Nilibot ni Gab ang kanyang paningin at nang makita niya ang kanyang mga kaibigan agad-agad siyang lumapit dito."Gab!" Sigaw ni Ean.
Lumingon si Gab kay Tanya at nginitian niya ito at pumula ang pisngi ni Tanya.
"LONG E! ayieeeeeeee!" Sabi ni Ean habang tumatawa.
Tumingin ng masama si Tanya kay Gab kaya't tumigil ito sa kakatawa at nag-peace sign.
"Tsk." Sabi ni Tanya at lumakad palayo.
Binatukan ni Gab si Ean at sinundan na ni Gab si Tanya.
Naiwan doon si Ean habang nakatingin sa dalawa.
Naging puti lahat ng mata ni Ajay at Kinuyom ni Ean ang kanyang kamao. tinitignan ni Ean si Gab ng masama na para bang galit na galit ito sakanya.
Ilang sandali, Bumalik na sa normal ang mata ni Ean at sinundan sila.
Napahinto si Ean ng makita niya si Riyan na nakatitig sa kaniya.
"Oy Riyan!" Sigaw ni Ean kay Riyan habang papalapit sa kaniya.
Namula ang pisngi ni Riyan kaya't mabilis itong tumakbo.
Nagtataka si Ean sa mga kinikilos ng kaibigan niya kaya't umuwi nalang siya.
"Ano kayang mali sa kanila.." Tanong ni Ean sakaniyang sarili at bumuntong hininga.
Patuloy na naglalakad si Ean patungong bahay nila.
Napahinto si Ean saglit at dahang-dahang tumigin sa likod at nagulat ito dahil sa nakita.
"H-hindi 'to maaaring manyari..." Sambit ni Ean sa kaniyang sarili.
Dahan-dahan itong tumakbo palayo sa isang puno na madaming nakasabit na Ulo ng tao.
Nilibot ni Ean ang paningin at may nakita itong isang lalakeng walang ulo habang naglalakad papalapit sakaniya.
Sumigaw si Ean at Nag-umpisang tumakbo.
Hindi na alam ni Ean kung saan na siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo.
Tumingin siya sa likod niya at huminto dahil wala na ang humahabol sa kaniya.
Bumuntong hininga si Ean at tumingin na sa harapan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Ean nang makita ang isang malaking halimaw na nakangisi.
Napaatras si Ean dahil sa nakita niya.
"Gutom na ako." Sabi ng halimaw.
"H-huwag! M-maawa ka!" Iyak ng binata.
Nagsimulang patayin ng Halimaw ang binata. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mata at dila ng binata.
Sumisigaw na ang binata dahil sa sakit na nararamdaman nito. Kinain ng halimaw ang mata at dila ng binata. Sinunod niya namang putulin ang mga kamay ay paa ng binata. Dinukot ng halimaw ang puso ng bata at kinain ito. Mas-lalong napangisi ang halimaw dahil sa mga lamang loob ng binata. Hiniwa ng halimaw ang ulo ng binata gamit ang matatalas niyang kuko at kinuha nito ang utak niya at kinain 'to pati na rin ang mga lamang loob ng binata.
"Salamat sa hapunan." Nakangising sambit ng halimaw at nawala nalang bigla na parang bula.
Naiwan ang bangkay ni Ean na naliligo sa sariling dugo at walang mga lamang loob, may hiwa rin ang kanyang ulo dahil sa ginawa ng halimaw.
YOU ARE READING
Peace and Death
Mystery / ThrillerI thought my life was perfect but it was totally a mess. I regret this. Would I ever forgive myself?