Chapter 1

2 0 0
                                    



Tumayo ako at inayos ang sarili. Simula nanaman ng panibagong araw.
Kinuha ko na yung maleta ko at sinimulang hilain, kailangan ko ng umalis dito kasi tapos na yung binigay kong pera para makatira.

"Daphily, di kita pina paalis di mo kailangan." Aniya ni aling lara

"Alam niyo naman po na hindi ko matatanggap ang pagpapatuloy niyo sa akin." Sambit ko

"Pero hija! Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa inyo." Tinulungan ako ni aling lara na ibaba ang mga gamit ko.

"Aling lara maraming salamat po! Sapat na po iyon sa lahat ng mga ginawa niyo sa akin." Binuhat ko na ang mga gamit ko para ilabas naghanap narin ako ng taxi, nang makita ko ang taxi nagpaalam na ako kay aling lara

"Aling lara aalis na po ako, yung mga binilin ko po pakiusap!." Yinakap ako ni aling lara na parang hindi na ako makikita ulit.

Nang nakarating na ako sa nirentahan kong bahay inayos ko na lahat ng gamit ko. Medyo maayos din naman dito! May kapitbahay ako parehas lang din yung bahay namin halos magkakatabi lang din. Ang pinagkaiba lang ay ang house number.

Halos tanghali narin ng nagising ako. Siguro dahil sa pagod a ko sa pag aayos ng mga gamit. Lumabas muna ko para bumili ng almusal.

"Magkano po ba dito?."

Tinuro ko yung adobo sa loob ng estante mukhang masarap to ah. Kahit medyo sabaw lang ang nakikita ko.  Nagpa order ako kay ate ng dalawa para siguro hindi na ako bumili pa ulit mamaya

"Ate dito nga po."

Napalingon ako sa katabi kong bumili rin, may kaboses siya pero diko maexplain parang familiar siya sa akin.

"Nice voice." Bati ko sa kanya bago umambang aalis. Napatawa pako sa reaksyon niya mukha siyang nahold up.
Pagdating ko sa apartment halos kalat parin yung nga natitirang gamit ko sa kusina diko rin naman magagamit to. Hindi ako marunong mag luto eh.

Lumabas ako sandali para itapon nalang yung mga gamit kong di na rin naman nagagamit.

"I love you." Napa balikwas ako ng tayo ng marinig ang boses nayun. Naaalala ko lahat, lahat ng sakit sa puso lahat ng luhang halos mag apoy na sa mga mata ko.
Tumingin ako sa direksyon kung saan ko narinig iyon. Nakita ko yung mestisong lalaki na may kausap na batang babae.

"Be good girl kay ate andy ah?"
Pinat nung lalaki yung ulo nung batang babae bago umalis ng tuluyan.
Anak niya yun? Masyado pa siyang bata para mag kaanak ah.

Pinag patuloy ko yung pag lilinis habang palaisipan sa akin kung bakit paulit ulit kong naaalala si lucky.  Natapos ang buong araw na sa pag lilinis lang ang inatupag ko

I am curious about him, naramdaman kong may dapat akong sabihin sa kanya but my body can't and then he suddenly appeared in my front.
Hindi ko man maipaliwanag ang kuryosidad na lumilipad sa aking isip.

"Excuse me." I ask

He move to the left with no emotion.
Sagabal siya sa pag lilinis ko dito sa tapat pero hahayaan ko nalang siya.

"Sir? Can i know your name?." I asked him without even thinking what i did.

He look at me and inirapan lang ako.
Tinatanong lang naman, pumasok siya sa isang apartment And while i'm watching him he closely disappear.

Did i just stalk him? Bakit ko ba siya tinitignan. Bumalik ako sa kusina upang mag luto.

Pero attractive siya kung tutuusin. Sa unang tingin makikita mo yung magandang labi mga mapupungay na mata. Fck bakit ko ba siya iniisip?

"Kaya ko ba?." Tanong ko sa aking sarili, makakayanan ko ba yung buhay ko dito? Walang aling lara, walang magulang, walang lucky.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, i step and open the door. "Ano yun?."
I ask with my low voice.
"I'm andy... she offered her hand and i accept it. "Gusto ko lang sanang sabihin na walang pwedeng mag lagay ng basura sa gilid."  Tinignan ko yung mga basura ko na nakatambak sa gilid.

"Sa gilid dapat ng gate." She said

Bumalik na siya sa apartment ng walang man lang paalam. Thanks for your concern huh?

"Bago ka dito?." Tumingin ako at napa ayos ng tayo. Yung lalaking familiar nasa harap ko na, Kakausapin niya ba ko?

"Actually kahapon lang."

"Tinatanong ko lang kung bago ka." Tumalikod na siya habang dinig na dinig ko yung mga buntong hininga niya.
Ang hilig niyang umiwas ng umiwas.

Ang feeling close ko naman kasi! Bakit ko ba sinabing actually kahapon lang eh hindi naman ayun yung tanong niya.

Bukod sa ingay ng kung ano-ano may dinig pa akong dalawang babaeng nag uusap, kasing edad ko lang din siguro sila.

"Enebe, mala liza soberano lang naman."

"Si enrique gil naba ng buhay mo?." Sabay silang nagtawanan ng sobrang lakas, nakakatuwa lang kasi napaka ingay nila haha. Di mo akalain na may side silang ganun.

"Hi"  sigaw niya sa akin, ngumiti ako sa kanila. Lumapit siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Hinawakan niya yung buhok ko habang tinitignan niya ko ng maigi.

"Maayos ka naman."  Sabi niya

"Ako nga pala si ika." Inabot niya sa aking yung kamay niya habang naka ngiti. Dahil nakakahiya naman tinanggap ko na.

"Akala ko mapupunit na labi ko eh, tagal mong tanggapin." Nagpaalam na siyang babalik na sa kausap niya.

Buong oras kinakabisado ko lang yung mga tao dito para kung sakali di nako malilito sa kanila. May mga mag asawang nasa labas lagi ng bahay meron din namang nasa loob lang kasi medyo classy sila.

Meron din namang mga grupo ng mga estudyante na mukhang nag aasaran sa mga gusto nila. Ang saya siguro alalahanin nung mga panahon na yan.

Meron di namang mga batang naglalaro lang sa daanan. May mga batang gadget nalang ang nilalaro sa bench.

Medyo may pag ka popular narin ang lugar na ito kasi marami rami narin ang naka tira.
Bukod sa mga estudyanteng nag do dorm.

Sapat na siguro to para mabuhay ako ng sarili, wala din akong balak kilalanin silang lahat.

Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si ikat na paalis. Naka sumbrero siya eh mag gagabi na, at take note yung sumbrero niya nasa mata na niya. Wala yata siyang balak tumingin sa dinaraanan niya.

"Ingat ka ikat. Baka mahulog ka niyan."

Memories doesn't fadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon