A/N: hello po, first time ko pong gumawa ng one shot so pag pasensyahan niyo na kung may pagka-epic..
-------------
Crush alam mo bang 2 years nakitang gusto, at natatakot ako baka lalo akong mahulog sa iyo at hindi mo ako saluhin..Crush bakit masyado kang manhid? Bakit hindi mo ako mapansin?
Alam mo bang sa lahat nang kaklase nating lalaki saiyo lang ako mabait, saiyo lang ako ngumingiti... ay sabagay manhid ka nga
Minsan gusto kitang batuhin ng nabilog na papel na may nakasulat
Ng ang manhid mo,kahit minsan ang bastos mo, kahit minsan ang ingay mo, gusto parin kita..
Crush, bakit hindi mo napapansin na saiyo lang nakatitig
Crush alam mo bang naiinis ako, dahil bakit halos lahat ng babae sa room kinakausap mo, pero bakit saakin hindi
Ay oo nga pala kinakausap mo ako, kapag may kailangan ka, kapag hihingi ka ng papel o hihiram ng ballpen, o magtatanung ng kung anung sagot sa quiz...
Crush alam mo bang nagalit at nagselos ako, nalaman ko kasi na may gusto ka pala sa kabarkada ko, nanililigawan mo siya..
At naiinsecure rin ako, dahil maganda siya, sexy at player ng volleyball, nawala talaga akong panama sakaniya, dahil hindi naman ako masyadong maganda, simple lang, hindi rin ako sporty katulad niya, at lalong hindi rin ako sexy dahil chubby ako, pero lamang lang ako sakankya sa academics
Ang sakit, malaman na wala talaga akong pag-asa..
Cruah sana ako nalang ang gusto mo, dahil di ka niya naman gusto eh! Pinapaasa ka lang niya,
Crush sana ako nalang ang piliin mo, dahil saakin hindi kita papaasahin, saakin sasaya ka, saakin hindi ka masasaktan
Crush sa tingin ko nga, hindi lang kita gusto eh! Mahal na kita..
Crush nahulog na ako sa iyo, pero ang sakit dahil di mo ako sinalo, hahaha, baka kasi mabigat ako..
Nung isang araw sinabi sa iyo ni lorinaa na crush kita at hindi yun joke, kaso wala ka manlang reaksyon,
"Sus sabihin mo wala na siyang pag-asa dahil may Jhoy na ito" yan ang sabi ng barkada mo...at narinig ko yun
Ouch, ang sakit, bakit kailangan pang ipamukha saakin yun, wow ha! Tagus sa puso..
Pinipigilan ko na nga maiyak,and thanks god dahil napigilan ko...
Simula noon, di na tayo nag-uusap, hindi na tayo nagpapansinan...
Kahapon nung pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko, nakita ko yung loptop niya na kakaopen at nagfe-facebook siya, bigla kang nag chat, sabi mo hi,
Naiinis ako, bakit saakin di ka nagcha-chat bakit sa bestfriend ko nagchat ka, naiinggit ako sakaniya, sabi ko sa isip ko, sana mag chat karin saakin...
Crush, sana akin ka nalang, sana ako na lang...
Ang hirap pala pag one-sided love lang, mahal kita, maymahal kang iba... ang saya no...
Ayaw ko naman pilitin ang sarili ko saiyo dahil sa huli masasaktan lng ako...
Crush sana akin ka nalang talaga, kaso hindi pwede
Limang buwan na ang nakalipas Crush, pero crush parin kita
Crush nalaman ko na binasted ka daw ni Jhoy at sobrang nasaktan ka..
Sabi ko naman saiyo, sana ako nalang ang niligwan mo, hindi kapa aasa kasi may pag-asa ka saakin,
Kaso hindi ako yung pinili at nagustuhan mo
Crush alam mo bang nakita kita kanina sa likod ng building ng school natin umiiyak, ang sakit sigurong mapa-asa
Crush ayaw kitang umiiyak eh! Kasi pati ako naiiyak at nasasaktan
Nasasaktan dahil nakikita kita nasasaktan dahil sa kabrakada ko...
Crush, please wag ka ng umiyak, andito naman ako eh! Ako nalng ang
Piliin moGusto sana kitang lapitan kaso bigla kang umalis
Crush okay lang kahit maging panakip butas lang ako, atleast nakasama kita
Haaay, bat ba ako nagpapakamartir?
Siguro dahil mahal kita
Crush pilitin ko mang kalimutan ka kaso diko kaya, pilitin ko mang lumayo kaso hindi, kasi magkaklase tayo eh!
Crush, promise last na ito..
Crush, sana ako nalang
1, 4, 3, crush, mahal kita, i love you
-----------
A/N: hehehe relate much? Ang hirap talaga mahulog sa taong hindi ka naman kayang saluhin no,?