Sixth Trial

204 3 0
                                    


Sixth Trial

Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil ang sama sama ng pakiramdam ko at labis ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, pero naiiyak talaga ako. Pakiramdam ko ay mag-isa ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin ang pag-bubuntis ko dahil bago ang lahat ng ito sa akin. Bago lahat ang pakiramdam na ganito kasakit. Iyong morning sickness, sakit sa likuran na kung minsan ay hindi na ako maka-lakad ng maayos dahil sa kaka-inda ko sa sakit. Madalas rin ang hilo ko kaya naman nag-file na ako ng sick leave. It will be just a few weeks away before I'll give birth to my daughter.

Yes, she's a girl.

Last week lang ay nagpa-check up ako kasama si James sa doctor at nalaman na namin ang gender niya. I was so happy to find out that it's a girl. Ayos lang naman kung lalaki ngunit pabor din naman ako kung babae.

"Xiara, hija, ayos ka lang ba?" Ani Nanay Sonya sa akin nang napansin niya ang pagiging matamlay ko. Nanay na ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang tumayo kong ina nitong mga nakaraang buwan. She guided me all through out my pregnancy and I'm grateful to have he with me. Pakiramdam ko ay hindi ko masu-survive ang pag-bubuntis kung hindi niya ako ig-guide.

Tunay nga ang sinabi nila.

Mahirap ang walang ina.

"Ayos lang naman, 'nay. Nalulungkot lang ho ako.." Sabi ko at pinunasan ang luhang hindi ko namalayan na lumandas na pala sa pisngi ko.

"Bakit naman? Alam mo naman na hindi maganda para sa bata ang nai-istressed ka, Xiara. Kapag nalaman ni James iyan ay tiyak na pag-sasabihan ka niya."

"Eh, actually, medyo wala na rin naman siyang time sa akin dahil sa trabaho niya. Ayos lang naman ho iyon sa akin. Pero syempre, hindi ko rin naman po maiwasan ang ma-miss siya."

"Ma-miss ako?"

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang boses ni James mula sa aking likuran. Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"J-James!"

"Namimiss mo na ako? Hmm?" Lumapit siya sa akin at agad hinalikan ang noo ko. Hinapit niya ang aking bewang.

Tumawa si Nanay Sonya sa aming dalawa.

"May napapansin na ako sa inyong dalawa, ha? Talaga bang matalik na mag-kaibigan lang kayong dalawa?" Nahihimigan ko ang panunuya sa boses ni Nanay Sonya. Mabuti na lang dahil kinakabahan rin ako sa magiging reaksyon niya. Ilang lingo pa lang simula nang maging kami ni James at nahihiya pa akong ipaalam iyon kay Nanay Sonya dahil baka hindi niya ako matanggap. Alam kong mabilis na magustuhan ko lang siya bigla ngunit sigurado na rin naman ako sa aking sarili.

"Actually ma.." Ngumisi si James at hinawakan ang kamay ko. "Hindi."

Tumaas ang kilay ni Nanay at tumaas ang gilid ng kaniyang labi at tumingin sa akin. "Kailan pa?"

"Nitong ilang linggo lang. Pasensya na ho hindi rin namin nasabi agad. Medyo nahihiya kasi itong si Xiara. Natatakot din siya sa inyo." Humalakhak si James at uminit naman ang pisngi ko. Hinampas ko siya at tumawa lang siya lalo.

"Sira ka talaga! Sinabi mo pa 'yun!" Nahihiya kong sabi at halos hindi ko matignan si Nanay Sonya dahil sa labis na hiya ko.

"Iyon naman ang totoo, love." Malambing na sinabi na ni James kaya naman napangiti na lang ako at kinurot ang kaniyang pisngi,

"Hindi ka ba nabibigla lang, Xiara? Ilang buwan pa lang ang lumilipas." Ani Nanay Sonya sa ngayon ay medyo seryoso ng tono.

Tumikhim ako at tumango. "Hindi ho, nay. Marami na rin po kami napagdaanan ni James kaya sigurado na rin ako sa kaniya."

"Ma, wa'g mo na nga tanungin ng ganyan. Mamaya ay hiwalayan pa ako ng girlfriend ko." Nag-pout pa si James kaya naman natawa ako sa kaniyang itsura.

"Nag-papaalala lang naman, hijo. Paano kung dumating bigla ang ama ng dinadala niya?"

"Ako na po ang magiging ama ng anak niya, ma."

Umalis na si James matapos ang pag-uusap na iyon dahil tumawag ang kaniyang ka-opisina at sinabing may importanteng kailangan siyang asikasuhin. Gusto niya sana na kumain kami sa labas pero sinabi ko naman na hihintayin ko na lang ang pag-balik niya at napanatag naman siya.

Nag-usap kami ni Nanay Sonya tungkol sa relasyon namin ni James. Hindi naman daw siya tutol ngunit naiisip niya lang ang ilang posibilidad na maaring kaharapin namin dahil sa pagpasok sa relasyon na ito.

"Sana lang ay maging matatag kayong dalawa." Ani Nanay Sonya bago nag-paalam sa akin para mamili sa palengke.

It got me thinking. Tama nga kaya ang makipag-relasyon ako? Alam kong mabilis. Naguguluhan din ako. Hindi ko alam kung tama nga ba ang ginagawa ko. Pero mali nga ba kung ganito naman kasaya ang pakiramdam ko? Mali nga ba kung ganito ko naman kadama ang pagmamahal? Hindi naman siguro, diba?

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng kung ano anong magazine na tungkol sa pagiging isang ina. Napagtanto kong hindi nga iyon madali. Dahil napagod ako magbasa, sinubukan kong buksan ang facebook account ko.

Puno pa rin iyon ng hate messages. Nakita ko sa aking news feed na nasa New York na ang aking pamilya. Mayroon silang picture sa Times Square habang nanonood ng fireworks display para i-celebrate ang New Year. Mapait akong napangiti. Hinaplos ko ang screen at ramdam ko ulit ang pangungulila kaya naluha nanaman ako. I hate it! I hate that I miss them so much! I hate that I'm suffering just because I committed a mistake and then they're having fun without me! Ganoon ba talaga kalaki ang kasalanan ko? Hindi ba talaga nila ako kayang patawarin?

"I miss you guys..." Mahina kong bulong at tinakpan ang aking bibig dahil baka humagulgol na ako. Mali nga talaga ang pagbubukas ko ng account. Nag-log out na ako ngunit hindi ko matigilan ang pag-buhos ng aking luha.

"Love.." Boses ni James. "Shh."

Lumapit siya sa akin at pinulupot niya ako sa kaniyang mga bisig. Pa-ulit ulit niyang hinalikan ang buhok ko.

"I love you. I love you so much." Aniya. "Please stop crying. I hate it."

Naninikip ang dibdib ko. Naiyak lang ako lalo. Pakiramdam ko ay labis labis na ang sakit at lahat iyon ay binubuhos ko kay James.

"I told you, love. Wa'g mo na buksan ang account mo. You're just trying to hurt yourself. Stop it." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"I miss them, James. I miss my family so much! Bakit ganon? Bakit ang saya saya nila habang miserable ako? Bakit nila nakakaya? Pano? Bakit? Wala ba talaga akong naging halaga sa kanila?" Tuloy tuloy kong sabi sa pagitan ng aking mga hikbi. "I just miss them. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang sakit na ito."

"You're just stressed out, okay? Wa'g mo na sila isipin. You know it's not good for the child. Siya na lang at ako ang magiging karamay mo." Pinunasan niya ang luha ko. "You don't have to think about them. You're worth it. You're worth the wait. Kung hindi ka mahalaga para sa kanila, well, you're the most important person for me. Una pa lang. Unang kita pa lang natin, I knew there's something with you. I knew I had to protect you. I knew you are for me." Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko.

"I'll be your family from now on, okay?" Ani James sa isang malambing na tono.

--

Tuloy tuloy na ang update! I'm sorry for making you guys wait. 



A Mother's Trials .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon