"Kuyaaaaaaaa!!!" hahaha! Patay sakin tong Kuya ko *evil laugh*
Tumalon ako sa likod ni Kuya dahilan para matumba kaming dalawa sa buhangin
"Georgina naman eh! Ang kulit mo!" mukha siyang bata magreklamo eh XD
"Kuya hindi bagay HAHAHA! Mukha kang tyanak!" tinawanan ko siya sa mukha kaya pilit niyang inaalis yung pagkapulupot ng kamay ko sa leeg niya
Mas sinigurado ko na hindi niya maalis yung kamay ko sa leeg niya XD pinulupot ko din yung legs ko sa bewang niya
Wala na siyang kawala! HAHAHAHA XD
"Isa Georgina ha!" pag saway niya sakin habang tumatayo sa buhangin
"Isang piggy back ride lang kuya eh! *pout* damot mo!" nakakainis naman eh! Naglalambing lang ako eh!
"Dalawa! Ayoko ang bigat mo baboy ka!" ang sakit niya magsalita TT^TT
"Bala ka! Di ako aalis dito sa likod mo pag hindi mo ko ni'piggy back ride habang tumatakbo ka" pananakot ko
Alam ko namang hindi ako matitiis ng Kuya ko eh lab lab ako niyan ehhhh~ XD
"Haist! Oo na, kung hindi lang kita mahal at kung hindi lang kita kapatid nako!" sus dami pa nito sinasabi eh papayag din naman pala huehue XD
"Yeeeeyyyyyy!!!" hinalikan ko si Kuya sa pisngi hoho ang qtqt ko XD
"Yuck! Georgina tigilan mo nga yan itatapon kita sa dagat!" ang kyot ng Kuya ko kapag nagagalit HAHA XD mas lalo siyang pumo'pogi XD
"Georgina hija! George hijo! Halika na kayo dito nagbibilad na naman kayong dalawa sa araw!" sigaw samin ni Lola mula sa may kubo
"Mamaya na po Lala! Ipi'piggy back ride pa po ako ni Kuya eh!" sigaw ko pabalik
"Ay nako! Pinapagod mo Kuya mong bata ka!" napa peace sign na lang ako kay Lala kasi naman gusto ko tong piggy back ride eh *pout*
"Hihi. Punta po kami diyan ni Kuya mamaya pagtapos niya akong i'piggy back ride" sabi ko habang nakangiti ng malapad kay Lala yung halos kita na gilagid ko XD
Si Lala na lang nag alaga samin ni Kuya kasi wala na Mom at Dad namin eh. Si Dad namatay sa isang car accident tapos si Mommy naman namatay pagkatapos ako ipanganak kaya ayun! Lola's girl at Lola's boy kami ng Kuya ko.
Si Lala na lang mag isa kasi si Lolo maagang kinuha ni Lord eh, kaya kami na lang nagsama sama kasi ayaw namin mahiwalay sa isa't isa. Tsaka mahal namin ni Kuya si Lola, bff, advicer, tropa, teacher at si Lala rin ang the best Lola in this whole wiiiiiiddddddeeeeee universe XD
"La! Ang bigat ni Georgina oh! Baboy na kapatid ko" reklamo ni Kuya kay Lala
Epal to -.- ang sexy ko kaya!
"Hay! Ewan ko sa inyong dalawang magkapatid!" umupo na lang si Lala sa may kubo tapos nag hand gesture siya na ituloy lang daw namin ginagawa namin
"Kuya go naaaaa!" atat ako eh noh? XD
"Aray ko naman! Kala mo ang layo ng kausap mo ah!" inis na naman Kuya kong gwapo sakin hahaha!
Tumakbo na si Kuya habang nasa likod niya ko nyahahahaha XD haayyy~ sana dito na lang kami palagi sa rest house malapit sa dagat para WORLD PEACE XD
"Wiiiiieeeeee~" I spread my arms in the air haayyyy~ best summer eveerrrr~
"I'm a flying birrddd~" sigaw ko habang nasa likod ako ni Kuya
Sana buong araw ako i'piggy ride ni Kuya XD
"Bird ka diyan! Baboy ka!" binatukan ko nga epal eh -3- kontra ng kontra
YOU ARE READING
Little Things
Teen FictionAng saya o ang sarap sa pakiramdam kung may nakakapansin ng pagiging perpekto mo sa mga simpleng bagay diba? Lalo na kung yung mga taong pinapahalagahan mo yung nakakapansin nito. Masaya ka na dahil lang sa pagpansin nila sa mga maliliit na bagay tu...