~3 days ago~
Alam mo yung mahirap? Ayun yung tipong nasa cafeteria ka, tapos halos lahat ng student body eh kaaway mo. Siguro sa bawat 100 students sa school na ito, there's bound to be 99 of them who hates me. Most especially the girls. Take today for instance. Nasa cafeteria ako.
Paglingon sa kanan, you'll see the Cheerleading squad. Galit sa akin yung mga yan.
Paglingon sa kaliwa naman, nandun sina Princess at yung mga alagad- este, mga friends niya. Ayaw rin nila sa akin. Papatayin raw nila ako mamaya.
Paglingon sa likod, nandun yung chess team. Wala silang pakelam sakin, pero alam ko na hindi rin nila ako gusto.
Tingin naman sa harapan ko, at dun mo makikita sina Pandora A.K.A "Panda", Marian at Kat. Di ko sila gaanong close except kay Panda. Mahal na mahal ata ako niyan.
And then there's me. Nag-iisa lang, kumakain ng sandwhich. Ang saya di ba?
"Uy Babe!!"
O sige, maybe I'm not COMPLETELY alone.
Napalingon naman ako kung sino yung tumawag sa akin. Only 5 idiots dare to call me by that nickname.
"Oh?" tipid kong sagot sa kanila, habang kumakain pa rin ng sandwich ko.
Lumapit naman sa akin yung isa sa kanila. He wrapped his arms around me and gave me a kiss on the cheek.
"Miss me?" he asked playfully habang pinaglalaruan niya yung buhok ko.
Tinatanong niya kung miss ko siya? Hmp, eto sagot ko.
"Ouch!! Aray naman Chi!"
Sinampal ko siya sa pisngi, ng malakas. Napatawa tuloy yung apat na lalaking kasama niya.
"Aba aba, at kailan pa ako pumayag na halikan mo ako ng pabigla-bigla ah?"
Napaatras siya ng konti dahil sa ginawa ko, sabay pout.
"Naku naman, at may gana ka pang mag pout?" dagdag ko.
Biglang may kamay na pumatong sa balikat ko. Oh great, isa pang mokong.
"Haha, pagpasensyahan mo na si Deo Cheane, alam mo naman yan. Hyper ventilation." ngumisi pa siya afterwards.
I scoffed. "At ikaw naman? Anu problema mo?"
He shrugged also, "Eh, namiss rin kita eh.." sabi niya sabay kindat. Kinilabutan naman ako.
"Gago ka Dustin."
Natawa na naman sila, "Naku Cheane. Kanino ka natutong magsabi ng badwords ah? Sa pagkakaalam ko, hindi kita sinabihan ng ganyan. Ouch! Machakit!" Nagkunwari siyang nasaktan sa puso.Tinapat niya pa ang kamay niya sa puso niya. Aw shiz! Anung drama yan!? Hindi ko tuloy makain yung sandwich ko. Amputek naman.
"Si Ian nagturo sa akin." kumagat ako ng konti sa sandwich ko.
Pinandilatan ako bigla ni Ian.
"Hah ako?! Hindi ah! Ako ba talaga babe? Hindi mo ba alam, nung nakilala kita naging goodboy na ako?"
"Ulooools, Hindi totoo yan tol! Good boy ba yung nagtatago ng Playboy magazines sa ilalim ng unan tuwing gabi? Good boy ba yung nanlulublob ng toothbrush ko sa inodoro bago ako gumising?" sabat naman ni Patrick, dakilang mokong number 4.
"Heeep Heeep!! Tama na nga yan! Hayaan niyo na nga ako mga peste kayo. Busy akong kumain ng sandwich dito oh!" pinakita ko yung half-eaten kong sandwhich sa kanila. I glared at them. Kasi naman eh! Ayaw nila akong tantanan!
BINABASA MO ANG
Call Me Crazy
ספרות נוערMasyado na atang magaling sa lahat ng bagay si Cheane Zo. Sa academics, sa sports, sa lahat na talaga, as in L-A-H-A-T! Ultimo cooking skills niya pinagkukumpara ng mga past boyfriends niya. Hindi niya ito pinagmamayabang, sadyang it comes out natur...