Kanina lang nangyare 'to nung papunta akong La Union. In-exaggerate ko lang ng bongga para happy happy. HAHA! Pagbigyan niyo na ako. Nag-iisip kasi ako ng ia-update sa stories ko pero nawala bigla at ginawa ko 'to. Okay, read na!
**
"Ate, ito pa." Sabi ko saka inabot sa tindera yung nakapack na ng isang kilong patatas. 10th birthday ng pinsan ko bukas kaya ngayon, pauwi kami ni bunso sa probinsya. Susunod daw sila mama bukas ng umaga. May trabaho pa kasi sila.
"Two-forty lahat, ading." Binuksan ko ang coin pouch ko na puno ng tig-teten pesos. Naisipan ko nang buksan ang alkansya ko kagabi kaya puro barya ang laman ng wallet ko. Hindi pa nga napupuno 'yon pero 'di rin ako nakatiis. Nakita tuloy nila mama na may pera ako. Pautang pa nga raw!
Pero dahil mabuti akong anak, umayaw ako. Oo mabuti akong anak dahil kahit tinanggihan ko sila, 'di na naman ako hihingi ng pambili sa gusto kong sapatos! Tinipid ko talaga sarili ko 'no. Halos 'di na nga ako kumakain ng lunch para makaipon lang. Deeeh. Syempre joke lang. Masyado ko atang love kumain para magpalipas ng gutom. :))
"Oh hawakan mo 'to." utos ko sa kapatid ko saka inabot ang bayad. Nangunot ang noo ni ate ng makita ang pinambayad ko. Tsk. Pasalamat nga siya at hindi tig-pipiso! Arte...
Bago kami umalis sa mga stall ng gulay ay inilagay ko lahat ng binili namin sa bag pack. Ang bigat! Ikaw ba naman pagbilhin ng tita mo ng 2kg na patatas at 2 1/2kg ng carrots. Idagdag mo pa 'yong mga chichapop (natatakam ako) at mga damit namin. Grabe lang! Hindi ko na nga binili 'yong iba niyang tinext. Marami pa actually. Pang-chopsuey raw. Gano'n ba kasi talaga ang agwat ng presyo ng gulay dito kaysa do'n sa kanila? Mas mura raw dito eh.
"Tara." Tawag ko sa kapatid ko at ipinatong ang jacket ko sa balikat niya. Pinahawak ko na rin sa kanya 'yung payong kasi hindi na naman umuulan.
Tinanong ko siya kung nagugutom na siya. Ang sabi niya 'oo' kaya pinapili ko siya kung anong gusto niyang kainin: bread o fries. At ang sagot? "Hindi ko alam."
"Ano nga kasi?" Pambihira ako na nga nagbigay ng choices eh. Dalawa na nga lang 'yon!
In the end, nagfries kami sa fries station. Isang large lang na barbeque flavor. Nakita ko kasi na kulang na 'yong pamasahe namin.
Kumain kami nang makahanap kami ng pwesto sa bus. Iyong pangtatlong tao ang pinili namin para may paglagyan ako ng bag. Habang tumatagal ay dumarami ang pasahero pero dahil may pagkaselfish ako ay hindi ako umusod para may makaupo sa tabi ko. Marami pa namang bakante sa likod. Saka na ako mag-aadjust.
Isusubo ko na sana ang fries nang may makita akong gwapo na papasakay! Pa-demure kong sinubo ang fries kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. Nang nasa tapat na siya ng 3rd row ay kinuha ko ang bag sa aking gilid saka kinandong.
Papalapit siya ng papalapit at maa nakikita ko ang gwapo niyang mukha. Nang konti nalang talaga ay nasa tapat ko na siya ay umiwas ako ng tingin saka nagkunwaring may binabasa sa harap.
Nasa tapat ko na siya nang lingunin ko 'yong kapatid ko. Sinusubukan niyang buksan 'yong tubig na binili namin sa daan kanina.
Kinuha ko sa kanya iyon at umayos ng upo para kita ko pa rin siya sa peripheral vision ko. Nakatigil kasi siya, "Ako na magbubukas. Nauuhaw ka na?" Kunwaring concern na ate. Concern naman talaga ako pero alam ko naman na kaya niyang buksan mag-isa. Nagpapacute lang. 'Di ba mas marami naman ang lalakeng may gusto sa responsableng ate? Kaya 'yan.
Pagkabukas ko ay inabot ko ito sa kaniya. May natapon pa nung ininuman niya 'yong bote. Sakto namang naramdaman ko na napatinggin si pogi sa amin. Kinuha ko ang opportunity na 'yon para makita niyang pinupunasan ko ang kapatid ko, "Ano ba 'yan. Magdahan-dahan ka nga kasi..."
Pinupunasan ko pa rin 'yong kapatid ko habang pinapakiramdaman kung nasa tabi ko pa ba siya. Nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko at nakita ko siyang nakangiti ng mapang-asar saka nginuso 'yong tao sa likod ko. At do'n ko nalaman na nakatayo pa rin siya doon. Sinita ko ang kapatid Kong manahimik. Baka mabuking pa ako dahil sa kanya. Bihira lang kaya manlandi ang ate niya so pagbigyan niya na.
Umayos ako ng upo at nilingon siya. Kunwari nalingon ko pero sadya pala.
Nagkatinginan kami kaya napaiwas agad ako ng tingin. Nag-init ang mukha ko kaya yumuko ako ng kaunti at hinarap ang mukha ko sa kapatid ko.
May bakante sa tabi ko, oh. Tabi ka nalang sa akin, please!
Nanigas ako sa pwesto ko ng maramdaman kong umupo nga siya sa tabi ko. Ang laki ng inoccupy niya kaya magkadikit ang mga braso namin.
My gulay! Mahihimatay ata ako. Heart, easy ka ang d'yan. Mag-pump ka lang ng blood.
Unti-unti akong nag-ayos ng upo habang nakaiwas pa rin ang tingin. Halos 'di na ako humihinga habang ginagawa ko 'yon. Mas ramdam ko kasi ang pamumula ko. Ang init init! Katulad ng nasa tabi ko!
Huminga ako ng malalim.
Inhaaaaaale--- Ba't ang baho ng amoy!?
Nilingon ko kaagad ang katabi ko at nakita ko ang isang matandang may hawak na kartong may lamang manok.
Ano ba 'yan! Asan si pogi!?