~Lalala Lang~

71 1 0
                                    

Mishy's note: Ayen ne! sumasabaw nanamn ang utak ni awtor XDXD ehem ehem..

well may nagpadedicate ng story so unfair naman kay atey so atey sana maapreciate mo tong walang kwentang note <3 Well, all I can say is waley siyang definite plotline so bear with me and my craziness people.. i love u :"> salamat talaga !

Special Credit goes to atey @Dsydnne also for the cover! I super love it! :") 

~Introduction~

Uhm... First of all, bibigyan ko po muna kayo ng isang masaganang HELLO! HI! WHAT'S UP?! MUSTA NA? At lahat lahat na ng greetings dito sa mundong ito.

CHEANE ZO ang name ko. CHI-YAN ZOW! Ganyan dapat yung pagbigkas niyo ng name ko ah! HINDI SHI-YAN, SHEYN AT MAS LALONG HINDI PWEDE ANG CHEYN! Sige! Try niyo lang akong tawagin niyan, matitikman niyo ung flying kick ko sige kayo.

16 years old at nagaaral ako sa Maizon Academy, isang prestigious school na may maraming mga kung anung exaggerated na dekorasyon, exaggerated na curriculum, exaggerated na academics, LAHAT!! You name it!! Ultimo tubig sa gripo, mountain spring water pa!

So ayun nga, that's my school.

Huh?! Ano? About myself? Asus! Kinakailanagan pa ba ng ganun??

Well, half-pinay ako tsaka half-chinese, So syempre, may pagkakuripot ako at medyo madamot. Pakielam nyo di ba? Ganyan ako eh, sorry kayo.

Anu pa ba..

Nerd siguro? Kung kino-consider niyong nerd ang taong may salamin, mahilig magbasa at maraming stock knowledge, pwes, nerd ako. Like please, ayun lang naman ata batayan ng isang nerd eh..

Huh?! Pati looks?! Hemeneng yen oh..

Simple tao lang. Black hair, hindi ko alam kung saan umaabot ang buhok ko kasi hindi ko naman tinitignan. Black din mata ko, ata? May pagka-brown? Ay sus! Ewan ko ren..

Okay lang naman ang style ng pananamit ko. Hindi naman sobrang iksi na akala mo stripper sa bar, at hindi rin sobrang covered ang katawan ko na akala mo magkukwento ako ng Kwento ni Lola Bashang.

Social life? Love life? Studies?

Wala akong Bestfriend or BFF or whatever, pero my close friend ako.

Hindi ako mahilig sa mga social circle groups or what, basta kung kakausapin mo ako, eh di okay. Pero hindi ibig sabihin nun friends na kaagad tayo. No no no no no..

PANDORA LOUISE RIVERA, 16 years of age.

CLOSEFRIEND. Ayun lang, close kami. Both literally and figuratively. Ewan ko sa babaeng 'to. Simula nung nakilala ko siya, ayun! Wagas kung makadikit sa akin. Kulang na lang, magpalagay ka ng super glue sa magkabilang balikat namin tapos ipagdikit mo kami. Tapos ang daldalita pa, every minute every second, may kwento siya sakin. Malay ko sa kanya kung saan niya napupulot.

MERON NAMAN AKONG LOVE LIFE. DATI. Ewan ko kung paano sila nagkakagusto sa katulad kong ganito magisip pero SIGE, go lang ako ng go. Siguro naka mahigit 5 na ren ako, and YES, hindi kami nagtatagal. Why? Ewan ko. Sabi nila masyado raw akong magaling sa lahat ng bagay. Katulad ng Academics. Pshh.. Anung gagawin ko kung nakakaperfect ako sa test? Bababaan ko?! Tapos sa Sports. Haaaay naku, athletic lang talaga ako kaya nakaka takbo ako ng ilang kilometers sa oval. No big deal. Pati nga sa pagluluto ko, napapansin nila. Alangan naman pakainin ko sila ng simpleng kanin at ulam lang 'di ba? Gusto ko lagi, kapag nag-de-date kami special. Masama bang magluto ng mga Cuisine Dishes na pinaghirapan ko pang alamin sa isang proffessional chef?!

So ayun! 'Di nga kami nagtagal. Although okay lang. Pagsabihan niyo na akong manhid, pero that's life. Besides, ang sarap kayang masaktan.

No prob ako sa studies. Okay na okay nga ako dun eh.

So ayun lang naman dapat niyong alamin. The rest, kayo na ang magde-decide whether or not tutuloy kayo o hindi sa kwentong ito. Hindi kayo kikiligin, wala sa terminology ko ang salitang kilig. Hindi kayo iiyak, ang buhay ko 'di mala-MMK so sorry na lang. Hindi kayo maiinlove. Gaga ba kayo? Hindi na nga kayo kikiligin tapos feeling niyo maainlove kayo? Naku!

Sige na bye. Tawag na nila ako, ayaw kasi nilang nag-mumukmok ako sa gilid na may dalang cutter sa kamay. Tsss... Ang O.A nila diba? Hindi naman ako magpapakamatay so...

maglalaslas na lang ako. Hihihihi ~

Call Me CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon