CHAPTER 1 : THE DATE

37 11 0
                                    

* Ring .... Ring .... *

 >.< anubayan ang ingay ! pagtingin ko sa relo , 5:30 palang . sinu ba kasi yung tumatawag ng ganto kaaga eh ? =_______=

" HELLO ! "

[ Hello ? Boyfie ! antagal mo naman gumigising . kanina pa ko tumayawag eh ! ]

" Baket ba ? ang aga pa eh ! "

[ iintayin kita sa gate ng 6:30 yun lang ! ]

* Toooot...Tooooot*

Binabaaan nya ko ! grabe impyerno =_____=

At dahil di na ko makatulog ulit eh naligo nalang ako . Spell " NO CHOICE 1 " =_____=

 6:30 na pala . Antagal ko noh ? Haha XD ano sya chicks ? dadating ako before 6:30 ? No way !  Mag intay sya dun !

 - - - - 

 Badtrip . Traffic pa =_____= alasyete na . Male Late na din ako sa klase neto .

 Magse - 7:20 na ng makarating ako sa may gate . wala sya . baka pumasok na ? papasok na sana ako ng gate ng may biglang humila sakin .

" Antagal mo ! Anong oras na oh ! " Galet na sabi ni carla .

" Baket di ka pa pumapasok ? Late na tayo sa 1st subject . "

" wag na tayo pumasok . " kalmadong sabi nya . Grabe babae ba to ? niyaya pa ko mag cutting ? kahet babaero ako , aminado ako dun pero never pa ko nagcutting  =______=

" Ayoko nga . " Tumingin lang sya sakin pagsabi ko nun .

" nakikita mo ba yan ?" sabay turo sa papel na nakadikit sa sa bakod ng school .

" Bawal na pumasok pag LATE . " basa ko sa nakasulat . " Teka ? ngayon ko lang nakita yan ah ? "

" di ka pa ba nali - Late ? basa basa din pag may time . " nakatawa nyang sabi .

" Tara ! " sabay hawak sa kamay ko . wala nako nagawa kaya sumama na ko =_____=

 Sumakay kami ng jeep , hawak parin nya kamay ko . ewan ko pero kinikilig ako XD , di ko nman to 1st time ?

" Hoy ! Bayad ? " nagulat ako bigla . Ang hilig talaga mang gulat netong babaeng to =____= . kumuha ako ng P20 .

" bayad nga po . dalawa , studyante ! " sigaw nya =____= grabe palibre , chicks talaga .

Bumaba kame sa SM .

" anong gagawin natin dito ? " tanong ko .

" magde - DATE ! " WOW =_____= with confidence nyang sabi .

" ah ....." ubos pera ko neto =______=

- - - - - 

At syempre nag ikot kami sa mall . medyo nakakapagod pero napansin ko lang kanina pa kame pabalik balik dito sa harap ng store na may malaking Teddybear na naka-display . siguro gusto nya yun ? ayaw nya lang magpahalata ?

" wait lang CR lang ako ha . " naiwan sya sa harap ng store na yun .

 pagbalik ko nakatingin sya sa prize , P2,149 . WOW teddybear ba yan ? baka may built in ref yan sa loob ? XD

" nagugutom na ko . " oo nga , nagugutom na din ako . kaso kulang pera ko =____=

" ah . Tara ! " bigla ko naisip si kuya charles . may resto pala sya dito . wala pa ko dinadalang babae dun . =____= kaso NO CHOICE gutom nako .

" san tayo ? " tanong nya .

" Basta . tara na . " bigla syang sumigla at hinawakan ulet ang kamay ko . =______= gutom lang pala kaya tahimik .

 pagtapos namin kumain . hindi muna kami umalis . naalala ko yung teddy bear .

" Gusto mo ba yung teddy bear ? "

" Ha !? " halatang nagulat sya sa tanong ko .

" ano nga ? "

" hindi ah ! pambata lang yun ! " ang cute nya magdeny *______*

" alis nako ! " bigla nyang sabi .

" baket ? "

" may training kame eh . "

" papasok ka ng school ? "

" oo baket ? "

" akala ko ba bawal na pag late ? " =______=

" HAHAHA ! ako lang nagdikit nun eh XD "

 ayun tawa sya ng tawa hanggang ihatid ko sya sa sakayan =_____= di naka move on . parang timang .

29Days with HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon