Harmony's POV
Maaga akong nagising dahil pupunta pa akong restaurant namin ni Jake. Pinagluto ko muna sya ng pagkain bago ako umalis.
-
"Goodmorning po maam!" Bati sa akin ng mga crew sa restaurant pagpasok ko."Kumusta ang restau?" Tanong ko sa assigned manager na si Syre. My Bestfriend.
"Okay naman Bestie!" At ngumiti sya ng malapad.
Namiss ko tong babaitang to! Pumasok ako ng office at sumunod naman sya.
"May nagpunta palang lalaki dito kanina."
Napatingin ako sakanya. Sino naman kaya?
"Sino?" Walang gana kong sabi sakanya.
"Zac daw ang pangalan e. Pero infairness ang hot hot nya!" At nagtitili pa sya. Tss.
Pero teka. Sino daw? Zac? Si Zac andito sa Pilipinas?
"Pardon?"
"Zac ang pangalan! Zac Efron! Ay este Zac Welter." Ulit nya.
Sht. Si Zac nga.
Si Zac Welter. Kababata ko at matagal na nya akong gusto. May obsession sya sa akin. Bat nandito sya?! Hindi pwedeng malaman ni Jake to.
Jake's POV
Nagising ako nang wala na si Harm sa tabi ko.
Haaay. Nasa trabaho nanaman yun. Di man lang ako hinintay.
Naligo muna ako bago ako lumabas ng kwarto at kumain. Ang sarap talaga!
Pagkatapos ko kumain. I dialed Zex's number.
Pangalawang ring palang ay nasagot na nya.
[Yo dude. Napatawag ka?]
Sigaw nya sa kabilang linya. Maingay at mukhang nasa bar sya.
"Where are you?"
[At Garett's Bar dude. Sunod ka kung gusto mo-- hey babe sino yan?]
Tsk. May babae nanaman ang gago.
"Ge. Sunod na ko."
At binabaan ko na sya. Mukhang nagmemakeout pa ang gago.
Kinuha ko na ang susi ko at lumabas ng bahay bago sumakay ng kotse. Pinaandar ko ito ng mabilis.
Nakarating naman ako sa Bar ni Garett in no time.
Pagpasok ko ay amoy na amoy ko na ang alak at amoy ng sigarilyo. Tangina. Ang aga aga magbabar. Hayop.
Dumiretso ako sa counter at umupo sa isa sa mga stool at nagorder.
"Bacardi please." Sabi ko sa bartender.
BINABASA MO ANG
My Naughty Husband
Ficção AdolescenteSi Jake Valerde ay galing sa mayaman na pamilya na pinakasalan ni Harmony Sy na ngayon ay isang ganap na Valerde na. Masaya ang mag-asawa. Ngunit may mga problema rin silang makakaharap. Makakaya kaya nilang maisalba ang kanilang relasyon o tuluyan...