Day Two

74 3 0
                                    

A/N: i decided na hree chapters lang. hahaha. short story lang kasi. enjoy reading.. vote kayo and comment na din. tnx

BELLA’S POV

Maaga akong nagising. Siguro kasi hindi ko naman kwarto tong tinulugan ko. Naninibago ako. Lumabas nalang ako ng kwarto at dumiretso ako sa mini veranda nila sa second floor. Pasikat palang ang araw. Pagdating ko sa veranda may tao pala- si Carlo. Nakatayo lang siya at nakatingin sa malayo.

“Good morning Carlo” bati ko sa kanya. Muntikan niya ng matapon ang kapeng iniinom niya dahil sa gulat.

“ah sorry kung nagulat kita” nahihiya kong sabi.

“hindi ok lang. bakit gising ka na? hindi k aba nakatulog?” tanong niya.

“nakatulog naman ako kahit papaano, nanibago lang ako. Ikaw, bakit ang aga mo gumising ngayon?” ako naman ang nagtanong.

“pareho ng dahilan” tipid niyang sagot. Parang nahiya naman ako kasi hindi siya nakatulog dahil ako natulog sa kwarto niya.

“pasensya na ha, nakatulog ka sana ng maayos kung dun ka natulog sa kwarto mo.” Sabi ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. My heart beats faster.

“ok lang. Wala sa akin yun.” Sagot niya. Umiwas na siya ng tingin sa akin.

Tumabi na lang ako sa kanya at tiningnan nalang yung paligid. Ang ganda pagmasdan.

“Bella, gusto mo magdilig?” bigla niyang tanong sa akin.

“magdilig?”

“oo, kasi araw-araw, ganitong oras nagdidilig ng halaman si mama. Kaso tulog pa ata siya. Gusto mo?” sabi ni Carlo.

“ok lang” sagot ko.

“Tara” hinila niya na ako pababa ng hagdan. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. At I think nagblush ako.

I love Carlo. Narealize ko na mahal ko siya nung 3rd year high school palang kami. Isang taon ko na siyang minamahal ng lihim. Ayoko namang sabihin sa kanya kasi nahihiya ako. Kontento na ako na ganito ang set-up namin. Kahit papaano nagpapansinan kami.

Ang saya ko nga nung malaman kong dito ako sa kanila makkikituloy ng tatlong araw. Atleast makakasama ko siya ngayong break.

Nakarating na kami sa labas ng bahay. Binitiwan niya na ako at may kinuha siya na hose at balde na may tabo. Binigay niya sa akin yung tabo. Sa kanya yung hose. Nagsimula na kaming magdilig.

“Bella, dun ka, dito ako para madali tayo matapos” utos ni Carlo. Binuhat naman ni Carlo yung timba na may tubig dun sa lugar kung saan ako magdidilig. Nagsimula narin ako magdilig.

Napapatingin ako sa kanya. Hindi ko kasi maiwasan ang sarili ko na hindi tumingin. Ang cool niya tingnan ngayon. Medyo basa na nga siya. Pinagpatuloy ko nalang yung pagdidilig.

“aaaaaaahhh” medyo sigaw ko kasi nabasa ako. As in nabasa ako. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tubig. Kay Carlo pala.

“sorry. Hehehe” nagpeace sign pa siya.

“sinasadya mo yun no?”

“medyo?” sagot niya. Sinasadya niya yun. Pwes, gaganti ako. Sumalok ako ng tubig sa timba at lumapit sa kanya. Nung medyo malapit na ako binasa ko din siya.

“now we’re even.”tumalikod na ako para bumalik kasi binasa niya ulit ako. Humarap ako sa kanya. Nag-act lang siya na parang wala siyang alam sa nangyari. Tumakbo ako sa may timba at sumalok ulit ng tubig. Nilapitan ko siya. Bigla siyang tumakbo papalayo siguro kasi lama niya na ang gagawin ko.

Three days (a short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon