Two

1 0 1
                                    


"Sige na." pagpupumilit nya.

"Sinabi nang ayoko eh." sagot ko.

"Di wag! Painom nga hyung." baling nya kay JB.

"Kita mo ito. Alam mong may rehearsal tayo di ka nagdadala ng tubig." sagot ni JB.

"Naubos ko na kanina sa program." sabi ni BamBam.

"Ubusin mo na nga to." sagot ni JB.

"Salamat hyung." pagpapasalamat ni BamBam kay JB.

"Louisa. Anong ginagawa mo?" tanong ni BamBam paglapit nya sa akin.

"Wala ka na dun." sagot ko.

"Ano nga?" pagpupumilit nya.

"Wala nga." sagot nga.

"Wala daw. Eh ano yang sinusulat mo sa notebook mo? Pahiram nga nyan." sabi ni BamBam at kinuha yung notebook ko na pinagsusulatan ko ng mga happy moments ko. Then tumakbo papalayo sa akin.

"BamBam akin na yan. Ibalik mo na yan." sabi ko ko kay BamBam.

"Ano muna nakasulat dito?" tanong nya.

"Isa BamBam. Ibalik mo na kasi." sabi ko.

Nilapitan ko sya para kunin yun. Paglapit ko ay tinalon talon ko yung notebook ko. Nakataas kasi yung kamay nyang may hawak nung notebook ko eh.

"Ayoko nga. Peram lang." sabi ni BamBam.

"Tss.. Ang landi talaga. Pati ba naman yung partner ko sa sayaw lalandiin nya." rinig kong sabi ni Momo.

"Kaya nga eh. Si JB ko nga din nilalandi nya eh." si Dahyun ba yun? So means gusto nya din si JB? Mutual lang pala sila ni JB eh.

"Sobrang landi talaga." dagdag pa ni Nayeon.

Maya maya'y bumalik na yung coach namin mula sa break.

"O eto na nga notebook mo." sabi ni BamBam sabay balik sa akin nung notebook nya.

"Kamsa" sagot ko.

"Okay guys, start na ulit tayo. BamBam kayo na ulit ni Momo ang partner. Jackson and Louisa kayo na ulit partner." sabi ni Coach.

Pagkatapos namin ay nagsiuwian na kami. Sobrang pagod ang inabot namin. Bukas sa Vocal Hall naman kami.

Pagkadating ko sa bahay ay nagulat ako ng makita ko si Papa.

"Appa? Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko kay Papa.

"Louisa, kukunin ka muna ng Papa mo. Dun ka na mag aaral sa States." sagot ni mama.

"Ayoko ma. Di ko kayang iwan mga kaibigan ko. Ayokong iwan sila" sabi ko sa mama ko.

"Babalik ka din naman dito anak eh. Pagkagraduate mo." sagot ni mama.

"Pero ma.." nasabi ko nalang.

"Wala ng pero pero. Bukas na ang flight natin papuntang States. Naayos na din ng mama mo ang mga gamit mong dadalhin doon." sabi ni papa.

Tumakbo ako papuntang kwarto nang umiiyak. Ayokong iwan mga kaibigan ko. Sila Junior, JB, Mark, Yugyeom, Youngjae, BamBam lalong lalo na si Jackson. Sila lang naman mga kaibigan ko eh. Babae? Wala akong babaeng kaibigan. Galit nga sila sa akin diba? Dahil sa malapit ako sa Got7. Sa kakaiyak ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

~Kinabukasan~

"Pupunta na ng States si Louisa. Pakisabi nalang sa mga kaibigan nya." sabi ni mama.

Is She Dating The GOT7? (One Shot)Where stories live. Discover now