CHAPTER 1: “THE CONFESSION”
“Alam mo nang una kitang makita sa may School Balcony sa 2nd Floor, nagsimula nang tumibok ang puso ko. Nung una hindi ko maintindihan kung ano ang nadarama ko pero alam ko pag-ibig na ang nararamdaman kong iyon. Halos gabi-gabi pagkagaling sa school ay naiisip kita. Sa bawat araw na pagpasok sa school ikaw ulit ang nakikita ko. Wala na ba talagang makitang iba itong mga mata ko kundi ikaw! Kahit saan ako lumingon, kahit saan ako magpunta ikaw lagi ang nasa paningin ko. Tayong dalawa nga ba ang itinadhana sa isa’t isa? O nangangarap lang ako?! Hay…… Hanggang pangarap na lang ata kita! Hay……...”
Rain & Cherry: Hoy!!! [Shout]
Hannah: Ay kabayo!!! [Shout]
Rain & Cherry: Hahaha……
Hannah: Ano ba naman kayo! Bakit ba kayo nanggugulat!
Rain: Ihm….! Love letter nanaman yan!
Cherry: Oops! Huwag ka nang magka-ila! Alam na alam na namin yan!
Hannah: Oo na! Sige!
Rain: Maryosep naman best! Kung bibilangin yang mga nagawa mo nang love letters! Isang box na yan best!
Cherry: Oo! At pwede nang isali sa Guiness Book of World Record!
Rain: In the category of….
Rain & Cherry: Pinakamaraming Love letters na nagawa!!! [Shout]
Hannah: Talagang duet pa kayo! Sige kayo na!
Cherry: Eh pano naman best…. Kung talagang crush mo siya, aminin mo mismo sakanya! Hindi yang sa love letter mo lahat sinasabi ang mga gusto mong sabihin.
Rain: Oo nga! Naka-ilan ka nang love letters na nagawa pero ni isa sa mga yun ay hindi mo pa nabibigay sa kanya!
Hannah: Eh…. Nahihiya ako eh….! Atsaka nakikita ko naman siya everyday dito sa school.
Cherry: Ayun….! Hanggang pasulyap sulyap ka nalang….!
Rain: Hay naku best! Walang mangyayari kung lagi ka nalang ganyan….! Nasa isang tabi…. Nakatingin sa malayo…. Pasulyap sulyap…..!
Hannah: Haist….! Tumigil na nga kayong dalawa diyan!
Cherry: Mabuti pa best, aminin mo sa kanya ng harapan na crush mo siya!
Rain: Tama…..! O kaya ibigay mo mismo sa kanya yang love letter na ginawa mo….!
Hannah: Ano! Nababaliw na ba kayong dalawa! No! Hindi ko gagawin yun!
Cherry: Hay! Sige! Bahala ka best!
Rain: Oo nga!
Habang silang tatlo ay nag-uusap sa may Canteen table. Biglang dumating si Jiro kasama ang kanyang kaibigan na si Fin.
Rain: Ay….! Look who’s coming!
Sabay na tumingin sina Hannah at Cherry sa kanilang kaliwa. Pagakatingin nila ay kaagad nilang nakita si Jiro.
Cherry: Oh my G! Si jiro best….!
Dahil dun natulala si Hannah! Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at tila naging istatwa siya sa kanyang kinauupuan.
At habang paparating si jiro ay kinikilig ang lahat ng mga girl students kabilang na ang mga beckys.
Girl 1: Hai…. Ang gwapo talaga niya….!
Girl 2: May girlfriend na kaya siya?? Sana ako nalang….!
Becky 1: My dream boy!
Becky 2: Ow! Yes!
BINABASA MO ANG
This Kiss
Ficção AdolescenteFrom the writer and maker of the Musical Story “High School Musical: Philippine Version” now comes a new story that brings you in the world of Love, Laugh and Drama this story is entitled “This Kiss” This story is officially brought to you by Ace La...