CHAPTER 2

17 0 0
                                    

RON'S POV

Kararating ko lang galing sa duty,isa akong nurse sa isang pribadong ospital dito sa lugar namin. Pagpasok ko palang sa gate ay nakita ko nang naka park ang van na ginamit nila kanina sa pagsundo sa airport kaya naman alam kong nandito na sila.Sinalubong ako ng maid namin sa pintuan at kinuha ang mga dala kong gamit.

"Salamat po manang.."...iniabot ko sa matanda naming kasambahay ang mga gamit ko at nagtuloy tuloy pagpasok.

"Manang nasan po sila?"

"Nasa kanya kanyang silid na sila iho...magpapahinga na daw muna sila"...sabi ni manang.

Tinanguan ko nalang sya at dirediretso akong umakayat,pero bago pa man ako makarating sa kwarto ko.Napahinto ako sa pinto ng kwarto ni Sam.

'Sino naman kayang kausap nito?'

Narinig ko syang nagsasalita.sa lakas ng boses nya ay dinig ko ang sinasabi nya.

"Nakakainis syaaaaa!"... narinig kong sigaw nya..

"Hoy!Ikaw singkit ang yabang yabang mo na ngayon ha..nakakainis ka na talaga.."..sabi nya pa.

'Tss...Sino bang kausap nito?'

-knock...knock-

"Sam?" tawag ko sa pangalan nya.

Narinig kong patakbo pa syang pumunta sa pinto para pagbuksan ako.

"Oh kuya.." habol ang hiningang salubong nya sa akin.

Itinulak ko ng bahagya ang pintuan at pumasok doon...

'Wala namang tao..'

"Sino bang kausap mo Sam?"

"W-wala naman akong kausap kuya..." utal pa nyang sabi.

"Nagsasalita kang mag-isa?Eh ano yung narining ko?may sinasabi ka kanina eh."

"Baka yung stereo ko yun naka-on kasi kanina."pangungumbinsi pa nya.

Hindi ko nanaman sya tinanong ulit.Tiningnan ko na lang sya at nginisihan

(--,)

"Anong---O-oh ano naman yang tingin mo sakin kuya?" naiilang pang tanong nya..

"Edi nagkita na kayo ng prince charming mo?Ano mukha bang palaka?hahaha" pang-aasar ko sa kanya.

"hahaha..OO kuya Bullfrog nga eh!"tatawa twang sabi nya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya...Binigyan ko sya ng mapanghusgang tingin..

"Hindi ka pinansin ano?" asar ko pa ulit sa kaya..

>__<

"A-ano bang sinasabi mo dyan?eh ano naman kung hindi nya ako pinansin?hindi ko rin sya pinansin noh!"pigil ang inis na sabi nya sakin.

"woooshoooo....kagabi ka pa nga ikot ng ikot sa salamin ng kwarto mo kagabi habang suot yung gown na ginamit mo nung acquaintance party nyo diba?" ngingisi ngisi ko pang sabi.

O___O

Pinandilatan nya ako ng mata.

"A-anong...panong alam mo yun? nagtatakang tanong nya sakin..pero hindi ko sya sinagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Since Birth ^_^ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon