Where It all started

369 3 0
                                    

Chapter  1: Where it all started

“UUGGHHHHHH! Bwiset na yun!”

“Abby, kalma lang. Inhale exhale” sabi ni Gabby habang dinedemonstrate ang pag iinhale at exhale

“Oy, teka lang. tumabi tayo Mia baka mabugahan tayo ng apoy nitong si Abby sa pagexhale. Tignan mo parang dragon na oh”

“Ayy Cha tama, ayokong masunog ulit. Katatapos lang ng summer.” Sabay hatak kay Mia papunta sa side ko

“Pssshh. Eh kung saktan ko kayo dyan nang manahimik kaya kayo?”

Haaaay nako, talaga tong mga kaibigan ko na to wala nang matinong nasabi since naghyperventilate ako. Diba obvious? Galit na galit lang naman ako at kung bakit? Nahuli ko lang naman ang boyfriend ko ay este soon-to-be-ex-bf na may kung sino sinong kaflirt at may nililigawan pa sa ibang school.

“ Kainiissssss! Pinagmukha nya kong tanga. Aahhhhhhh!!!!!” sabay sipa ng upuan na nasa harap ko

“Ikaw OA ka na! pati mga upuan na walang kamalay malay nadadamay dahil sayo” Mia

“Tama na Abby, affected ka masyado. Diba dapat expected na yun. Alam mo namang playboy yun.”  Gabby

“ Aba hoy!talagang kinampihan nyo pa? Mas close na kayo?” napasigaw ako

Seriously kaibigan ko ba tong mga to o ano?

“Abby, para namang gulat na gulat ka sa nagawa nyang si Nate. Ikaw na mismo nagsabi dati and I quote “ Nate and I are just going with the flow coz I know how he is with other girls.”  Kala ko ba walang nakakastress sa isang Abbigail Marie Ramirez?” Charlegne

Napaisip ako. Well tama naman si Cha. Chill lang naman ako most of the time pero iba ngayon. Playboy nga tong si Nate tapos inexpect ko namang magtitino sya sakin. Nagfeeling noh?

“Agree! Playboy na ang lakas pa sa mga girls kaya kahit alam ng may girlfriend eh papatulan pa rin talaga nila yang boyfriend mo noh” Mia

Bakit nga ba kasi pumayag payag akong maging girlfriend nitong si Nate na to. Lasing ba ko nung sinagot ko sya o nakadrugs? Tsk pati ako tinablan ng “Nate’s magic charm.” Dancer na magaling pang mangharana, sinong di tatablan nyan?

“ Nagkamali lang naman sya nang tinalo. Lintek lang ang walang ganti.” Sabay ngiti ko

“Ayan na nga ba yang ngiting yan eh. Anong balak mo na naman?” Gabby

ako lang naman ang tipo na di magpapatalo kahit saan. At ayoko sa lahat, napapahiya ako. So Nathaniel Perez humanda ka na!

A Bittersweet Revenge **ON HOLDWhere stories live. Discover now