Entry 7

16 2 0
                                    

Dear diary,

Daila!!!!!! Na-miss kita!!! T^T ilang araw kitang hindi na-kwentuhan dahil masyado akong naging busy sa pag-aaral. (Weh? Nag-aaral nga ba talaga) Mga 10 years kitang hindi nasulatan. Chos! One week lang naman.

But anyway, marami akong kwento sayo ngayon. Simulan natin sa... Ah! Dun sa sinalihan kong grupo. Diba nga alam mon mahilig ako sa mga koreano kaya sumali ako sa isang kpop group. *O* Ang pangalan ng group ay Shenmi, means Mysterious.

Actually, close ko na lahat ng member. Yung isa kaklase ko dati tapos yung isa naman kaibigan ko. Si Lea at Janine. Sasali kami sa mga contest tapos ico-cover namin yung mga kpop songs. OMG! Excited na nga ako eh! Kaso di ko pa sila nakikitang lahat. Anim kaso kami eh. Tatlo palang ang nami-meet ko, kasama na yubg kaklase ko dati tsaka yung kaibigan ko.

Sunod naman na chicka ko sayo tungkol sa intrams! Sumali ako sa volleyball. Yun lang kasi ang alam kong sports eh. Well, sanay rin naman ako mag badminton pero mas comfortable ako sa volleyball. Bumuo kami ng team at magagaling naman yung mga kagrupo ko. Hindi ko pa nga lang alam kung sino ang makakalaban namin. Alam ko rin naman na kami ang mananalo dahil sa akin pa lang walang wala na sila.

Ayy! Nahahawa na ako dun sa Jaycee na yun ng kayabangan bwiset naman oh!

And speaking of that Jaycee the yabang, aba! Pakitang gilas ang lintek! Sabi ba naman sa akin eh panoorin ko daw sya sa try-out ng basketball dahil sigurado daw sya na papasa sya. At dahil nahihiya akong tumanggi, pinagbigyan ko na. At alam mo ba ang nangyari? Syempre hindi.

Dahil gusto nyang magpasikat sa akin, hindi nya pinapasa sa iba yung bola kaya ayun lagi syang napapagalitan nung coach. Tapos ang sinasabi nya pa sa akin;

'Ang galing ko no? Sadyang malabo lang nata ni coach kaya ako ang napapagalitan ni coach'

Yabang no? Magbuhat daw ba ng sariling bangko. Tapos nung nagsimula ulet ng second round, nadapa sya muntik na nga akong humagalpak ng tawa eh. Buti nalang napigilan ko pa hahahaha. Ganto kasi yung nangyare, diba nasa kanya yung bola, tapos nung isho-shoot na nya dapat magda-dunk pa ang loko. Kaso yung isang trainee din natalisod kaya naitulak yung lalaking nasa likod ni Jaycee tapos naitulak naman nung lalaki si Jaycee kaya sa halip na maka-shoot sya, lumagapak yung mukha nya sa sahig HAHAHAHAHAH tae pag-uwi ko sa bahay tawa ako ng tawa. Akala nga nila mama naloloka na ako.

Tapos nung nakatayo sya sinisi nya yung nakatulak sa kanya! Nakita ko pa nga na parang may black eye si Jaycee eh tawa talaga ako ng tawa nun. HAHAHAHA ayan tuloy natatawa na naman ako. Ang epic kasi talaga ni Jaycee eh. XD

Okay, lets move on kay Jaycee. Eto ang mas nakaka-panibago, si Ronnel.......... patay na.









SYEMPRE ECHOS LANG YUN! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA di pa sya pwedeng mamatay no! importante sya sa storya kong to kaya baka mapatay ko din si author kapag namatay si ronnel! Pero joke lan napapatayin ko si author dahil walang magtutuloy ng storya kong to kapag namatay sya. Tsaka di pa daw nya nakikita ang anak nyang si Taehyung kaya di pa sya pwedeng mamatay.

Pero eto talaga ang nakaka-panibago kay Ronnel. Pinapansin nya na ulit ako!! Hindi naman sa kinikilig ako ha? Sadyang nakakapanibago lang. Kasi dati nung 'crush' ko pa sya kulang na lang na mag-lagay ako ng placard na 'SENPAI NOTICE ME!' para lang mapansin nya ako! Pero ngayon konting galawa ko lang napapansin na nya. Ang kaso nga lang napapansin nya yung mga mali ko! lagi tuloy akong naco-concious sa bawat galaw ko. Pati nga yung paghawak ko ng ballpen napupuna nya pa eh. Minsan nga bigla nalang akong pupunahin kahit maraming tao eh. Tapos lagi nya pa ding kasama yung nakita kong girl. Mukha ngang may something sa kanilang dalawa eh. Pano kasi kapag pinupuna ako ni Ronnel ang sama ng tingin nya sa akin. Yung tingin na nagseselos.

Yung tingin na Ronnel-is-mine-back-off ganern! Kaya nga lagi ko ng inaayos Yung sarili ko para di na ako mapansin ni Ronnel kaso ang letse puna ng puna! Kesyo daw di pantay yung medyas ko, ang pangit daw ng notebook ko! Buset na yan!

Pero ngayon umiiyak ako eh! Kasi naman ticket selling ng Bangtan ngayon na eh! Kaso di ako nakabili! Kasi wala akong pera! Bigyan mo nga ako Daila! Dali na. Alam ko namang may pera ka dyan kahit papano eh.

Sige na bye na! Tulog na ako. Pagod na ako eh. Bye mwuaps!


-Olivia♥

Dear Diary #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon