Comment of a Silent Reader

638 46 72
                                    

Before you read: I'm sorry if I offended someone. But this is my comment. If you TripZy doesnt want to get offended, don't read this. Thank you. :)

Seducing Drake Palma, sinong hindi makakalimot diyan? Eh ang ganda ng storya na 'yan. Tuwing uuwi ako sa trabaho ko, bubuksan ko ang computer ko, at mag-aabang palagi ng update. Kahit hindi maganda ang pangyayari excited akong buksan. Excited akong basahin. Tipong Shirlengtearjerky, Blacklily, Jonaxx ba? Seducing Drake Palma ang isa sa pinakamagandang story sa Wattpad na nabasa ko. 

Humanga ako sa pagkakasulat nito. Sa creative scenes and dialogues. Sa humor nito na hindi OA. Higit sa lahat, hindi dragging at cliche. Ito yung tipo ng story na masarap ulit-ulit at sabihn sa co-workers mo na basahin din nila. Dahil siguradong pagkatapos ng 10 hours duty, tatawa sila ng tatawa. At mawawala lahat ng pagod.

At 'yun ang nawawala ngayon sa Dating Alys Perez. Nawawala yung sarap ng feeling nang pagbabasa nito. Nawawala yung Seducing Drake Palma na nakakapagpangiti sakin kahit buong araw ako manduhan ng boss ko. Nawawala yung Alys at Drake Palma na nakilala ko.

Nung sinabi ng author ang tungkol sa book 2, I never wanted that. Kasi alam ko ang tipo ng klase ng author si Eydee. Nagiging dragging ang book 2. Sorry if I offended you. But I'll explain, I have been a reader since CC days. I was a silent reader of For Hire: A Damn Good Kisser back then. And like SDP, ang FHADGK ay light din at masaya basahin. Ang mga banat ni Andy na nakakalaglag panty. And then there goes the book 2, kita niyo kung gaano naging komplikado ang buhay ni Dana at Andy. And i'm sorry, I actually stopped reading it. Wala na kasi akong nakikita kundi galit at bitterness. 

Pag binabasa ko yung update nun sa umaga dahil knock out na ako pag-uwi ko sa work, kaya sa umaga ko na lang binasa, buong araw na din masama ang mood ko. Nadadamay ang mga tao ko sa trabaho. 

kaya nung inannounce yung DAP, I felt it. That this is going to be another GGGB story. Though not the plot and etc etc, but the mood of the story. 

Every chapter is becoming more and more heavy. To think that this is in humor category. 

This is my biased comment for the story. 

Hindi ko na din nagugustuhan ang ikot ng story ng DAP. I still read it in hope of seeing THE Drake and Alys again back then. Pero habang tumatagal I'm losing hope. Actually, silent reader lang din ako sa grp. And nakikita ko yung post nila and ni author, that they matured? I don't think so. Being matured is not about how you just act, but on how you act on different circumtances. Kaya ang tingin ko kay Alys? Mas naging isip bata pa siya kaysa noon. 

Trust me, the Alys back then is matured already, kasi ganun ako mag-isip. Well, yun ang sabi ng asawa ko, pinilit ko kasi siyang basahin. And one of the things na nagustuhan ni Asawa ko saakin ay matured daw ako mag-isip. Kaya nagustuhan niya din ang character ni Alys dahil nakikita niya daw ako kay Alys. Ngayon hindi ko na siya pinipilit. (Hala, sumegue. Haha.)

Pero, back to the topic, hindi ko na gusto ang Alys ngayon. She's bitter, close minded, and full anger and denial. Nasstress ako sakanya! Si Tripp, parang isang batang bully, inggitero ang tingin ko sakanya. Gusto niyang makuha ang kung ano ang gusto ni Drake. 

Pasensya po sa susunod na words, buntis po kasi ako, give way to the pregnant (seriously. Haha). Gagong Tripp yan! May gana siyang magganun? Eh siya nga ang dakilang salot sa buhay ng DraLys?! Noon pa lang eh, sa SDP pa lang, pakielamero na siya. Tuwing may problema ang DraLys sisingit siya, tangna, hayaan niya kaya magkaayos muna yung dalawa?! Hayaan niya kaya na sariling maghiwalay ang DraLys at wag siya sumingit! Bwisit siya. 

Kaya nagkandagago-gago yung pag-aaral ni Alys eh. Ginagatungan niya kasi ng maling advices. Na nandyan lang siya, na isang patak pa ng luha aangkinin niya na. Gago pala siya eh. Hindi man halata pero siya yung nanunulot una pa lang! Magjowa yung dalawa ganyan siya kung umasta?! Tangina talaga niya.  Pero gaga din si Alys eh, anong sabi niya noon, bakit hindi si Drake ang magsabi hindi yung tatanungin niya pa? Eh paano ba naman kasi, si DRAKE ang jowa niya hindi si Tripp!!! Tuwing nasasaktan siya ni Drake, kay Tripp siya nagcoconfide, yun ba ang girlfriend?! Kaya patas lang sila ni Drake noon. Dahil kung nagcoconfide siya kay Drake ng hinanakit niya, eh di sana naassure siya ni Drake na siya lang talaga! 

Tapos ayan si Tripp, take advantage, tuwing mag-aaway ang DraLys, nakaabang siya sa flowery words niya na hindi niya sasaktan si Alys. Tangna, walang ganun, bruha! Masasaktan at masasaktan ka.

Sorry talaga, sa bad words, pero hindi ko mapigilan eh. Pinaglilihian ko si Drake. Kaya tuwing nasasaktan si Drake nabbwisit ako kay Tripp. Di ko alam kung bakit. 

Isa pa 'tong si Tofer. DAKILANG PAKIELAMERO the second, next to Tripp. Alam niya ba side ni Drake? Tangina din niya! Wala siya noong panahon ng SDP, kaya wag siyang makielam. Di ko alam kung bakit dami natutuwa dun. Never ko siyang nagustuhan, pakielamero kasi. Inggitero din yun eh. Nagsama ang magpinsan na naiinggit kay Drake. 

Pero mas ayoko talaga kay Tripp. I hate him to bones, not just pregnant hormones talking here but me, myself and I. Though may part talaga hormones. pati concert tickets tuloy na niregalo ng bestfriend ko hindi ko pinuntahan kasi makikita ko pagmumukha ni Tripp. Wag na, baka mahawa yung baby Drake (yes, ipapangalan ko kay Drake ang baby ko kung lalaki siya. Balak ko sana Alys din kung babae kaya lang badtrip ako kay Alys ngayon.) ko sa pagiging inggitero niyan ni Tripp.

Si Drake lang ata ang totoong nagmatured. His the same, yet he's changed. Do I even make sense? What I was trying to say is that, his still the same Drake I fell in love with. Yet he's changed too, but for the better. And I've come to love him more. 

Pero ito na talaga, seryoso na. Nagagalit na si Jowa dahil gabi na daw at matulog na, pero kailangan ko tapusin 'to.

Ms. Author, I beg of you. Please, bring the old Alys back. Bring the SDP air back on the story. Please bring the humor, I've come to absolutely love. Because, for me, this may have the same characters, but they are not the same anymore (except Drake).

The story is too dragging. It's not a story that I want to read over and over again. Yung kwento na ikkwento ko sa mga tao ko at kasamahan ko. Nawala talaga yung feel-good genre nito. Nakabusangot na ako pag nagbabasa imbes na nakangiti, baka maging busangot anak ko nito. Haha.

Last...

Message to Alys:

Ang gaga mo! Para kang nanay at tatay mo eh, tama yung nagsabi noon sa group ng Eydee's eh. Wag mo gayahin magulang mo, please. Wag. Wag mo pahirapan si Drake. Gusto ipangalan ni Jowa yung pangalan mo sa anak namin kung babae. Kaya please, ibalik mo yung dating ikaw, dahil ayokong tawagin na Alys ang baby ko kapag nalaman ko na ang gender nito three weeks from now. Please, Alys. I miss you.

Message to Tripp: 

Bwisit ka! Lumayo ka na nga. Inggitero, mandaraya, take advantage, insecure so on and so forth. Ayoko talaga sayo. Maski noong hindi pa ako buntis. Humanap ka ng maaangkin mo, hindi yung makikiagaw ka sa pagmamahal na nakalaan sa iba. Wag kang mandaraya. Pinsan mo yun, oy! Hindi kung sino sino lang, wag kang inggitero. May sarili lang pagktao, wag kang ma insecure. Lumaban ka ng patas, sabihin mo lahat ng alam mo kay Alys, wag kang humingi ng tulong kay, Tofer, ikaw ang may laban hindi siya, wag kang mandaraya. Wag kang magppropose para lang mabuhol si Alys sayo, take advantage yan, Dre. You're cornering her. 

Message to Drake:

I love you! And my message to Drake, if she doesnt say yes, move on, she doesnt deserve someone like you. You deserve someone better. Ako na lang, sabi naman ni Jowa, magkaugali kami ni Alys. Yung dating Alys. Haha. Handa ako makipag annul kay Jowa ngayon. De joke lang, mababasa 'to ni Jowa eh. Psh. Pero si Drake is one of the wattpad characters I admire the most. he just doesn't think of the now, but also the future. 

Message to the Author:

I admire you. Really. And if you're interested, I'll PM you kung ano yung kahinaan mo. Thank you for the wonderful Book 1 stories. :) I hope you make more, but please, don't make a book 2 anymore, okay? Haha. Thank you again. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Comment of a Silent ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon