Part 2

117 4 0
                                    

“Janice! Bigyan mo naman ako ng chance oh"

“Ayaw"

“Sige na, Janice. Pagbigyan mo na ako"

“Ayaw"

“Janice, please lang naman oh. Di mo talaga 'to pagsisihan"

“Ayaw"

Haaay naku! Eto na naman ang isa sa mga manliligaw ng Yayabs ko. Nakaka-ilang manliligaw na rin 'tong si Janice. Lahat basted. Napaka-harsh kasi ng babaeng 'to eh.

Sabi niya may hinihintay daw siyang tao kaya ayaw niyang magpaligaw sa iba.

Haaaaayyy!! Siguro nga man-hater lang talaga 'tong bruhang 'to.

“Uy, Yayabs!", tawag ko kay Janice nang makaalis na ang isa sa di-pinagpala niyang manliligaw.

“Yes, Yayabs?", nakangiti niyang sagot.

“Sino ba talaga 'yang lalaking hinihintay mo ha at ang rami ng mga manliligaw mo d'yan na binasted mo?"

Napatahimik si Janice nang tanungin ko 'yun. Tumalikod nalang siya bigla sabay sabing...

“Basta! Tara na nga, Yayabs. Uwi na tayo", at naglakad na siya paalis.

Ewan ko ba. Bakit parang iba yata ang pakiramdam ko?

Pagsapit ng gabi, di ako makatulog sa kakaisip. Pa'no kaya kung si Akie ang lalaking hinihintay ni Janice? Kung tutuusin kasi, si Akie lang ang lalaking nakakalapit kay Yayabs. Pero matagal na rin namang alam ni Yayabs na may gusto ako kay Akie ah?

Di kaya siya ang naunang magkagusto sa kanya kasi nga magkababata naman sila?

Pero, pag ba una, yun yung mas may karapatan?

Pa'no naman 'tong nararamdaman ko?

Balewala nalang ba 'to?

Haaayyy!! Ewan ko ba.

Kinaumagahan, andun na sina Janice at Akie sa labas ng school gate naghihintay sa'kin gaya ng nakasanayan na namin. Pero this time, iba yata ang kalagayan nila. Masaya kasi silang nagkwekwentuhan at si Janice naman, sinusundot-sundot yung tagiliran ni Akie habang nahihiya itong nakangiti.

May nangyari kayang di ko alam? Parang maiiyak na yata ako sa nakikita kong 'to.

Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanila.

“Yayabs!" full-energy na bati sa'kin ni Janice sabay akbay sa'kin.

“Hi, Maya", nakangiti namang bati sa'kin ni Akie.

“Hello", nag-fake nalang ako ng smile para di nila mahalata ang nararamdaman ko. Pero deep inside... Ang sakit talaga!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Lunch break na and as usual, magkakasama kaming tatlo ng bestfriend ko at ng complicated crush ko.

“Aaah! Maiwan ko muna kayong dalawa ha? Mag-C-CR lang muna ako", sabi ni Janice.

“Ah, sige. Dalian mo lang ha?", sagot ko.

“Hoy, Akie!"

Pareho kaming nagulat ni Akie nang tinawag siya ni Janice. Wala rin namang sinabi si Yayabs at tinignan lang niya ng masama si Akie.

Ano kaya'ng ibig sabihin nun?

Binabalaan ba niya si Akie?

Kanino naman kaya?

Sa'kin??  :o

Pagkaalis ni Janice, nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin ni Akie. Nakaka-ilang talaga ang katahimikang yun kaya minabuti ko nang basagin nalang yun.

“Ah, Akie. May pinag-usapan ba kayo ni Janice na di ko alam? Parang iba kasi yung tingin niya sa'yo kanina eh", pagbubukas ko ng topic.

Hindi naman siya nakasagot agad at halatang nagulat siya sa tanong ko.

“Uhh... kasi, Maya... uhhh... alam mo kasi... Ah.. wala yun! Wag mo nalang pansinin... hehe..", nauutal na sagot ni Akie.

Bakit kaya ganyan siya? Siguro nga may tinatago sila ni Janice.  :(

”May problema ba, Maya? Kanina ko pa kasi napapansing ang tamlay ata ng aura mo ngayon"

Nye! Nakakapansin ka pala ng aura ngayon? Turuan mo kaya ako niyan minsan?  =.=

“Ah, wala. Okay lang ako. Medyo pagod lang", nakangiti kong sagot.

“Alam mo, ang cute mo pag ganyan ka", bigla niyang sabi sa'kin.

*DUGSSH! DUGSHH! DUGSHH!*

Adjdjsjdjsksjdhfr!!!

Uwaaa!! Cute daw ako? Tama ba yung dinig ko??

Uwaa!!

Mag-o-overheat na ako sa pamumula dito!!  >////<

“Uhh... ahh.. pinagsasabi mo?", nauutal kong tanong habang nanginginig na iniinom ang tubig ko. Kailangan kong mag-cool down.

x___x

“Mas lalo ka pang nagiging cute pag ganyan ka", nakangiti niyang sabi.

Uwaaa!! Pwede ba wag mo akong pakiligin?!! Langya kang crush ka! Ba't ba bigla-bigla mo nalang akong pinapakilig? Wag ka nga! Shoo! Shoo!!

>3<

“Natagalan ba ako?", biglang dumating si Janice.

“Ah, hindi naman masyado", sagot ni Akie.

“Buti naman. Uhh... Yayabs, ayos ka lang?", tanong ni Janice pagkatapos umupo sa gitna namin ni Akie.

Tumungo lang ako at patuloy na niyuyuko yung ulo ko. ‘Di nagtagal, nagkwentuhan na naman kami. 'Di ko maiwasang tignan silang dalawang magkasama.

Tama nga.

Wag mo nalang akong pakiligin, Akie. Kasi mas bagay kayo ng Yayabs ko. Wag mo nalang sana akong ipaasa kung di rin lang naman matutupad.  :(

Si Crush at Si Bestfriend (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon