THT: Chapter 4

16 1 0
                                    

Paano ko ba sisimulan itong chap na to?

Hahay....

____________________________________________________________________________________________________

BLAIRE POV

"Hello good afternoon. This is Jade. What can I do for you?"  Secretary ito ni mama. Nasa bahay na ako. Kagagaling ko lang ng school. So many things to do lalo na't kami na lang ni mama ang nasa bahay. May maid naman kami. Kaso gusto ni mama na may matutunan pa rin akong gawaing-bahay.

Nasaan na ang papa ko? Well... Nasa langit na. Matagal ng wala si papa. It's already been a year since my father passed away. And it cause us too much pain. And I saw my mom how hurt she was when dad passed away. Muntikan na ngang malugi ang negosyong itinayo ni papa dahil napabayaan ito ni mama pero mabuti na lang na ang lahat na nasa board ay mapagkakatiwalaan.

At kahit papaano, naging maayos naman ang pamumuhay namin ng iniwan kami ni papa. At hindi rin nagtagal, natanggap din namin ang nangyari. Kahit masakit.

May business kami. Isang hotel. Hindi naman siya gaanong kagarbo pero may mga foreigner o di kaya local na turista ang umuukopa ng mga silid. Ito ang isang mahalagang bagay na iniwan sa'min ni mama. Isang bagay na kahit wala na si papa physically, maaalala pa rin namin ito.

May business nga kami pero sumasakay ako ng public utility vehicle. Hahahaha... :D

Actually I have my own car. I just don't want to use it when going to school. Because I don't want my schoolmates to know na maykaya ako. As much as I wanted to, I want my profile to be low. Walang dapat ibang makaalam na nagmamay-ari ang pamilya ko ng isang hotel. Because when they know all about it, I know for sure, makikipagkaibigan sa'kin ang mga taong ang status lang ng lipunan ang tinitingnan. Even Markus doesn't know about it. 

"Hello good afternoon. Can I talk to my mom Ms. Jade?" sabi ko sa kabilang linya. Si mama ang nagpapatakbo ngayon sa hotel. At kilala na ako ng lahat ng staff sa hotel hindi dahil 'pag makatapos na akong maka-graduate, ako na ang papalit kay mama kundi nang narito pa si papa, lagi niya akong sinasama sa hotel. Sinasabi niya lahat-lahat ng dapat kung kailangan malaman.

"Hi Ms. Blaire. I'm sorry I can't able to connect you with your mom right now. Ms. Araiza is in the meeting with your new prospect investor as of this moment." Busy pala si mama ngayon. Bakit hindi man lang nasabi sa'kin ni mama tungkol sa mga new investor? And dapat nandoon ako diba?

"Ahh... Ganoon ba? Can you please tell my mom  that I called then tell her to have a return call."

The Hardest ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon