3 years ago
"babe!" bati sakin ni joshua pagkalapit ko. paalis sila ng basketball team para magtune up game sa ibang school. inakbayan ako nito.
"hi, ayesha." bati sakin ng kateam mate niya. nginitian ko ito. "saan laro nyo, migs?"
"notre. sisiw nga lang eh." mayabang na sagot nito. nag-apiran sila ni joshua. tumango nalang ako at sumenyas si migs na aalis na.
bumaling ako sa boyfriend ko. "good luck!" nginitian ko siya ng matamis.
"good luck lang?" pekeng tampo nito at tumuro sa pisngi niya. sinapak ko ito at nilingon ang gym. naroon ang basketball at volleyball team namin. magkaibang school sila pupunta para lumaro. next week ay dito naman gaganapin ang mga tune ups.
iniharap niya ang mukha ko sakaniya. "yaan mo nga sila."
umiling ako at pinigilan ang ngiti. gago to eh. 2 years na kami. sinagot ko siya noong sophomore year. gusto ko na talaga siya noong 1st year palang ako kaya nagulat ako noong nanligaw siya sa akin. chinito ito at medyo mapayat. okay lang din dahil nabawi naman niya sa height. panganay siya sa magkakapatid kaya't maalaga. may pagkamayabang ito pero nasa lugar naman.
"dali na!" pagpupumilit nito. nagpacute pa siya at hinawakan ako sa baywang. pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at tinitigan ang singkit niyang mga mata. he pecked me on the nose na ikinatawa ko.
"magic word." sabi ko.
"please babe." malambing niyang sabi at pumungay pa ang kaniyang mata. gwapo. kainis! pinagbigyan ko na at hinalikan ito sa pisngi.
malawak ang ngiti nito na parang nanalo sa lotto.
"PDA pa!" rinig kong kantyaw ng mga kaibigan namin.
"hoy ayesha! kailan pa naging cr ang gym ha?" asar ni sheen. nagtawanan sila pati yung ibang players. yun kasi ang paalam ko sa guro namin. nag-init ang pisngi ko at isiniksik ang mukha sa leeg ni joshua. bango pa!
tumawa ito. "cr pala ha." inihiwalay ako nito sakaniya at kinurot sa pisngi. "balik ka na sa room!"
tumango ako. "good luck ulit."
"naman. para sayo." ngumiti ako at tumalikod.
"hintayin mo ko makabalik?" sigaw nito na ikinalingon ko. pinagdikit pa nito ang dalawang palad. umirap ako at umiling. bahala siya. tumakbo na ko pabalik nang classroom.
the day went by fast at tapos na lahat ng klase nang makabalik sila. nakatambay ako sa rooftop ng building naming mga 4th year nang magtext siya.
saan ka?
mabilis akong nagtipa ng reply.
rooftop :)
ilang sandali pa ay nakarating siya. agad ko itong nilapitan at niyakap. nakapagpalit na ito ng damit at tuyo na ang pawis. bango bango parin. "kamusta game niyo?" pangangamusta ko sa kaniya.
"panalo syempre." malata niyang sabi at malata din akong nginitian. panalo pala eh bakit ganto to? baka pagod?
inaya niya akong maupo sa bench. "anong problema?" concern na tanong ko.
kinagat niya ang labi niya at tumingin sa view. kitang kita ang malawak na bukirin ng palos verdes. "ayesha..."
kinabahan ako nang tinawag niya ako sa pangalan ko. he never called me by my full name. never. kahit galit siya.
"what?" lito kong tanong.
hinarap niya ako.
i got stunned sa sunod niyang sinabi
"i think i need a break."