Bituin

12 0 0
                                    


Sa lalim ng gabi ako'y umahon, kasabay ng lumbay ako'y bumangon.

Pilit mang pumikit' dilat ang isipan,
di ka maalis sa aking isipan.

ako'y sumilip upang rikit mo'y pag-masdan, ngunit diko nasilayan ang iyong kinang.

sa akin ay lungkot nangibabaw,
di kana masilayan sa makulimlim na tag-ulan.

tila patuloy na bumubuhos napakaraming ulan, ngunit ito'y iilan lang.

di ko mawari kung gaano kalalim, para saan at ito'y nabuo.

Nag-Mahal ng TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon