“Yayabs! Yayabs! Andiyan na si crush, Yayabs! Uwaaa!!! Yayabs!!!!", paulit-ulit kong sabi habang hinihila-hila ang damit ng bestfriend kong si Janice.
“Eeeeeh! Maya naman eh. Sino ba d'yan?" tanong niya habang inaayos ang shirt niya.
“Yu-Yun oh .. yung transfer student na may mukhang pinag-ingatang hinulma ng mga anghel", sagot ko habang nanginginig na tinuturo yung lalaking dahan-dahang papalapit sa amin.
“Aahhh... Si Akie ba? Pshh... 'kala ko naman kung sino", confident niyang sabi.
“Ki-Kilala mo siya???"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun mula mismo sa walang-hiyang bestfriend ko.
“Ah, oo. Matagal na"
Kukuyugin ko na sana si Janice dahil sa mga nakakagulat na pinagsasabi niya. Kaso lang, tiyempo rin namang dumating si Akie... ang lalaking lumabas sa panaginip ko para bihagin ang nananahimik kong puso. Drama yun, bes! XD
“Janice..? Ikaw ba 'yan?"
Uwaaa!! Magkakilala pala talaga sila ng Yayabs ko!! T^T
“Ay, hindi. Alien clone n'ya 'to. Pshh. Sino pa bang ibang babae ang may kagandahang tulad ng sa'kin?" sarcastic niyang sagot. Wag ka namang ganyan Yayabs. Si crush 'yan! Si CRUSH!! >3<
“Tama, buti nalang talaga ikaw lang ang may ganyang kagandahan" natatawang sabi ni Crush. Uwaaa!! Ang kyuuut niya!! *u*
“Pili ka... kaliwa o kanan?", sabi ni Janice habang tinuturo ang sapatos niya. No, Yayabs! Bad 'yan!! Baaaaaad!!!!
“Joke lang. Ba't ba kasi ngayon ka lang nagpakita sa'kin eh last week lang akong lumipat sa school na'to?", pagtatanong ni Crush.
“Eh, sa ngayon mo lang ako nakita eh. Problema mo na 'yun"
Ahmff!!! Ang harsh mo talaga, Yayabs. →3→
“Haaaay!! Wala ka pa rin talagang pinagbago"
“Eh ba't naman ako magbabago?"
“asfgbdkfkanfjdjei"
“arifbsksidbeisbsjsh"
*croooook ... crooook ... crooooook*
Teka lang... Na-O-OP na yata ako sa dalawang 'to ah? Kung makapag-away sila mukha silang magkapatid. Pero siguro childhood friends sila kaya ganyan sila ka-close. Sabi nga ni Janice kanina, matagal na silang magkakilala.
Ahmff!! Ang swerte naman ng bruha.
>3<
“Teka lang, sino ba 'tong kasama mo?", tanong ni Crush.
Sa wakas! Napansin rin nilang buhay pa ako dito. TwT
“Ahh, oo nga pala... si Maya, bestfriend ko", sabi ni Janice habang inaakbayan ako.
“Hi", bati ni Crush.
“Uhh... Hello", nahihiya ko pang sagot. Ewan ko ba pero feeling ko nagmumukha na akong kamatis sa pamumula. >_____<
Nagkaroon ng awkward silence sa atmosphere naming tatlo. Ramdam ko naman ang mga mata ni Crush na nakatitig sa'kin. Uwaaaa!! Mag-o-overheat na yata ako nito!
“Uhh... diba ikaw yung babae sa mall? Yung nalaglagan ng wallet?", biglang tanong ni Crush sa'kin.
T-teka... naaalala pa pala niya yun?? OMG!! Di talaga ako makapaniwala!!
O_____O"
“Ha? Ah... oo.. mukhang ako nga yun... ah ... hehehe", kinakabahan kong sagot.
“Sabi ko na nga ba. Nakita ko kasi pangalan mo sa ID mo bago ka biglang tumakbo palayo", nakangiti niyang kwento.
Aahhhhh!!! Mamatay na talaga ako nito!! Ba't ba kasi bad timing pa ang pagkakataong yun? T^T
*FLASHBACK*
“Uy, Yayabs! Natagusan ka!", nagulat na bulong ni Janice sa'kin.
“Ha?? Talaga ??? Halata ba ??", natataranta kong pagtatanong.
“Di naman talaga masyado pero tara, bilis! Bilhan muna kita ng bagong shorts at unmentionables", bulong niya ulit sa'kin.
“Eh kung sa CR muna kaya tayo?"
“Ano ka ba? Ang layo pa kaya ng CR habang andito na sa harap natin yung mapagbibilhan ng damit", bulong niya pagkatapos akong batukan. =____="
“Oh, sige na nga. Bilisan na natin"
*Few minutes later*
“Diyan ka lang ha? Babayaran ko lang muna 'to" pagbilin sa'kin ni Yayabs.
“Oo na, oo na! Bilisan mo na, Yayabs!", naiiyak ko nang sabi. 'Di na talaga ako mapakali sa kalagayan ko. T____T
“Uhh, excuse me, miss... sa'yo ba'ng wallet na'to?", sabi ng isang gwapong nilalang habang inaabot ang wallet ko.
“Ah, oo... Thank you. Sa'n mo ba 'to nakuha?", tanong ko.
“Nahulog kasi yan sa sahig", nakangiti na parang nahihiya niyang sagot.
Nabato ako nang marinig ko 'yun. Kung nahulog kasi yun sa sahig, malamang... malamang nakita niya ang...
AAHHHHH!!!
Galing pa naman siya sa likuran ko!!
>____<
Bago pa siya makapagsalita ulit, tumakbo na ako palayo. Grabeh!! Nakakahiya talaga!! Ang gwapo pa naman ng lalaking yun.
=____="
*END OF FLASHBACK*
“Yayabs... ayos ka lang?", nagising nalang ako ng biglang magsalita si Janice.
“Ha? Ah... oo... ayos lang ako. Hehe... sorry nga pala sa bigla kong pagtakbo noon", nahihiya kong sabi.
“Sus! Wala yun! Kalimutan nalang natin yun. Uhmm... ako nga pala si Akie", inabot niya ang kamay niya sa'kin.
“Ah... uhh.. ako si Maya", at nag-shake hands na nga kami. Uwaaa!! Pwede wag na bitawan 'tong kamay na'to? *w*
“Ah! Oo nga pala. Akie, alam mo bang crush ka nitong..", hindi ko na pinatapos ang pang-eepal ni Janice at siniko ko na siya.
“Uh... Ah, Yayabs! Diba may pupuntahan pa tayo? Tara na!", hinila ko na si Janice palayo habang nakahawak pa rin siya sa tagiliran niyang siniko ko. Epal kasi masyado eh.
Teka lang... iniwan ko na naman ba bigla si Crush?
Uwaaa!! Pangalawang beses na yun ah??! T^T
'Di nagtagal, mas lalong nagkakilala kami ni Akie. Magkababata nga sila ni Janice at halatang napakalapit talaga nila kahit na palagi silang nag-aasaran. Sa totoo lang, naiinggit nga ako eh, kasi ang cute nilang tignang dalawa. Pero di dapat ako ganito. Bestfriend ko si Janice kaya dapat I should want what's best for her.
BINABASA MO ANG
Si Crush at Si Bestfriend (Short Story)
Teen FictionPag close na close si Crush at si Bestfriend ... pwede ba akong umepal ..? :(