Day Three

88 2 0
                                    

A/N: last chapter na to. hhehehehe.. enjoy. vote and commnet na din kayo..=D

CARLO’S POV

Hindi ako nakatulog dahil sa mga sinabi ni Bella. Hindi parin ako makapaniwala na aalis na siya papuntang ibang bansa at hindi na babalik. Paano nalang ako? Paano nalang ang lihim na pagmamahal ko sa kanya? Hay, forever alone nalang ba ako? Hays, ano ba yan.

“ano ba kuya, ang likot mo.” Inis na sabi sa akin ni Russel. Katabi ko kasi siya sa kama at medaling araw na hindi parin ako nakakatulog ng maayos.

“tss” sabi ko nalang.

“kung ayaw mo matulog, pwes, magpatulog ka.” Sabi pa niya.

“ewan ko sa iyo” pumikit nalang ulit ako. Tinry kong matulog pero hindi ko magawa.

“hay naku kuya, kung umamin ka na kasi hanggang may oras pa. Malay mo may mangyari.” Sabi ni Russel ulit. Napamulat naman ako at humarap ako sa kanya. Nakapikit na siya.

“Totoo ba yang sinasabi mo?” inalog ko siya pero mukhang nakatulog na ulit siya. Tsk.

Pumikit nalang ulit ako, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

**

“Bella, may aaminin ako sa iyo”

“ano yun?”

“Bella, mahal kita, simula palang nung magkakilala tayo.”

“sorry Carlo pero may mahal akong iba. Sorry.”

“hindi totoo yan”

“totoo yun Carlo. At sasama ako sa kanya”

Lumalayo siya sa akin.pilit ko siyang inaabot pero hindi ko maabot. Hindi ko maikilos mga paa ko. Ang layo na niya sa akin.

“HINDI!!!”

**

Napabangon ako bigla. Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Tumingin ako sa orasan. 10 am nap ala. Bumangon na ako at bumaba.

“good morning” bati sa akin ni Bella. Nakabihis na siya, hinihintay niya na lang yung magulang niya.

Nginitian ko lang siya. Nahihiya parin ako sa kanya sa nangyari kahapon. Nagtatalo nga yung isip ko kung papansinin ko ba siya. Hay ewan. Dumiretso lang ako sa dining at kumain ng almusal.

“kuya, aalis na si ate Bella mamaya.” Sabi sa akin nI Russel

“ano ngayon?”

“mamimiss ko siya ng sobra. Ikaw ba?” tanong ni Russel

“bakit ko naman siya mamimiss?”

“ano ka ba kuya. Tsk. Ewan ko sa iyo. Ang torpe mo.” Umalis na siya at naiwan akong mag-isa sa dining. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.

“anak, bakit ganyan itsura mo? May problema ba?” naupo si mama  sa harap ko.

“ah wala po.” Tumayo na ako at umakyat. Kailangan ko munang mag-isip. Pumunta ako sa may veranda sa taas.

Sasabihin ko na ba sa kanya ang nararamdaman ko? Siguro huwag nalang kasi aalis naman na siya. Pero kapag hindi ko sinabi baka umasa lang ako. Kaapg sinabi ko naman baka masaktan lang ako pero makakamove-on naman ako. Tsk. Ang hirap naman.

“Carlo” napalingon ako kay Bella.

“bakit?” tanong ko. Iniwas ko na ulit yung tingin ko.

“ah kasi, magpapaalam na sana ako. Nandiyan na sina mama at papa.” Sabi niya. Ito na. Aalis na siya at wala ng balikan. Kahit sa school, hindi ko na siya makikita.

Three days (a short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon