present day
the familiar interior of this coffee shop stirs all kinds of emotion inside me. pero most of all, longing. i remember the very first time we went here. god. i can't believe it's been years.
i order my usual order. yup, they still surprisingly have it. tuna melt and my java chip. OUR java chip. i'm waiting for him. as usual. lagi naman akong naghihintay dun eh. kalahati ko na ang pagkain ko nang dumating siya.
"my gahd! tagal mo!" mataray na bati ko sakaniya at niyakap.
"my gahd! tagal mo!" pang-aasar niya sa akin. "kala mo naman hindi siya matagal noon."
"well. you see, kats, people change."
"bakit ako hindi naman nagbago?" aniya
"tao ka ba?" tinaasan ko pa siya ng kilay na ikinahalakhak niya.
i sighed at mariin siyang tiningnan. same katsumi. just as i remember. nararamdaman ko nanaman ang pangangasim ng panga ko. damn it! tagal na, bakit ang sakit parin?
"in love ka nanaman sakin!" he tried to break the silence..and awkwardness.
no need to fall in love again. i never stopped loving you, bobo.
napailing ako at binago ang usapan. "di ka oorder?"
humindi siya. "i'll just wait for you to finish, then we'll go."
this is the coffee shop kung saan kami unang nagdate. nasa 2nd floor ito ng apat na palapag na building na ito. dati ay dalawang floors lang eh.
everything's not the way they used to be.
"tapos na ko. tara na." seryosong aya ko sakaniya.
tumayo na ako ngunit pinigilan niya ako.
"no need to hurry, yesh. di ka pa tapos oh." ani niya.
napalunok ako. i don't know what to say. i never want this day with him to end but i also just want to get this over with, too. naupo nalang ulit ako.
"so. kamusta california?" pagbukas niya ng usapan. doon nagsimula ang kwentuhan namin. we caught up at di ko napansin na ilang oras na pala kaming nagdadaldalan. this is what it's like between us. time may flew by pero wala kaming paki. sobrang komportable namin sa isa't isa na kahit ngayon ay parang di kami nagkalayo ng dalawang taon.
"tara na?" aya niya. tumango ako at pumanik na kami sa rooftop kung saan siya nakapark.
"saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.
makahulugan siyang ngumiti.
"sa langit." pilyo nitong sabi na ikina-irap ko.
"to our usual place po, madame."
sarkastiko akong tumawa. "wow. our usual coffee shop and our usual place. nagpapaalam ka na talaga?"
hindi na siya sumagot. mapait akong ngumiti at patuloy lang siyang nagdrive.
YOU ARE READING
if you ever come back
General Fictionthis is for you. for me. and for the love we lost.