Chapter 3.

1 0 0
                                    

Stole

Maaga akong nagising hindi dahil sa ingay na nagmumula kayla xyra at zach tuwing umaga, walang nangyari bangayan ang pumagitna sa kanila. Dahil narin siguro hindi na pumupunta si zach diyan simula nung sinabi niyang pagod na siya.

Nabibingi ako sa katahimikan na naririnig ko, pumapasok lahat ng mga sinabi ni zach,
Ganun nalang bayun? Sana pala ganun nalang ang ginawa ko ng hindi ako sobrang nahirapan.

"Daphy ano nanaman ba yung naririnig ko sa mga kapit bahay na miski pag hawak sa kamay ayaw mo, lagi mo pa daw tinataboy." Hinawakan ni papa yung dalawang balikat ko at unti unting niyugyog.

"Akala ko ba kayo na ha?." Tanong niya muli, tumango naman ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga siya mahal.

"Ayun naman pala kung pwede daphy ayusin mo ang pakikipag relasyon mo sa kanya." Sigaw muli ni papa bago ako bitawan, tumulo naman ang mga luha ko pagkatapos niyang umakyat sa taas.

Nagsisisi na ba ako?  Kung hindi ko ba ginawa to magiging masaya ko? Pero siguradong hindi naman ako mabubuhay ng maayos dahil sa araw araw na trato sa akin ng mga magulang ko.

Alam ko ramdam ko na wala silang pakialam sa akin at patuloy lang akong sinasamahan sa buhay kasi obligasyon nila ako dahil anak nila ako.

Naaalala ko pa nung bata ako lagi na nila akong pinapaalalahanan tungkol sa batang   Papakasalan ko. At alam ko na sa sarili ko na si lucky ang tinutukoy nila. Para saan? Bakit?

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko simula nung bata ako pero ni isa walang sagot.

"Daph?." Umalingawngaw sa buong kwarto ko yung boses ni lucky. "Daph magusap naman tayo."

"Pwede ba layuan mo na ako!." Sigaw ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat sobrang higpit ng hawak niya na halos matagal na yung mga laman ko dun.

"Lucky bitawan mo ako."

Imbis na bitawan niya ako ay mas lalo lamang niyang hinigpitan. Gustong gusto kong sumigaw para marinig nila papa at mama pero pinipigilan niya ako.

"Hindi na ako makakatiis sa ugali mo daphy, pinakiusapan kita ng maayos pero ayaw mo parin ano bang problema mo?." Tanong niya.

"Kasi hindi kita mahal,"

"Pwes ngayon gawin mo." Binitawan niya ako tsaka umalis ng kwarto.

Nagpakatanga ba ako? Nag paka alila sa kanya? Dapat sumuko nalang din si lucky at kinalimutan ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog to, tinignan ko at nagmula yung message sa national hospital,

From: national hospital

Good morning, pinapaunlakan po namin kayo na pumunta dito upang mapirmahan na ang kontrata niyo. Ipinapaalam ko po na kayo ay nakapasa at maaari nang maging nurse dito. Maraming salamat!

Ha? Akala ko ba hindi ako natanggap?
Sa dami ng iniisip ko hindi ko napansin na blessing na ito. Ito na yun, ito na yung mga kasagutan sa mga kautangan ko kay aling lara.

Memories doesn't fadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon