Chapter 07

80 2 4
                                    

Pink's POV

"PINKLAIRE VILLAFLOR! BAKIT MO DINIKIT TO SA LIKOD KO?!" Sigaw ni Orange  habang nanliliksik yung mga mata na nakatingin diretso sa mata ko.

Boom Yari! >.<

"A-ahh. . O-orange . . K-kasi. ." Hindi ko alam sasabihin ko! Huhu. .

"What now?!" Sigaw niya tsaka unti-unting lumapit sa'kin. Nakatingin na sa'min yung iba pa naming kaklase.

"S-sorry. . " Yan na lang ang nasabi ko tsaka napaupo.

"Ikaw ang naglagay nito sa likod ko, diba?" Tanong niya sakin.Bahagya naman akong tumango. "Look, kung ginagawa mo 'to dahil gusto mong mapansin kita, well, congrats! Nagtagumpay ka na! Masaya ka na?! Huh?!" Sigaw niya sakin. Ewan ko pero. . .

Naiiyak ako. .

"Ahh. Orange, kami kasi yung--" si Jass.

"Shut up!" Pigil sa kanya ni Orange tsaka siya umalis ng room.

Napa-upo naman ako sa upuan ko. Para akong naluluha.

"Pink. . Sorry, ah?" Pag-hinging patawad sakin ni Jass.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang yun. " Sabi ko tsaka lumabas na sa room. Tinawagan ko yung driver namin na sunduin niya ako dito.

Maya-maya lang, dimating na yung kotse kaya naman sumakay na ako. Ayokong mag-taxi, e.

"Ma'am, wala ho kayong klase?" Tanong sa'kin ng driver.

"Meron po. Sumama po kasi yung pakiramdam ko eh." Sagot ko sa kanya.

"Ay naku, Ma'am! Gamot lang po katapat niyan!" Sabi Manong. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Ay! Si Pia nga pala. Baka mag-taka kung bakit wala ako sa room.
Nag-text ako. .

To: PiaPanget
Pia, ndi ako makakapasok. Pakisabi na lang sa teacher natin. Sumama pakiramdam ko eh.

Pagdating aa bahay, binati ako ng mga katulong. Nginitian ko naman sila. Tsaka na ako umakyat sa taas.

Humiga ako sa kama ng hindi pa nagbibihis. Bigla naman nahagip ng mata ko yung box ng singsing. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit ako binigyan ng ganung singsing. Maganda siya at mukhang mamahalin. Kaso, wala talaga akong interes sa mga ganun eh. Lumapit ako dun tsaka ko kinuha yung kahon ng singsing.

Ang ganda niya talaga. .

Sinuot ko yung singsing. Ang ganda! Bagay talaga siya sa'kin. Gold siya na pa-infinity sign. Ang cute. Gusto ko kapag ikakasal na ako, ganitong singsing ang matatanggap ko. Ang ganda talaga eh. Haha! Paulit-ulit na, okay.

Nakita ko namang umilaw cellphone ko. Baka may text. Tiningnan ko ito.

From: PiaPanget
Bakit? Anyare?

Si Pia pala.

To: PiaPanget
Wala. Sinat lang.

Pagkatapos ko siyang reply-an, nagbihis na ako at humiga sa kama. Sinet ko yung alarm clock ko ng 11:30 para magising ako kapag kakain na.

Iidlip muna ak--

Zzzzzzz..

Orange's POV

Badtrip yung babaeng yun! Nagpapa-pansin na naman! Tsk. Ni katiting, wala akong interes sa kanya! Sa sobrang badtrip ko, lumayas na ako dun. Naaalala ko tuloy yung kanina.

**flashback**

Tch. Lumabas na ako sa room, langya. Yan na naman si Pinklaire na yun!

Pagkalabas ko. .

"Pfftt.. Bwahahaha!"

"Hahahaha! Kaya pala masungit eh!"

"Hala! Bakla daw! Layo tayo jan! Hahaha!"

"Tularan daw?!?! Pfftt.. Wahahahaha!"

Rinig kong bulungan sa paligid.
Anong meron? Ako ba? Parang sakin sila nakatingin eh?

May batang humarang sa dinadaanan ko. Sisigawan ko na sana siya pero may kinuha siya mula sa likod ko. .

"Kuya, may nakadikit po sa likod niyong papel. . " Sabi nung bata.

Tinignan ko yung nakasulat sa papel at. .
Bigla akong namula sa galit! Tch. Kaya pala tinapik ni Pinklaire yung likod ko kanina! Tsk. Pumunta na ako aa classroom tsaka ko siya sinigawan. . .

*end of flashback*

At ganun na nga! Napahiya ako sa maraming students! Tch. Kainis talaga!

Tumunog cellphone ko. May tumatawag. Kinuha ko naman yung cellphone ko tsaka ko sinagot yung tawag ng hindi tinitignan kung sino ito.

"What?!" Bungad ko sa kanya.

"[Hey, It's me.]" Bigla naman akong natuwa.

"Hey. Nasaan ka?"

"[Nasa school. Tinawagan lang kita. Ayaw mo?]"

"Siyempre gusto!"

Narinig kong tumawa siya.

"[Oh, sige na. Magka-klase na kami. Baka nagka-klase na rin kayo. Bye. I love you.]"

Hindi niya pa pala alam na hindi na ako pumasok. Sasabihin ko na lang mamaya.

"Sige. Bye. I love you too."

Tsaka ko na in-end yung tawag.

Napangiti na naman ako.

Basta siya, napapangiti ako ng wala sa oras. .

He Lost HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon