Umiibig Ako sa Isang Bituin

34 0 0
                                    

Umibig Ako sa isang tala, oo isang Bituin sa kalangitan, kay gandang pag-masdan ng kinang at ningning, na parang pumapasok sa Iyo ang saya at lumbay.

Nakabibighani, kay gandang pag-masdan na tila ba humihinto ang bawat minuto'ng dumadaan, kasabay ng kahilinga'ng huminto ang oras ng tuluyan.

Madalas pagmasdan sa katahimikan ng gabi, at nakaabang na sa paglubog ng araw, bagama't unang nasilayan' sa liwanag ng umaga.

Di-mawari ang saya sa tuwing ika'y nasisilayan, na pilit mang itago'y nakikita parin. Di maalis ang ngiti sa aking mga mata, na minsan pa nga'y may kasamang luha ng saya.

Ngunit, minsa'y may kalungkutan, pag-nakahahadlang sa atin ang ulap ng kalangitan, na lumulukob sa ating pagitan, hindi mo ako maliwanagan ng iyong ningning, at hindi ko masilayan ang iyong kinang.

Kay hirap isiping napakalayo natin sa isa't-isa, ikaw at ako nasa magkabilang dako.

Nag-Mahal ng TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon