. Sino po bang bf mo?" Pagtatanong niyang mangiyak-ngiyak na yung mata niya.

"Si Mikael! Sure ka ha? Ayusin mo! Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Lumayo-layo ka sa boyfriend ko! Siguraduhin mo lang. ;)" pang-aasar ko.

Pagkauwi ko sa bahay, nakita kong may friend request ako sa fb from that new student.

*WOW! Siya pa talaga ang may lakas ng loob i-add ako. Ang kapal ng mukha! So inaccept ko. Nagchat kami hanggang sa dumating sa puntong nagkaka-asaran na. Naasar ako sa inaasta niya. Ang tapang niya kasi sa chat pero sa personal nganga! So sumabog galit ko. To the point na nagmukha na siyang pathetic sa mga sinabi ko. Natakot pala sakin. Mygosh! Hindi ako na-inform na hindi pala niya kayang lumaban ng solo. Kaya ayun, she brought her parents together with her sibling at school the next day. Hahahaha! Anobayan. 3rd day of classes nasa guidance office kami. Hahahaha. Funny isn't it? ;) Well, anong magagawa ko? Mahal ko yung nilandi niya eh. Hahahaha! Pero naayos na din naman namin. Sa susunod kasi dapat mag-ingat lahat ng malandi. :)

*end of flashback*

MIKAEL's POV

Mahal na mahal ko si Michelle. To the point na, pag may nang-aaway sa kanya sa classroom nila, automatic yun. May tatakbo sa classroom namin at ibabalita sakin na naiyak ang girlfriend ko gawa ni ganto ganyan. So automatic na din pupunta ako sa room nila para sugurin nagpaiyak sa babaeng mahal ko. Ako nga hindi ko sinasaktan si Michelle, hindi ko siya pinapaiyak tapos papaiyakin lang siya ng iba. Aba hindi naman tama yun! Mapa-babae o lalaki! Wala dapat mananakit o magpapaiyak sa girlfriend ko! Oo sobrang protective ko sa girlfriend ko. Kasi she's my everything.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon