SOMEONE'S POV
"Finzan couzin!!!! Sasali na syaaaaaaaa!!!! Sabi nya pag-iisipan nya pero sasali na yun. Ginawa kong blackmail ang birthday ko!!!"
Sabi ni Jamie na hingal na hingal sa kakatakbo.
"Talaga? Sure ka ba jan? Baka naman pinapaasa mo lang ako ha."
"Wow! Ako pa ang nagpapaasa! E kung hindi mo lang naman yun gusto di ko sya papansinin e. Remember? Nakipagclose ako sa kanya gawa mo? Kasi kaklase ko sya? Kasi crush mo? Huwag nga ako. Pero alam mo ang cute nya. Nagiging tahimik na rin ako minsan kapag kasama ko sya e. Sarap nya maging kaibigan finzan couzin!"
"Iniinggit mo ba ko? O complement yon?"
"Ahehe. Pede both? Hahaha pero joke lang. Mas masaya kapag naging kayo. Ayieeeeee keme pa tong kumag na to oh hahaha huwag kang mamumula aba napaghahalataang kinikilig ka e hahahahaha"
Pang-aasar naman nya. Hay. Napakaluka-luka talaga.
Pero kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko talaga malalaman ang mga gusto at hindi gusto ni Mayka. Kung ano mga hobbies mga trip nya sa buhay nya. Ganun. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya.
"Finzan couzin hindi mo ba naisip na lapitan man lang sya kahit minsan? Malay mo naman pansinin ka. Kasi baka magalit sya sakin sa ginagawa natin. Na sikreto natin syang kinukuhanan ng impormasyon..."
"Jamie naman. Alam mo namang nanlalambot ako kapag malapit sya sakin. Nakakatorpe kaya. Nahulog na ko pinsan e. Mahal ko na sya."
"HUWAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!! FINZAN COUZIIIIIIIIN!!!!! WHY SO SWEEEEET!!!! SHET KA KINIKILIG AKOOOOOOOO!!!!"
"Aray! Aray ko! Jamie ansakit aray!!" Manghampas ba naman daw. Para tong amazona e. Ang sakit manghampas. Pasalamat talaga sya pinsan ko sya.
"Pero alam mo. Nahuli ko sya one time. Nagdadrawing. Kaya lumapit ako. Kaso bigla nyang tinabi. Baka crush nya yung dinodrawing nya. Ayaw kasi nyang sabihin sakin e. Masyadong masikreto yung babaeng yun kahit kaibigan na nya ko. May karibal ka tuloy. :3" Sabay pout naman nya.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
"Okay lang yun finzan couzin! Tutulungan kita sa pasabog mo. Sure naman akong makakapasa sya sa audition. Diba? Patago pa nga akong nagrerecord kapag nakanta sya. Basta tiwala lang! Okay? Sige na pupuntahan ko na sya sa field. Matagal tagal na kong nawala. Sabi ko bibili lang ako ng tubig e." Pinakita nya naman yung dalawang bote na hawak nya.
"Babye finzan couzin!!!" Pagpapaalam ni Jamie saken.
Naalala ko na naman yun.
Kumakanta sya ng Ngiti non. Ang ganda ng boses nya.
Mala-anghel ang boses nya.
Nakakagaan ng feeling.
Parang nililipad ka sa alapaap.
Inaakit ang tenga ko para pakinggan pa ang boses nya.
Kaya lalo akong nahuhulog sa kanya e.
Hays.
Kelan ka kaya magiging akin Mayka Reansales?

BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
Novela JuvenilA One Shot Story. Inspired by the song Ngiti haha. Na-lss kasi ako kaya I've tried to make a one shot story. Lol Copy Right 2016 akoangauthor