Haay nakakapagod kagagaling ko lang ng try-outs ng badminton, as usual Hindi na naman ako nakuha . Di pa ko nasanay. Last year kasi sumali rin ako sa try- outs. Sawang sawa na nga sakin yung kasabihan na 'Never give up' .
Umupo muna ako dito sa sofa, at ang dami ko na palang nasabi di nyo pa ko kilala Ehem Ako nga pala si Andrea Jane Delos Reyes ,16 yrs old, 4th year highschool , hindi ako matalino, In fact( wow may pa in fact in fact pang nalalaman) Hindi ako magaling sa math, yung ibang subjects ko naman ayos lang pero yung math talaga ang hirap.
Dinamay nya pa kami sa paghihirap nya sa paghahanap sa X nya Hindi nalang kasi mag move- on uso naman kasi yun ngayon o di kaya punta siyang Mcdo para dun mag move- on charot. Ako rin yung tipo ng estudyante na hindi mo agad mapapansin dahil wala namang kapansin - pansin sakin ,mahilig akong magbasa ng libro Hindi ko alam kung bakit di pa rin ako tumatalino, siguro ayaw lang talaga sakin ng libro, pwede ba yun?
Ay nevermind nakita ko si mama na nagluluto ng paborito kong ulam "Uy anak andyan ka na pala " ay hindi ma hindi ako to imagination mo lang to , pero siyempre di ko sinabi yun kay mama, mabait pa rin naman akong anak kahit papaano.
"Ah oo ma kararating ko lang" sabi ko " O kamusta ang try-outs mo pasok ka ba ?" Excited na tanong ni mama "
"Haay ma, as usual" sagot ko.
"Ano ka ba anak okay lang yan, wag kang mawawalan ng loob " sabi ni mama. "Ma Hindi naman ako mawawalan ng loob kung mawawalan ako ng laman loob edi mamamatay ako, edi mawawalan kayo ng magandang anak" sabi ko Kay mama.
" Anak ang sabi ko wag ka mawawalan ng loob o ng pag-asa , Hindi ko sinabi na mawawalan ka ng laman loob"
" Ay ganun ba ma? Sorry ah nabingi lang yong maganda mong anak" sabi ko Kay mama dahil totoo namang maganda ako o diba kahit na Hindi ako magaling sa sports maganda ako. Kumain na kami ni mama matapos ang 'maganda' naming usapan.
Pagtapos nun dumiretso na ako sa kwarto ko, naalala ko na naman si papa. Tuwing pumapasok kasi ako sa kwarto ko lagi kong naaalala si papa. Siya kasi ang pinakaclose ko sa kanilang dalawa ni mama, recently ko lang naman nakaclose so mama.
Its been 3 months Simula ng mawala si papa, nung una mahirap dahil dalawa nalang kami ni mama, wala kasi akong kapatid.Pero nakaya naman namin, at sana makaya. Hay! ano ba ito nagda- drama na naman ako. Ako kasi yung tipo ng tao na iyakin, maliit na bagay iniiyakan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito akong klaseng tao.
Walang talento, hindi ako marunong sumayaw, ang tigas ng katawan ko,hindi rin ako marunong kumanta pumipiyok ako, marunong naman ako ng konti sa sports pero hindi talaga ako nakukuha, wala rin akong music instrument na kayang tugtugin .
Minsan nga nahihiya na ako sa mama ko dahil nagpapakahirap sya para sakin tapos ako walang alam. Minsan nga rin naiinggit ako sa taong maraming talent. Sabi nga nila wala daw taong talentless e anong tawag mo sakin? Haay bakit ba napaka worthless kong tao?
BINABASA MO ANG
Worthless
Teen FictionAko lang ba dito sa mundo ang ipinanganak na walang talento?, wala ring alam sa sports, di rin ako magaling sa arts, ni simpleng pagkanta di ako marunong, kahit sa iba't ibang musical instruments wala akong alam kahit isa. Haay feeling ko tuloy napa...