"Manong! Paki lagay na lang po yung mga gamit nila Ken, Justine at Lola sa compartment ng van" tumulong na ko sa pag aayos ng gamit nila pauwi.
Maaga kasi ako nagising at hindi na ako makatulog ulit sakto namang naghahanda na sila Lola sa pag balik nila papuntang Manila
Ang totoo talaga niyan nagising ako dahil sa paghihilik ni Georgina -_- kidding pero nahilik talaga siya
"Oh siya! Una na kami apo ha? Mag ingat kayo ng kapatid mo pag uwi" hinalikan ako ni Lola sa noo sabay sabi ng "sabihin mo kay Georgina na nauna na kami ha" tulog mantika kasi kapatid ko eh -_-
Pumasok na si Lola sa loob ng van. Hinintay ko lang na umalis sila bago pumasok sa loob ng rest house.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong dumiretso sa kwarto ng kapatid ko, wala nang katok katok ganyanan kami e
Georgina's POV
Hmm~ *kusot ng mata* *yawns* haist! naalimpungatan ako -3- narinig ko yung makina ng van mula sa baba paalis na pala sila Lola.
Dahil antok pa talaga ako at tinatamad ako tumayo sa kama ko ay hindi na lang ako tumayo kasi naman! -3- nakakatamad kaya tsaka ang lamig pa noh~!
Alam naman ni Lola kung ano sasabihin ko eh. Exactly, like this "Ingat po kayo sa biyahe Lola! Matulog po kayo sa biyahe ha? Malayo layo pa naman po eh tsaka yung gamot niyo po ha! Wag kalimutan" ganyan ako magpaalam kay Lola pero pag nagpapaalam ako kay Kuya o di kaya sa bff ko may kasamang kotong XD
Pumikit ulit ako kasi baka antukin ako ulit kaya niyakap ko ulit si Lelei (name ng human size teddy bear ko hihi)
May narinig akong pumasok sa pinto ng kwarto ko pero yaan na! alam ko naman kung sino yan eh!
Gusto niyo malaman kung sino? Yung pinakapanget na lalaki sa aking mata, ang panget kong Kuya.
I heard his foot steps stop beside my bed so I just ignore it.
"Georgina! Gising na diyan magluluto ako ng agahan at magliligpit rin tayo ng gamit natin" di ko pinansin si Kuya kaya niyakap ko lalo yung teddy bear ko kasi gusto ko pa matulog eh ToT
"Georgina alam kong hindi ka tulog at tinatamad ka lang tumayo" eh di wow! -3- bakit kabisadong kabisado ni Kuya ang mga da moves ko? -3-
Hindi pa rin ako sumagot hmp! bahala siya diyan mamaya na ako tatayo!
Akala ko umalis na si Kuya pero nararamdaman kong may nahila sa bed sheet ng kama ko
OMG! May mumu? ⊙_⊙
Waahhhhh TT____TT kuya bumalik kaaaaa!!!! May mumu sa kwarto ko ╥﹏╥
Yakap ko pa rin ng mahigpit si Lelei ToT tapos biglang....
*BOOOOGGGGSSSSHHHH!!!*
"Ouch! Waaaahhhhhh" ang sakit ng likod ko ToT letcheng multo yun!
"Kuyaaaaa! Huhuhu! Kuyaaaaaaa may mumuuuuu!!!" shet may mumu dito sa rest house TT^TT
"Kuyaaaaaa!!! Yung mumu hinila yung bed sheet koooo!!!" naiiyak na talaga ako tapos wala pa rin si Kuya! Waaahhhh i'm dead! *miyak*
"Pfft HAHAHAHAHAHAHA!!!" yung mumu natawa T0T t-tsaka bakit ka'boses ni kuya yung mumu? T0T
Niyakap ko ng mahigpit si Lelei tapos dahan dahan kong inangat ang ulo ko and then -_-
Makita kita ko Kuya ko mamatay matay kakatawa dahil sakin sakalin ko to eh! T0T
Binitawan ko si Lelei tapos dahan dahan akong tumayo at pumulot ng unan habang si Kuya wala pa ring tigil sa kakatawa
*boogsh* hinampas ko sakanya yung unan impakto to! Tinakot ako ╥_╥
ESTÁS LEYENDO
Little Things
Novela JuvenilAng saya o ang sarap sa pakiramdam kung may nakakapansin ng pagiging perpekto mo sa mga simpleng bagay diba? Lalo na kung yung mga taong pinapahalagahan mo yung nakakapansin nito. Masaya ka na dahil lang sa pagpansin nila sa mga maliliit na bagay tu...