" Okay class, may audition para sa upcoming school idol para sa foundation day. At kung sino ang mapipili sa audition ang maglalaban-laban para sa foundation day. "
announce ng teacher namin. Oo nga pala. Malapit na ang foundation week namin. Ilang araw nalang ang preparation. Kaya siguro nagpapa-audition na rin sila para makapaghanda na ang mga contestant.
" So, kung sino man ang gustong sumali. Pumunta nalang kayo sa auditorium para makapag-audition. I hope na meron sa inyong sumali to represent your section. Goodbye class. " at umalis na ang teacher namin sa classroom.
Pagkalabas ng teacher namin napuno ng ingay ang classroom. Sari-saring ingay na naman. Yung iba nagtutuksuhan, yung iba naman nag-uusap kung sasali sila sa school idol.
Bigla akong kinulbit ni Jamie.
"Bakit?" sabi ko.
"Sali ka?" sabi nya naman.
"Ako sasali? Seryoso ka ba jamie?"
"Oh bakit? Lagi naman kitang naririnig kumanta pag nakaheadset ka ah. Ang ganda kaya ng boses mo." Sabi nya naman habang nakaharap sakin.
"Ayoko. Baka mapahiya lang ako don."
Totoo naman e. Baka mapahiya lang ako don. Ang dami kayang magagaling kumanta. Lalo na sa section namin. Suki na nga sila ng singing contest ng school e. Magmumukhang tanga lang ako don.
"Baliw ka! Alam mo kung sakin lang binigay yang talent mo? Gasgas na gasgas na yan sa kakasali ko sa mga contest. Sumali ka na. Try mo. Sayang kaya."
"Ayoko. Tsaka hindi naman ako mahilig sumali sa mga ganun."
"Idadahilan mo na naman yang pagigng introvert mo? Hay nako Mayka. Itry mo na kase. Sinasayang mo lang ang talent mo kung ako lang lagi ang nakakarinig ng maganda mong voice." Inirapan naman nya ko.
"Huwag mo nga akong bolahin. Tigilan mo ko Jamie ha. Ayoko basta."
Sabi ko sa kanya. Pinipilit kase ako. E ayaw ko nga. Hays.
"Dali na kaseeeeeeee. Regalo mo na sa birthday ko pleaseeee? Pleaseeeeee?" Pagmamakaawa nya naman.
Oo nga pala. Malapit na nga pala syang magbirthday. Nasaktuhan pang sa foundation week yun. Hays naman. Mapapasabak pa ata ako sa mga trip ng babaeng to.
"Ayoko nga." Sabi ko pa rin. Ayoko talaga.
"Pleaseeeeeeeeeeeee maymay pleaaaaaaaaseeeeee? Alang-alang sa nag-iisa mong kaibigan sa school na ito na laging sumusuporta sa katahimikan mo. Pleaseeeeeeeeeeeeee? Ibigay mo na to saken pleaseeeeeee?"
Natouch naman ako don. Haha. Oo. Sya lang ang kaibigan ko sa school. Introvert nga kasi ako. Kung hindi nya nga ako inapproach before hindi ko pa sya magiging kaibigan.
"Wala daw si Ma'am. Nag-aasikaso para sa foundation week. Lunch na." Singit ng kaklase kong nasa pintuan.
Kaya nagsitayuan na kami at nag-ayos ng gamit.
"Pag-iisipan ko." Sabi ko habang palabas kami ng classroom at papuntang field. Mamaya na ko kakain. Maaga pa naman e.
"OO? SABI MO YAN HA! WALA NG BAWIAN! YIEEEE THANKYOU MAYMAY!! SUSUPORTAHAN KITA PRAMIS!! ALAM MO NAMANG NAMBER WAN PAN MO KO HAHAHAHAHAHA!!"
"Huwag ka ngang maingay. Yang bunganga mo na naman e."
"ANG SAYA KO KASE! OKAY? BASTA HA! sasali ka na ha hahaha so sayaaaa!"
"Sabi ko pag-iisipan ko. Di pa ko na-oo."
"Ganun na din yun. Papayag ka den! Bibili lang akong tubig sa canteen. Nauuhaw ako e. May papabili ka? Ililibre na kita dali! Minsan lang to. Kagatin mo na! Masaya kasi ako!"
"Sana lagi kang masaya para nanlilibre ka no? Haha. Sige. Isang tubig nalang din."
"Sigeeee! Wait lang." Pagpapaalam nya naman habang paalis ng field.
Umupo muna ako sa isa sa mga bench na may lilim ng puno.
Ngayon naiisip ko, kung sasali ako, ano naman ang kakantahin ko? Hays. Namomroblema na agad ako.
Pero bakit ko nga ba pinoproblema? Diba sabi ko pag-iisipan ko?
Kasi birthday ni Jamie. Minsan lang naman yun magrequest sakin. Maliban sa pagpapalibre.
Hays. Bahala na nga!
Kinuha ko ang phone ko at isinaksak ko ang earphones ko. Makikinig nalang muna ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/80726018-288-k481059.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
Teen FictionA One Shot Story. Inspired by the song Ngiti haha. Na-lss kasi ako kaya I've tried to make a one shot story. Lol Copy Right 2016 akoangauthor