Fourth Trial
Akala ko noon ay napaka daling mag buntis. Ni hindi sumagi sa isip ko na daranasin ko pala ang mga pag hihirap na ganito. Tatlong buwan na ang lumipas, napapansin ko na rin ang mga pagbabago sa aking katawan.
Tuwing umaga ay madalas akong magsuka. Iyon pala ang tinatawag na morning sickness. Hindi naging madali sa’kin ang lahat ng sintomas. Madalas ko itong iniinda dahil hindi ako aware sa mga ganoong bagay.
Nag trabaho ako sa sa trabahong pinapasukan ni James. Kailangan ko rin kasi talaga ng pera. Nauubos na ang perang itinabi ko dahil sa mga vitamins at pag papa-check up ko sa doctor. James even insisted on paying my check-up bills but I refused. He’s helping me too much. Mabuti na lang at napaka bait ng amo niya at kahit papano’y hindi naman ako naging janitress. Ang mahirap na parte nga lang ay ang kadalasang pag sakit ng likod ko at mabilis na pag baliktad ng aking sikmura.
Madalas rin akong ma-depress.
Miss na miss ko na ang pamilya ko.
Nami-miss ko na ang mga luto ni mommy, ang mga pangungulit ni daddy at Kuya Ace sa akin.
“Okay ka lang, Xiarr?” napalingon ako kay James.
Pilit akong ngumiti sa kanya. “O-Oo naman, ba’t hindi?”
“I know you’re not.” Bumuntong hininga siya.
“Why wouldn’t I be? Masaya kaya ako ngayon kasi malapit ko na malaman ang gender ng baby ko.” I lied.
“Xiara…”
“Tell me, bakit hindi ako magiging masaya? May baby naman ako. Who cares, kung ayaw nilang lahat sa amin ng baby ko? You’re there for me, right? You’re there for me..,” My voice cracked.“K-Kaya masaya ako..”
Bumuhos ang luha ko nang nag angat ako ng tingin sa kanya.
“Xiara, stop depressing yourself, please. Makakasama iyan sa baby mo.”
“Pero, kasi, ang sakit e!” I sobbed. “Ang sakit na kung sino pa ang dapat tumanggap sa’yo ay sila pa ang nag down sa’kin. They’re right, though. Isa akong malaking kahihiyan. Fuck! H-Hindi ko naman ginusto ito, James!”
Aware ako na nakatingin ang lahat ng ka-opisina namin sa amin. But I’m too exhausted to even care. I just want to let it out. I’m really tired of rejections.
“Hey, don’t say that.” Hinawakan niya ang balikat ko at itinayo ako mula sa upuan.
Nilingon niya ang mga ka-opisina namin, “I’m sorry for the quite scene, guys.” Aniya.
BINABASA MO ANG
A Mother's Trials .
General FictionThis is just a short story. A short story about a mother who’s willing to give up everything for her daughter. A mother’s battle, pain, sacrifices, and her trials—Xiara Marasigan Do you want to know her story?