Chapter 2

1 0 0
                                    


"Gising na anak."
She whispered, bumangon ako dahil sa boses na narinig ko, i almost forget wala na pala ko sa bahay ni aling lara. Nasanay lang siguro akong ginigising niya twing tanghali na.

Washing the dishes makes me feel i'm responsible enough for everything.

Nagawa ko lahat ng gawaing bahay na dati hindi ko ginagawa. Na dati hindi ko man lang nagawa. Nasanay ako sa buhay na meron ako dati sa kung ano ang binibigay lang sa akin ng mga magulang ko. Nasanay akong pera lang ang umiikot sa mundong to pinalaki nila kong pera ang ibinibigay at hindi ang kanilang pagmamahal.

Binuksan ko ang bintana para maka sanghap ng sariwang hangin.

"Hi daphy."

Nagulat ako ng biglang sumulpot si ikat sa bintana at kumaway.

"Hi ikat magandang umaga." Nangalumbaba si ikat sa bintana habang naka tingin sa akin. "Gusto mong sumama?." Tanong niya

"Hindi." I replied

"Wala pa nga eh! May job interview akong pupuntahan malapit lang. may mga slot pa baka gusto mo."

Hindi ko aakalaing aalukin niya ko ng ganyan kasi mukha siyang lokaret eh.
Parang may saltik na ewan.

"Ano sama ka?." Kinakalabit niya ko habang naghuhugas. Wala siyang pakialam kahit mabasa siya.

"Pag iisipan ko nalang ." Ngumiti siya sa akin na para bang may alam siyang alam ko na hindi alam ng iba.

"Sumama kana, sasama si zach yung crush mo diyan sa tapat." Tinuro niya yung apartment nung lalaking laging umiirap. Yak.

"Hindi ko siya crush ikat."  Pinunasan ko narin yung mga basa sa gilid ng lababo.

"Sir? Can i know your name?."
Kumaripas ng takbo si ikat habang tumatawa. Paano niya nalaman yun?
Ang weird niya talaga.

Sasama ba ako? Sige sasama na ako. Ay teka hindi nalang pala. Hindi ko siya kilala baka mamaya human traficking ginagawa nun. Pero hindi naman siguro,  mukha naman siyang maayos.
Sige na nga wala namang akong magagawa. Gusto ko na magkapera

Nag ayos ako ng presentable inaantay ko rin si ikat lumabas ng apartment niya para sumabay na ako sa kanya.

5 minutes...
10 minutes...
15 minutes...

Sumilip ulit ako sa bintana para tignan siya. Sakto namang lumabas na siya.

"Ikatttt." Dali dali kong nilock yung apartment at pinuntahan siya.
"Bakit ganyan suot mo?." Tinuro ko yung panjama at long sleeve niya. Akala ko ba may interview siya?

"Ay! Sasama kana ba? Alam mo kung si zach lang yung puntirya mo kawawa naman siya." Napa face palm nalang ako

"Tsaka bukas pa yung interview ko. Pero ihahatid nalang kita, halika na." Hinila niya yung kamay ko habang palabas ng gate niya

"Ganyan lang suot mo?." Tanong ko.

"Oo! Bakit anong problema?." Tanong niya sa akin pabalik. "Wala naman."
Totoong malapit lang dahil isang sakayan lang ng jeep makakarating kana agad doon.

Malaking kumpanya ang nakikita ko sa harap. Ito na mismo yung pangarap ko isang malaking kumpanya ng hospital.

Hinatid ako ni ikat sa harap kung saan may naka paskil na job hiring.
"Ayan na!"  Sabi ni ikat habang nag mamartsa.  "Kaya mo nayan. Uuwi nako hindi pa ako nakakapag sipilyo eh babye." Kumaway si ikat sa akin habang humahakbang palayo.

Lahat na ata ng kaba naramdaman ko. Sa bawat pag tapak sa hagdan

Memories doesn't fadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon