Chapter 2
Daphne's POV
Kasalukuyang nasa BonChon kami, nakaupo ni Ate Liza. Inaantay namin si Kuya na nakapila, marami na kasing mga tao e. Siya na yung nasa cashier ngayon, inaantay na lang ung pagkain para makakain na kami.
“Ang tagal naman ni Kuya! Gutom na ko!” ako sabay pout
“Nako sis! Hindi ka na nasanay! Palagi namang mahaba pila dito sa BonChon e.” Ate
“Ehhh! Ate kasii! Ba’t ba dito pa tayo nag-dinner?” Ako
“Hala ewan ko! Sino bang nagdecide kung san kakain?” Ate
“Ako ata?” ako
“Loka loka ka talaga forever sis! Ikaw talaga”
Tawanan lang kami ng tawanan ni Ate. Ganto kami mag-bond.. Pag wala si Kuya Toby! Hahah! Iba pa rin kasi pag kaming dalawa lang. Kahit na sabihin kong hindi ako ino-OP nung dalawa pag kasama ako sa date nila.. Kasi naman diba, alangan namang mag-girl talk kami ni ate ng andyan si kuya! Ang awkard kaya nun!
“Eto na yung food natin girls!” Kuya
Uy! Sakto yung dating ni kuya, gutom na gutom na talaga ako.
“Salamat naman dumating ka na, babe! Nagrereklamo na yung isa diyan oh.” Si ate, sabay nguso sakin.
“Sorry lil sis! Alam mo naman ang pila dito sa bonchon pag gantong oras na diba?” kuya
“Okay lang kuya at ate. Tara, kain na tayo.” ako
Puro kwentuhan lang kami throughout the whole dinner. Nakwento ko pa nga sakanila ung panunukso sakin ng tropa ko kung ba’t wala pa kong boyfriend kahit may mga nanliligaw sakin. Hindi ko naman kasi sila trip eh, kaya bakit ko sasagutin, diba? At saka sabi ko nga, time will come na magkakaruon ako ng boyfriend. Nakwento nila sakin yung nangyari sa araw nila ngayon. Hassle daw mag-college.. nako! tinakot pa ako..
*fast forward*
Nandito na kami sa tapat ng bahay. Kakapasok ko nga lang ng bahay eh, pero ukhang ayaw pang bumaba ni ate sa sasakyan ah? Yaan na nga yung mga yun, nang makapag-moment naman sila ng wala ako. Tutulog na ko, so good night!
*the next day*
Good morning sa inyooooooo~
Grabe, ang ganda ng gising ko ngayon. Ang ganda kasi ng panaginip ko eh, pero hindi ko na sasabihin sa inyo kung tungkol saan yung panaginip ko ha? Akin na lang yun!
Bababa na ko para kumain ng breakfast nang biglang may nag doorbell sa labas..
*Ding dong* *ding dong*
“Sandali lang!” sigaw ko, sabay labas para tignan kung sino ung nagdodoorbell.
“Oh kuya! Ikaw pala! What you doing here?” ako
Si kuya Toby andito, malamang sa malamang bibisitahin niyan si Ate. Ganyan naman every week eh, pagka-Saturday, andito yan sa bahay buong paraw kasama si ate.
“Lil sis naman, parang hindi moa lam kung bakit ako nandito ha?” kuya
“Oo na kuya. Si ate, asa taas, tulog pa rin ata.” Ako
“Ge, gisingin ko na siya, then kain na tayo.” kuya
“Okay kuya, good luck sa pagising kay ate!” ako
Oo, sinadya ko talagang sabihin na good luck, kasi mahirap talagang gisingin yang si ate liza. Tulog mantika eh!
Tinuloy ko nalang ang pagluluto ko ng hotcakes para sa breakfast naming. Oo, ako ang nagluluto kahit may mga yaya kami, para masaya. Ilang minute pa, ay bumaba na ung dalawa.
“Oh ate! Gising ka na agad? Anong ginawa ni kuya?” nagulat ako.
“Hay nako sis! Kung alam mo lang… “ ate
“See lil sis, galing ko manggising no?” kuya
“Mga bata, kain na. Nakahain na ang mga niluto ni Daphne sa dining table.” Yaya puring
“Yes po ya!” ako yan.
Nagpunta na kami sa dining table. Pagkaupo ko ay nagsimula na akong kumain agad. Napatigil ako saglit para tignan ung dalawang love birds sa harap ko, nagsusubuan sila.
“Babe, say ah” kuya
“ayoko” sabay belat ni ate. Haha! Ang cute nila!
“sige na baby, please?” kuya nagpapacute. Yuck! Di bagay!
"bakit ba baby?” ate
“wala lang baby, sige na please?” kuya with puppy eyes, eww talaga.
“sige na nga baby. Ah” Ate
Ayan. Nagsubuan lang ung dalawa, naubos pa nga nila ung dalawang hotcake. Grabe ang tatakaw.
*fast forward*
Bumaba ako para tumambay sa sala, ng maabutan ko ung dalawang natutulog sa sofa. Si ate nakalean kay kuya habang yung ulo ni kuya nakalean sa ulo ni ate! Aww, ang sweet! Waaaah! Ang cute nila! Mapicturan nga..
*click* *click*
~~~~
And here's Chapter 2.
bitin ba?

BINABASA MO ANG
My Sister Is My Mortal Enemy
Ficção AdolescenteRead to find out how my sister became my mortal enemy.