Part 3 (Finale)

87 4 3
                                    

Isang araw, susunduin ko na sana si Janice sa library kasi inutusan siyang magbantay dun ngayong oras. Nasa kabilang building ang library. Paglabas ko ng building namin, may narinig akong kumakanta at nakita kong may kaguluhang nangyayari sa gitna ng court. Gusto ko sanang umusyoso saglit kaso lang, di pa man ako lubusang nakalapit, may narinig na akong dalawang babaeng nag-uusap.

“Totoo? Si Akie ba talaga yung nanghaharana?", sabi ng isang babae.

“Oo nga. Kita ko mismong siya yung kumakanta. Sa tingin mo, sino kaya yung nililigawan niya?", tanong nung kasama niya.

“Hmm... siguro si Janice. Napaka-close kasi nilang dalawa at maganda naman si Janice. Naka-ilang manliligaw na nga yun eh"

“Oo nga noh? Grabe! Ang swerte naman niya. Ang gwapo kaya ni Akie!"

“Sinabi mo pa"

At umalis na ako pagkatapos kong marinig yun. Ang bigat-bigat naman ng dibdib ko. Feeling ko maiiyak na yata ako. Susunduin ko pa ba si Janice? Ano naman kayang sasabihin ko sa kanya? Makakaya ko ba talagang harapin siya?

Haaayy!! Ano ba'ng gagawin ko?

=____=

“At para sa babaeng liligawan ko..."

Napatalikod ako sa direksyon ni Akie. Nandun nga siya may dalang gitara at nakahawak sa mic na naka-konekta sa isang speaker sa gilid niya.

Sumikip ang dibdib ko ng makita at marinig ko ang sinabi niya. Dito siya nakatingin sa direksyon ko. Pero andun lang ako nakatayo at nakatingin sa kanya... hindi alam ano'ng gagawin.

“Janice..?"

Ouch!!!

Ayan na!

Nasira na talaga ang puso ko. Parang tutulo na talaga ang mga luha ko. Kailangan kong lumayo dito.

Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sa'kin mula sa likuran ko... si Janice!!

So, ano? Pwede na ba akong umiyak ngayon?

Ngumiti siya sa'kin at sinabing...

“Tara, Yayabs... tawag ka na ng crush mo", tapos hinatid niya ako papalapit kay Akie.

Nagulat ako sa sinabi ni Janice. Wala akong maintindihan sa sinabi niyang yun. Tsaka, bakit ba sinasama niya ako papunta kay Akie? Di ba dapat siya lang ang lumapit sa kanya? Siya yung nililigawan eh!!

Ahhh!!! Wala na talaga akong maintindihan!!  >____<

Hindi pa man kami lubusang nakalapit ni Yayabs, kumanta na naman si Akie.

(1 2 3 4 by Plain White T's)

Give me more loving than I've ever had

Make me feel better when I'm feeling sad

Tell me I'm special even though I know I'm

Make me feel good when I hurt so bad

Barely getting mad

I'm so glad I found you

I love being around you ♪

Natulala nalang ako ng magkaharap na kami ni Akie habang nasa gilid ko lang si Janice. Patuloy lang siyang kumakanta habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Sinabayan pa siya ng ibang estudyante pagdating sa chorus.

You make it easy

Its as easy as 1-2-1-2-3-4

There's only one thing

To Do

Three words

For you

(I love you) I love you

There's only one way to say

Those three words

That's what I'll do

(I love you) I love you

Tulala pa rin ako pagkatapos niyang kantahin 'yun. Bigla naman siyang lumuhod at kinuha ang isang rosas mula sa bulsa niya sa likod. Tapos nagulat nalang ako ng sinabi niyang...

“Maya, will you be my girlfriend?"

Natakpan ko ang bibig ko habang nararamdaman kong pumupula na naman yung mukha ko. Hindi ako makasagot at tinitigan ko lang siya.

“So, ano? May chance ba ako?"

Nagising nalang ako ng sabihin niya yun.

“Ah! Uhh... teka lang... naguguluhan ako", sabi ko habang pilit na pinapatayo siya.

“Huh? Ba't ka naman maguguluhan?", tanong niya.

“Eh kasi nga si Janice yung dapat nililigawan mo, diba?", naguguluhan kong tanong.

“Ano? Ba't ko naman liligawan si Janice eh pinsan ko 'yan", nakangiti niyang sagot.

“Haaaa???? Diba sabi niyo magkababata kayo? @___@"

Naguguluhan na talaga ako.

x___x

“Alam mo, Yayabs... pinilit lang ako ni Akie na sabihin yun kasi gusto niyang malaman kung gaano ka-totoo yung nararamdaman mo sa kanya sa pamamagitan ng selos. Nasabi ko rin kasi sa kanya na may crush ka sa kanya eh... hehe", paliwanag ni Janice sa'kin.

Sabi ko na nga ba binunyag ng bruhang 'to ang sekreto ko.

“Pero, Yayabs... ikaw naman talaga ang gusto ni Akie. Matagal na. Kaya nga pinipilit niya akong tulungan siyang manligaw sa'yo eh", dagdag ni Yayabs.

“Eh kung ganun, sino yung lalaking hinihintay mo?", tanong ko kay Janice.

“Eh???? Wag mo na ngang itanong yan!!", namumula niyang sagot.

“Sino ngaaa??!!!!", naiiyak kong pagpupumilit.

“Eh?? Ano ba?!! Sige na nga! Kuya mo ang lalaking hinihintay ko, okay? Yung kuya mong nag-aaral abroad? Siya yung taong hinihintay ko! Ano? Masaya ka na?", namumula na talaga si Janice nang sabihin niya yun na siya naman ikinagulat ko.

“Eh kuya mo lang naman pala Maya eh. Ako naman ang kausapin mo oh", sabi ni Akie sabay hawak ng mga kamay ko.

“Ano, Maya? Pwede ba kitang maging girlfriend?"

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

(A/N)

Hope you liked my first short story ..

pasensya na poh kung di masyadong maganda ..

=.=

please support rin kung nagustuhan niyo 'to ..

^w^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Crush at Si Bestfriend (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon