Day One

140 3 0
                                    

A/N: uhhm, this is just a short story. About 3-5 chapters. it depends on my mood if i will make it just 3 chapters. hehehhe.

enjoy reading.

comment

vote

tnx..

___________________________________________________________

“aaaahhhh” pag-iinat ko. Tumingin ako sa orasan. 10 am na pala. Napasarap ako ng tulog. Buti nalang Christmas break na. Bumangon na ako. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Trip ko lang tumakbo.

Pagbaba ko, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Teka, tama ba ang nakikita ko? Nanaginip parin ba ako? Kinusot ko ang mata ko. Pagmulat ko, nandun parin sila. Bigla akong nahiya. Napatakbo ulit ako pablaik sa taas.

“Ano ginagawa niya dito?” bulong ko sa sarili ko. Anong meron? Kinuha ko ang tuwalya ko at tinalakbong ko sa ulo ko. Nakakahiya kasi nag gulo ng buhok ko at mukha talaga akong bagong gising dahil sa muta at panis na laway. Bumaba ulit ako ng hagdan at dumiretso sa banyo. Sinarado ko kagad ang pinto at tumingin sa salamin.

“Shit, nakakahiya, nakita niya akong ganito. Waaaah. ang first love ko nakita akong ganito ang itsura ko” sinabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ginulo ko lalo ang buhok ko. Naghilamos nalang ako at nagtoothbrush. Nag-ayos talaga ako.

“ok, relax lang Carlo, kaya mo yan. Nandyan lang naman sa labas si Bella ang iyong minamahal. Huwag kang magpapahalata, huwag kang kabahan. Act normal.” Tinititigan ko ulit ang sarili ko.

“waaaah, hindi ko kaya. Bahala na nga. Binuksan ko na yung pinto ng banyo at sakto namang pagbukas ko, nakita ko siya sa may lababo na naghuhugas ng kamay. Nagkatinginan kami. Piling ko bigla akong namula.

Dahil sa gulat ko, naisara ko ulit yung pinto at nilock ko. Naghabol ako ng hininga kasi piling ko tumigil ako sa paghinga kani-kanina lang. Narinig kong nagsalita si mama.

“oh, bakit bumalik ulit yun sa loob ija?” tanong niya kay Bella. Dinikit ko yung tenga ko may pinto para marinig ko sila.

“ewan ko, bigla nalang po ulit niya sinara ulit.” Sagot ni Bella. Nagulat naman ako ng kumatok si mama sa pinto.

“hoy, Carlo, ano bang trip mo ngayon ha? May bisita tayo kaya umayos ka.” Sabi ni mama.

“opo, palabas na po” sigaw ko. Huminga ako ng malalim at binuksan ko na ulit yung pinto. Sinilip ko muna kung nandun parin si Bella. Buti naman wala na. Lumabas na ako at sinara ang pinto. Ok, this is it, act normal Carlo. Kaya mo yan. Isipin mo nalang na nasa school ka.

“oh Bella, anong ginagawa mo dito?” tanong ko kagad sa kanya nung pumunta ako sa living at naupo. Parang ang OA naman ng ginawa ko. Medyo nagulat kasi siya sa tanong ko.

“ano k aba Carlo, ayusin mo nga sarili mo.” Pagsita sa akin ni mama.

“ah tita, ok lang po, ganyang naman po kasi siya sa school.” Singit ni Bella. Tininignan lang ako ni mama. Nanlilisik ang mata niya. Hay, kung alam lang niya na si Bella ang first love ko hindi siya ganito.

“Classmate pala kayo? Ang pagkakataon nga naman.” Galak na sabi ni mama.

“ma, 3 years ko na po siyang classmate at ngayon niyo lang nalaman?” tanong ko kay mama.

“malay ko ba, hindi ka naman kasi nagkekwento sa akin” sagot ni mama.

“hay, ang gulo” sabi ko. Nakalimutan ko na nandito pala si Bella. Si mama kasi nag ligalig.

Three days (a short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon