Entry 11

3 0 0
                                    

Dear Diary,

Hi daila! Kamusta ka na? Ako? Eto, sabog pa rin harhar chos lang! May chika ako sayo dali! Lapit mo yung ulo mo sa akin may ibubulong ako sayo. LOL. As if naman mabubulungan kita. Tanga-tanga netong si Daila. diary ka lang hoy! Wag kang mag-assume na magging tunay na ao ka!Masasaktan ka lang. Tulad ng nararamdaman ko ngayon. Dahil sobrang sakit na, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pakamatay na lang kaya ako no? SYEMPRE JOKE LANG YON! SAYANG YUNG GANDA KO KUNG SASAYANGIN KO LANG DAHIL NASASAKTAN AKO!



Pero seriously Daila, may ikukwento ako sayo. Kasi si Jaycee medyo nilalayuan ko na. Alam mo kung bakit? Syempre hindi. Ngayon ko pa nga lang sasabihin diba? Pero eto na talaga. KAsi ba naman this past few weeks, yung mga tingin nya sakin parang mamanyakin ka anytime? Tapos kapag ngingiti sya sakin parang....Hmmm.... Basta para syang manyak. Naaalala ko tuloy sa kanya yung kaklase ko nung Grade 3. Kasi kapag lumalapit sa akin yon, nakikipag eye to eye sakin. Eh akong si duwag konting kibot lang eh umiiyak kaya ayon. Minsan nga nakita pa ako nung kalaro ko na umiiyak dahil ayaw kong paupuin sa tabi ko yung kaklase kong yon eh. tapos tinanong ako ni mudra kung anong nangyari tapos gumawa nalang ako ng kwento para hindi ako mapagalitan.



Kaya ngayon di ko na masyadong tinitignan si Jaycee. May isa pa akong sasabihin sayo! Kasi kahapon kami lumaban. Di kita na-inform, sana nakapunta ka para napanuod mo ko. LOL. Pero eto na nga, dahil kahapon yung contest namin at pagod na pagod ako kasi ika ba naman ang sumayaw ng isang oras diba? JOKE. Eto na talaga mag-seseryoso na ako. Pagod na pagod ako kasi ang daming nangyari kahapon.



Habang nasa backstage kami kahapon, syempre kinakabahan ako kasi lalaban na naamn ako pagkaapos ng ilang taon. Hindi naman ito yung first time ko na sumali sa isang dance contest pero ngayon nalang ulit ako sumali kasi dati na-injured ako tapos na-trauma ako kaya talagang kaba ko kahapon. Tapos may isang matangakad na pumunta sa harapan ko dahilan kung bakit ako nagising sa pagkaka-tulala ko. Akala ko si Jaycee kasi aalis na sana ako kaso mali ako. Pag-angat ko ng tingin si Ronnel pala yon. OO. SI RONNEL NA SINAYAWAN KO. NA NAKAKUHA NG FIRST KISS KO AT ANG LALAKING HATE NA HATE ATA AKO.



Tataraya ko na sana kaso naunahan na nya ako. Sabi nya, "Alam kong kinakabahan ka kaya eto oh. Inumin mo yan." tapos inabot nya sakin yung ewan ko basta nasa isang bote sya. Nagdadalawang isip ako kung kukuniin ko ba o hindi pero inunahan na nya ako. sabi nya, "Walang lason yan. Kung lalasunin kita hindi harap-harapan o sa maraming tao. Gusto ko yung tayong dalawa lang. PAra kapag namatay ka. Ako lang ang makakakita. Kapag patay na patay ka naman na sakin, gusto ko sa harap ng maraing tao para alam nilang may nagmamay-ari sayo."



Hindi ko narining yung huli nyang sinabi kasi halos pabulong nalang. Hanggang sa 'Ako lang ang makakakita' lang ang narinig ko eh. Pero ayos na yon. Wala lang naman ata yon eh. Tapos nung tinanggap ko yung binibigay nya, bigla na lang syang umalis. Kaya ininom ko nalang din yung binigay nya. Kinantyawan pa nga ako nung mga ka-member ko kasi daw ang sweet naming dalawa. Pakunwari-kunwari pa daw kaming dalawa na gate namin nag isa't-isa. Gusto kong sabihin sa kanila na, "Naku, kung alam nyo lang baka nagpapatayan na kaming dalawa kapag pinagsama mo kami."

Tapos nung sila na ang nagpe-perform pwede kang nasa harap ng stage kasi yung ibang contestant nandoon pero mas pinili kong sa backstage nalang dahil lalo akong kinakabahan kapag naririnig ko yung hiyawan sa labas. Habang pinapanuod ko yung performance nila ronnel, hindi ko maiwasang purihin kung paano sya sumayaw. Lalo na kapag tumutulo yung pawis nya habang sumasayaw sya. Grabe sobrang hot nya habang sumasayaw. How to be you po?? Ayy ang jeje.



Pagkatapos nilang sumayaw pumunta na din sila sa backstage. Nagtama ang mga mata namin at bigla akong nag-iwas ng tingin. Maya-maya naman ay bigla ng tinawag ang grupo namn hudyat na kami na ang magpe-perform, mas lalo akong kinabahan nung narinig ko ang mga hiyawan ngmga studyante. Kung kanina doble ang kaba ko, ngayon naman ay triple na. Ako ang pinaka-center ng choreo kaya kabang-kaba ako na baka magkamali ako. Nang magsimula na ang kanta ay walang emosyon ang mukha ko dahil seryoso ang kanta. Hiphop kung baga. Medyo nawala-wala yung kaba ko hanggang sa napunta na sa medyo mahirap na part pero nakakaya ko naman.



Medyo na-out of balance ako kaya bigla akong natumba. Hinihintay kong bumagsak ang sarili ko sa sahig pero biglang may isang malaking rebulto na parang si Flash ang sumalo sa akin kaya hindi ako tuluyang bumagsak. "Dumilat ka na."yan ang narinig ko nung nasalo na ako at saktong paghinto ng music ang pagkakasalo nya sakin. Kaya ang naging ending ng sayaw namin ay salo-salo nya ako. Pag-angat ko ng tingin ko ay si Ronnel ang sumalo sakin kaya hindi ako nasaktan.



At iyon ang nangyari kahapon kaya pagod na pagod ako tsaka medyo masakit yung paa ko. Yun nalang muna ang ikukwento ko sayo kasi kailangan ko ng mag-pahinga. Bye Daila!! Mwua!




-Olivia Maganda

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Diary #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon