Chapter 05

72 3 11
                                    

August 01, 2016.
Monday, 5:30 A.M.

Pia's POV

What are we fighting for? Seems like we do it just for fun In this, this stupid war, we play hard with are plastic guns, breath de--🎶

Pinatay ko na yung alarm clock ko at tamad na bumangon mula sa kama.

Nagpainit na 'ko ng tubig at umupo dito sa may dining area.

"Pia? Nasaan si Pink?" Agad akong napabangon nung narinig ko yung boses ni Tita-- mommy ni Pink.

"Ahh, Tita, tulog pa po kasi siya. Gigisingin ko na lang po kapag tapos na 'kong maligo." Sagot ko. Bakit kaya? Tsaka, minsan ko lnag din kasi naaabutan dito si Tita, e. Di kami masyadong close.

"Ahh? Ganun ba? Pakibigay na lang 'tong singsing sa kanya, ha? Salamat, Pia. Una na 'ko." Wala sa sarili akong napatango kay Tita. Bakit naman kaya niya bibigyan ng singsing si Pink?

Tinignan ko yung kahon ng singsing. Kulay pink yung kahon ng singsing na may nakasulat na Only For You. Pero kahit alam kong hindi para sakin, naintriga ako kaya binuksan ko yung box.

O_o

Ang ganda nung singsing! Gold siya na pa-infinity sign. Ang cute cute! Gawd! Siguro mahal 'to. Nakita ko rin na may nakalagay na Pink Villaflor sa loob ng singsing. So, para kay Pink nga 'to? Ano namang gagawin niya dito? Di naman siya alahera, e.

Narinig kong kumukulo na yung pinainit ko kaya naman agad akong napatakbo dun. Gosh! May pinapainit nga pala akong tubig! Hehe.

Pinatay ko na yung kalan at binuhos yung mainit na tubig sa balde. Mas gusto kasi ni Pink yung nagpapakulo ng tubig sa kalan, e. Tsaka, sira banyo ko dun sa kwarto. Actually, dati pa yun, e. Pero sabi ko, wag na ipagawa. Nakakahiya naman. Kaya, dito ako naliligo sa banyo dito sa sala.

…………

Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kwarto ko tsaka nagbihis. Pagkatapos magbihis, pumunta naman ako sa kwarto ni Pink.

"Pink, bumangon ka na jan!" Sigaw ko sa kanya. Di naman kasi yan madaling gisingin, e. Tulog-mantika, kumbaga. Pero di ko naman siya sinisigawan sa tenga. -_-

"Hmmm.." gumagalaw siya pero hindi bumabangon.

"Pink, ano ba!!" Sigaw kong muli sa kanya.

"*hilik*" Parang tanga talaga 'tong si Pink. -_-

"PINK!! ANO BA!! SINABI NANG GUMISING KA NA JAN, EH!!" Sigaw ko sa kanya kaya naman napabalikwas siya. Tss.

Buti maaga-aga pa ngayon.

"Pia.. anong oras na?" Tanong sakin ni Pink.

"Maaga-aga pa naman kaya bilisan mo jan ng hindi tayo malate." Sagot ko.

"K.." Sagot niya tsaka bumangon. Bumangon na parang tanga. Patumba-tumba pa. -_-

Kumuha siya ng twalya tsaka pumasok na sa banyo. Aww! Nakalimutan kong magpainit ng tubig. Tuwing umaga kasi, ako na nagpapainit ng tubig tsaka maliligo na lang si Pink.

"AAAHHH! PIA!!! WALANGYA KA!! ANG LAMEEEEGGG! HUHUHU.." Rinig kong sigaw ni Pink mula sa banyo.

"Sorry Pink! Hehe." Sabi ko.

"Aissh." Sabi niya. Di ko na lang pinansin. Pumunta na 'ko sa dining area at nagsimula nang kumain. Nagluto na kasi mga katulong dito.

Nung malapit na 'kong matapos kumain, tsaka naman dumating si Pink.

"May kasalanan ka pa sakin, Pia! *pout*" Tsk.

"Oo na. Sorry na, okay? Nakalimutan ko, e. Sige. Magsasapatos na 'ko. Hintayin lang kita dun sa sasakyan." Sabi ko.

Pink's POV

"Sige." Sagot ko kay Pia.

"Ay, wait." Sambit niya.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Pinapamigay ni Tita sayo." Sabi niya sabay abot ng.. kahon?! Ng singsing?!

"Oh? Ano naman daw gagawin ko dito?" Tanong ko. Di naman kasi ako mahilig sa ganito, e.

"Di ko rin alam. Di sinabi, e. Hindi ko na rin natanong." Sabi niya habang nagsasapatos.

"Una na 'ko sa kotse. Bye." Sabi niya tsaka pumunta na sa kotse.

Nagsimula na 'kong kumain habang iniisip pa rin kung anong meron sa singsing. I mean, bakit kaya magbibigay sakin si Mama nito? Tsaka, di rin naman mahilig magbigay ng mga ganto sakin si Mama, e.

Hmmm..

He Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon